CHAPTER 9

1.3K 31 1
                                    


Naisip ni Waldo na dapat ay hindi na niya tinulungan ang babae na makain ng tent. Tinitingnan niya kasi ito mula sa kabilang tent na pumasok ng kubeta at lumabas. At nakita niya ring nahulugan ng tent. Sa totoo lang ay nag-alala rin siya kaya napatakbo para tumulong. Baka naman kasi at mapaano ito at masisi din ang kompanya niya.

Nang sumunod na araw ay gusto na niya itong ipahatid sa baba kaso umulan kaya bukas na lang siguro. Nagmi-meeting sila ng apat na engineer kung paano ang tamang pagbutas sa lupa nang nakita niyang lumabas sa kusina ang babae. Nakasuot ito ng pantalon at puting T-shirt at tinali nito ang mahabang buhok bago tinulak ang isang sako sa kahoy sa malapitan. Para itong sa katipunerang naghasa ng itak at inumpisahan ang pagbalat ng kamoteng-kahoy. Napatingin siya dahil madalang kasing may makita siyang pretty girl na naghahawak ng itak tulad niyan, lahat na ay puro pasosyal at party lang ang alam. May itsura si Eloida dahil maliit ang mukha at balingkinitan. Parang kay Pocahontas pa naman ang itim at straight ng buhok kaya ito talaga ang masasabing gandang kayumangging-kaligatan.

Naisip nga niya ang sex video. Ang babae doon parang malaman. Si Eloida payat. Slim na slim, walang kabilbil-bilbil. Baka nga na tulad niya ay dinikit lang ang ulo nito doon sa video. Pero pamangmkin kasi nito ang nag-upload kaya impossibleng walang alam ang babae.

Mga alas-tres ay iniwan nila ang tent at naglagay ng mga palatandaan kung saan nila uumpisahan ang hukay. Pinuputol na ng mga tauhan ang mga kahoy para malinis ang lugar. Nagtutunugan nga ang mga chainsaw.

Bumalik sila sa tent mga alas-singko. Dumating naman si Eloida bitbit ang isang malaking pinggan na puno ng ginataang kamoteng-kahoy.

"Meryenda po kayo!" sabi ni Eloida sabay bigay ng malaking ngiti sa kanilang lahat.

"Favorite ko 'to!" sabi ng engineer galing Maynila sabay dampot ng dalawa na agad.

Ang dinala niyang Swiss engineer ay naki-dampot din dahil siguro sa gutom. "Tasty!" sabi nito.

Hindi naman nagpahuli ang engineer na galing sa ibaba. Humingi pa ng asukal kay Loida kaya bumalik ng kusina si Eloida para kunan ang inhenyero.

Hindi naman siya dumampot.

"Sir, baka gusto niyo pong tikman," sabi ng babae sa kanya sabay turo sa pinggan.

Tango lang ang sagot niya.

Bumalik naman ito sa kusina at maya-maya ay nakita niya itong nagpapalakol ng kahoy na pangggatong. Mukha ngang hardworking at hindi kiyeme-kiyeme. Kung wala lang siguro ang sex video na 'yon ay baka hahanga siya sa babae. Sigurado talaga siyang may alam ito.

INDISCREET (to be published by Bookware Publishing Inc.)Where stories live. Discover now