CHAPTER 20

1.1K 34 3
                                    


Natuwa si Eloida sa pinuntahang kasal dahil marami siyang nakitang bago. May naging kaibigan pa siyang si Lady Jane. Inimbita pa nga sila sa night party pero umayaw na si Zachary dahil baka mapagod daw siya. Gusto nga niya sanang pumunta para makita kung ano ang ginagawa ng mga Briton sa kanilang mga party.

Inimbita nga siya ni Lady Jane na magtyaa sa London apartment nito. Pinadalhan siya ng formal invitation sa townhouse nila. Nagpaalam siya kay Zachary at pumayag naman ang lalaki kaya excited siyang dumating ang linggo. Bumili siya ng bagong damit at tinawagan na naman ang Indonesian na ayusan siya sa Sunday para magmukhang presentable.

Pagdating ng Sabado ay nakatanggap na naman siya ng sulat mula kay Lady Jane. Cancel daw ang tea party nila dahil may emergency.

Ayyy sayang! Nakakatuwa pa namang kausap ang Briton kahit na mahirap intindihin ang sinasabi.

Nakita niya uli si Lady Jane nang sumunod na linggo dahil dinala siya ni Zachary sa business meeting nito.

Pagkakita sa Briton ay nag-hi siya. Nagbigay ito ng isang maasim na mukha bago nang-isnab. Iyon siya nabahala. Tingin niya may problema.

Sa kabilang dulo kasi sila nakaupo ni Zachary at ng kausap nitong German. Sa gitna naman si Lady Jane at ang kasama nitong may edad na babae. Nakatingin ang mga ito sa kanila at mukhang sila ang pinag-uusapan.

Naisip nga niyang baka nakita ni Lady Jane ang sex video nila ni Zach kaya na-turn off. Nalungkot naman siya sa naisip.

Pagkatapos ng meeting ng mga kasama ay niyaya siya ni Zach na lumibot-libot muna para makapamili ng mga gamit dahil nga hindi ito maka-day off para makapamili ng lahat ng kakailanganin.

Nilibot nila ang compound ng mga boutique at may nakita silang furniture shop kung saan may kuna ng bata na gawa sa rosewood. Binili ito ng lalaki at pina-deliver dahil hindi kasya sa sasakyan. Bumili rin sila ng tuwalya at mga kurtina bago nagpasyang umuwi dahil pagod na siya.

"CR muna tayo," sabi niya sa lalaki. Kapag buntit talaga palagi na lang naiihi.

Hinatid naman siya ng lalaki sa ladies toilet.

Pumasok siya sa gitnang cubicle at lalabas sana siya nang nakita niya na pumasok sa ladies toilet si Lady Jane at amiga nito. Sakto namang may lumabas sa kabilang cubicle. Mabilis naman niyang sinarado ang pintuan.

"Roane! The girl is here!" sabi ni Lady Jane sa babaeng kakalabas my cubicle.

"Who's girl?" tanong ng babae.

"The Asian prostitute! Have you heard that Zachary is marrying here!" patuloy ni Lady Jane.

"Oh no!" sabi ng Roane. "Zachary should know the child's not his. Do you know she used to be a mistress of a Singaporean Triad?"

Alam niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Pero bakit ganoon naman ang tsismis sa kanya? Nakababa naman ng pagkatao. Nang wala nang narinig mula sa labas ay umalis na siya ng cubicle.

Si Zachary nga napatanong kung may problema siya habang papauwi sila dahil mabigat ang kanyang mukha.

Iling ang sagot niya.

Nang mga sumunod na araw na tahimik siya ay kinulit siya nang kinulit ng lalaki.

"Marami kasing masasamang tsismis tungkol sa akin dito," Sabi niya. "Nadi-depress ako."

Binigyan siya ng masamang tingin ng lalaki bago nagsalita. "At nagpapa-apekto ka naman. Ano naman ang mga pakialam ng mga 'yon sa buhay natin para bigyan mo ng pansin? Huwag mo kasing pansinin. Mas isipin mo 'yang sa tiyan mo."

INDISCREET (to be published by Bookware Publishing Inc.)Where stories live. Discover now