CHAPTER 7

1.5K 32 0
                                    


Nakatingin si Waldo sa bundok na kanilang papatagin. Ayon kasi sa geological survey na sinagawa ay mayroong malaking silver deposit sa ikaapat na bundok. Siya ang nanalo sa bidding na ginawa ng provincial government na maging kasosyo nito sa pagmimina. Dito nga sila sa kalagitnaan ng bundok nakabase. Nakatayo ang kanilang mga tolda at umuusok ang isa dahil nagluluto ng kanilang magiging meryenda. Dahil sa mainit ay nagpasya siyang maligo. Tinanong niya ang mga trabahador na kinuha nila para maging tagalinis ng lugar kung saan may maliliguan, tinuro ng mga ito ang isang talon na malapit lang raw

Hindi na siya nagpasama dahil positive naman talagang wala ng NPA na gumagala sa magkatabing bundok. At gusto niya kasi iyong maghanap ng isang destinasyon. Sinunod niya pababa ang isang maliit na sapa. Ang problema ay nawawala ito. Siguro sa baba ng lupa dumadaloy at lumalabas. At lumaki ang sapa. Para makalipat sa kabila ay tumawid siya sa isang napakalaking kahoy na natumba ng bagyo. Dahan-dahan naman ang pagtawid niya ngunit may nakita kasi siyang nakakaiba, isang malaking lalaki na sobrang mabalbon, parang unggoy na ewan at galit na galit na nakatingin sa kanya. Sa gulat nga ay natapilok siya at hindi niya akalaing matarik ang isang banda at doon siya nahulog. Wala na siyang nagawa kundi ang mapahiyaw nang napagulong-gulong. Nabagok pa ang ulo niya sa isang parang bato.

"Yudepuga oh! Ano ba 'tong nahulog na 'to? Kitang may tao!" sigaw bandang ulo niya. Mukhang ulo yata ng tao ang kanyang nasalpukan.

Sa gitna ng sakit ay tinaas niya ang ulo at sakto ding tinataas nang nahulugan ang ulo.

"YOU!!!" hiyaw niya sakto sa hiyaw ng walang iba kundi si Eloida Magsikop.

"What are you doing in this sunken place?" inis niyang tanong dito. Pati ba naman dito ay susundan siya ng babae? Alam niyang inaligi-ligiran siya nito sa Leaf Park. Inupo niya ang sarili at masakit talaga ang binti.

Ang inis na inis na mukha ng babae ay biglang bumait. Parang nakakita ng anghel. "Ay sir, kayo pala! Kung alam ko lang sana ay sinalo na kita!"

"What do you want?" nangdidilim ang mukha niyang nagtanong.

Nag-isip muna ng sasabihin ang babae bago binuka ang bibig. "Ahhhh... wala naman. Nagpapahangin-hangin lang. Taga-rito po kasi ako. Kayo po? Bakit kayo nandito?"

Hindi niya sinagot. Tinayo niya ang sarili, ngunit natumba rin.

"Tulungan na kita," sabi ng babae sabay abot sa siko niya.

Winaslik niya ang kamay nito.

"Grabe naman!"

Tinayo niya ang sarili pero masakit talaga ang paa niya. Hinatak siya ng babae pataas. Gusto nga niya sanang umilag pero malakas ang kapit ng babae at hindi siya talaga makatayo. Tinulungan siya nitong makalakad pabalik sa kampo.

Napatingin nga siya sa itsura ng babae.

Isang masarap na ngiti ang bigay nito kaya lalo siyang nainis. Tinikom na lang niya ang bunganga dahil baka masakal niya ang isang 'to sa inis.

"Saan po ang tent niyo, sir?" tanong ng babae nang narating na nila ang kampo.

"Never mind!" sagot niya habang nilalayo ang sarili. Mabuti naman at nakita niya agad ang isang engineer. Tinawag niya ito para magpatulong. Hindi nga siya nagpasalamat sa babae. Doon lang ito tumayo kung saan niya iniwan. Patingin-tingin sa kampo, pero maya-maya ay umalis din.

Sa tingin niya ay sinundan talaga siya dito ni Eloida Magsikop. Dapat mag-ingat siya diyan dahil baka kung anong gulo ang gawin.

INDISCREET (to be published by Bookware Publishing Inc.)Where stories live. Discover now