Chapter 11: Investigation Gone Wrong

164 32 47
                                    

Chapter XI: Investigation Gone Wrong

Shoutout to: klaweee

Bella's POV

Kinuha na ng forensics team ang katawan ng lalaki na kaawa-awang nakahandusay sa sahig.

What happened to him made me worry more about Vee. There's a possibility that those who were responsible to the death of this person could also be the one responsible for the abduction of Vee.

Nagpatong-patong na ang lahat ng tanong sa isip ko at lahat ng mga naiisip kong sagot ay hindi rin nakakatulong. I'm like inside a maze where there was no finish line. Everything leads into dead ends and every dead ends lead into another question.

Ni hindi ko na nga alam kung yung mga ginagawa ko bang ito ay konektado pa rin sa pagkawala ng kapatid ko.

"His body was found by one of the staff of the hotel. Ang sabi nya, around 6 am kumatok siya sa pinto ng biktima para sana sabihan ito na kailangan niya nang mag-check out. Nang walang sumasagot kumuha siya ng isang duplicate key para buksan ang pinto at ito na nga ang nasalubong niya sa loob." A police possibly at his thirtees was talking to Inspector Akinu just a few steps away from where I was standing.

Maliit lamang ang silid. May isang kama sa gilid. Sa kanan may isang malaking kabinet at nagkalat din ang mga damit sa sahig. May naaamoy din ako na parang sunog pero hindi ko na lang iyon pinansin.

"Do we have any CCTV footage?" Inabot ng pulis ang isang laptop sa kanya at agad niya naman itong dinala sa isang mesa at binuksan.

Malapit lamang ako sa pinagbuksan ni Inspector ng laptop kaya nakikita ko ang laman nito. Malabo ang kuha ng CCTV kaya hindi masyadong naaaninag ang mga mukha ng mga taong dumadaan. Pagdating ng alas dos ng madaling araw nagulat kami nang biglang nag-glitch ang bidyo at dumiretso ito mula 2:14 am hanggang 3:02 am.

"Looks like the CCTV would not be much of a help. Kung sino mang may pakana nito maaaring may koneksyon siya sa loob ng hotel, specifically sa surveillance camera," bulalas ni Inspector Akinu.

"Maaaring may kinalaman ang pagpatay sa nakaraan ng biktima," pagsinggit ni Gino. "Ayon dito sa kanyang police record nakulong na ito dahil sa kasong kinasangkutan na murder. Isa rin siyang batikang chemist noon at kilala sa pagdedeliver ng druga sa buong Quezon City. " Masusing niyang binasa ang laman ng folder na dinala namin kanina. Mukhang hindi naman alintana ng mga pulis na nakikisawsaw siya sa inbestigasyon. Siguro sana'y na rin sila na isinasama ito sa mga kaso ni Inspector Akinu.

Isang malakas na tunog ng fire alarm ang pumutol sa pag-iisip namin sa loob. Rinig na rinig namin ang lakas ng sigawan at tunog ng mga yapak ng paa sa labas ng silid.

"Anong nangyayari?" I asked.

"Sir, kailangan niyo pong lumabas lahat. Nasusunog po ang unang palapag." Isang lalaking naka-vest at puting long sleeve ang walang pasabing pumasok sa loob. Siguro isa siya sa mga staff dito.

Sandali kaming nagkatitigan lahat sa narinig. That would explain kung bakit may naaamoy akong parang sunog kanina.

Dali-daling binitbit ni Inspector Akinu ang laptop na nakalagay sa mesa. Agad kaming lumabas sa kwarto. Sa labas nagsimula ng namuo ang itim na usok.

Para akong lutang na tumatakbo palabas. Ito ang unang pagkakataon na nakaranas ako ng sunog.

Habang tumatagal ay mas kumakapal ang usok sa paligid na lalong nagpasikip ng dibdib ko. Isama mo pa ang mga taong nagtutulakan sa harapan ko mauna lang makalabas.

Nasa first floor ang nasunog at nasa second floor kami kaya diretso sa amin ang usok na nanggagaling sa baba. Ginabayan kami ng staff ng hotel papunta ng fire exit. Mabuti na lang at 'di pa ito masyadong naabot ng apoy kaya naman hindi naging gano'n kahirap ang aming paglabas.

Nagpaiwan ang ibang mga pulis na kasama namin kanina para alalayan at tulungan ang iba pang mga taong natira sa building habang ako, si Rino at Gino ay tuluyan na ngang nakalabas ng gusali.

Mula dito sa labas kitang-kita ang pamumuo ng apoy sa kanang bahagi ng first floor. May iilan sa mga kasama namin ang sugatan hindi dahil sa sunog kundi sa pagtutulakan.

Hindi din ganoon kadami ang nakalabas at kung iyong ibabase sa laki ng gusali. Siguradong marami pa ang natira sa loob.

Walang tigil sa kakabomba ng tubig ang mga bombero habang ang mga doctor at nurses na nagkalat sa paligid ay abala sa pag-aassist ng mga sugatan.

"Bella, are you okay?" Rino approached me with worried face.

Tinanguhan ko lang siya bilang sagot habang 'di pa rin inaalis ang tingin ko sa nasusunog na gusali. Wala itong kalaban-laban na nilalamon ng apoy habang hindi magkamayaw ang mga bombero sa pagpuna nito.

Hingal na hingal kaming umupo sa isang sulok para magpahinga habang ang ilan sa aming mga kasama na nasugatan ay dumiretso na sa medical team para magpagamot.

"Rino, lumapit kayo dito." Nabaling ang atensyon ko nang biglang tinawag si Rino ng isang lalaking nakauniporme ng pulis sa may 'di kalayuan. May kasama siyang isang maliit na batang babaeng umiiyak. Madungis ang pagmumukha ng bata habang basang-basa ang mukha nito sa sariling luha.

"Kailangan kong bantayan niyo ang batang ito. Babalik ako sa loob para tulungan pa ang iba." Hindi na kami nakasagot pa dahil pinahawak niya na sa akin ang kamay ng bata. Pero no'ng akma na sana siyang tatakbo paalis, bumitaw sa pagkakahawak ko ang bata. Hinabol niya ang pulis at hinali ang damit nito.

"Yung nanay ko po hanapin nyo," umiiyak na pagmamakaawa ng bata. Bigla namang nanlambot ang mukha ng pulis sa narinig. Ngayon ko lang napansin na may sugat pala ang mga paa ng pulis at may gasgas din ang bata sa kanyang braso.

"I will..." Hindi na kami nakapagpaalam pa sa pulis dahil mabilis na itong bumalik sa loob para mag-assist.

Habang naghihintay, pinapatahan ni Rino ang bata mula sa pagiyak at pilit itong pinapatingin sa kanya para hindi lamang nito makita ang kalunos-lunos na nangyayari sa gusali.

"Hey, makinig ka baby girl. Everything will be fine okay? Babalik 'yong pulis dito mamaya tapos kasama niya na mama mo kaya wag ka nang umiyak. Anong gusto mo kantahan kita?." Kahit may pagkabaliw itong lalaking 'to kitang kita ko na meron din pala siyang malambot na puso.

(Cold Water)
Everybody gets high sometimes, you know
What else can we do when we're feeling low?
So take a deep breath and let it go
You shouldn't be drowning on your own

Para syang si Gino kung titignan mo sa gilid dahil magkaparehas na magkaparehas sila ng hugis ng ilong at mukha.

And if you feel you're sinking, I will jump right over
Into cold, cold water for you
And although time may take us into different places
I will still be patient with you

He's blessed with a great voice I must say.

Speaking of, asan na si Gino? Nilibot ko ang paningin sa paligid at do'n ko lang napansin na umakyat na pala ang apoy sa pangalawang palapag at mas lalo lamang itong lumalakas. Nagdagdag na rin pala sila ng ambulansya at mga bombero. Ang kulay asul na langit ay natatakpan na ng itim na usok na nagmumula sa nasusunog na gusali.

Hindi ko lubos maisip kung anong nangyayari ngayon sa loob ng gusali.

Napakaingay at napakagulo ng paligid. Ang ilan ay 'di magkamayaw sa pag-iyak at ang tunog ng sirena ay walang humpay sa pagsipol.

Kabi-kabilaan ang iyak at sigaw ng mga tao sa paligid. Halos hindi na magkarinigan ang lahat. Kanya-kanya na rin sa pagtulong ang mga volunteers sa pag-apula ng apoy at pag-aasikaso sa mga nabiktima.

Mabuti na lang talaga at agad kaming nakalabas ng gusali kung hindi magiging isa na rin kami sa mga sinisigaw na pangalan ng mga tao rito sa labas.

"Bella!" Bigla akong napabalik sa huwisyo nang sumigaw si Rino. 'Di ko alam kung bakit pero no'ng lumingon ako sa likod nakita kong merong isang ambulansya ang papaatras papunta sa direksyon ko. Sa bilis at lapit nito ay hindi ko na magawa pang umilag.

Parang bumagal ang mundo ko sa pagbangga nito at sobrang sakit ng katawan ko na para bang hinampas ito ng isang malaking bagay o ng kung ano. Everything hurts and thats when my vision began to fail me. The next thing I knew I was already lying on the ground.

--**---
DareMe19

Unedited: forgive me for the errors

After Past (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz