Chapter 30: Faded Memories

135 8 17
                                    

Chapter 30: Faded Memories

Bella's POV

"Nana, can I visit ate today?" pakiusap ko. Ilang linggo ko na kasing hindi siya nakikita mula nang nagkasakit siya.

"I'm so sorry Bella but your mother insisted that you can't."

"But it's been weeks now. Why can't I still visit her? Can you at least give this letter to her?" Ngumiti lamang sa akin si Nana ngunit hindi ito umabot sa kanyang mata.

"I'm sorry Bella, hindi din ako pwedeng umalis ng bahay, walang magbabantay sayo, pero kung gusto mo ibibigay ko na lang ito sa mama mo para siya na mismo ang maghatid sa ate mo."

Napamulat ako nang marinig ang pagbukas ng isang pinto. Bakit ba napaniginipan ko ang ala-alang iyon?

Nilibot ko ang paningin ko. Where am I? It's dark. Wala akong maaninag maliban na lang sa liwanag na nagmumula sa bumukas na pinto. Isang pigura ang nakatayo sa harapan nito at naglakad papalapit sa akin.

Paano nga ba ako napunta dito?

Bigla akong napabangon nang maalala ko ang nangyari.

We were in sir Tyrron's house when a group of people attacked us. They shot us with tranquilizers and then before I lost my consciousness, I heard a familiar voice talking to me.

"Pasensya na kung nagising kita." Biglang bumukas ang ilaw sa loob ng silid. No'ng una medyo nanlabo pa ang paningin ko sa biglaang liwanag na sumakop sa mata ko ngunit unti-unti rin naman itong bumalik sa dati. "Hi, my name's Flint. If you're wondering where you are, you're in my Master's mansion."

Ang pigurang nakita ko kanina ngayon ay unti-unti nang naging malinaw sa paningin ko. Matayog ang tindig ng lalaking nakatayo malapit sa switch ng ilaw. Maayos na nakasuklay ang itim nitong buhok. Kapansin-pansin din ang napakapormal nitong pananamit na para bang may dadaluhan itong importanteng pagkikita. Nakatago rin ang dalawa niyang mga mata sa ilalim ng makapal na salaming nakasabit sa kanyang tainga. Sa paningin ko mas matanda lamang ito ng ilang taon sa akin.

"Master? You mean... Master Moon?" nanginginig kong saad, ngunit tumawa lamang siya sa sinabi ko.

"Silly. Of course not. If Moon would be here, she would be dead the moment she steps in our lawn." Napakunot lang ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi kayo ang Moon organization?" Again he only laughed.

"Hindi."

"Kung hindi kayo ang Moon Organization bakit niyo kami inatake sa bahay ni Yula?"

"Bahay nino? We didn't--" Bago niya pa man matapos ang sasabihin ay biglang may pumasok mula sa pintuan.

"Bella! You're awake!" Vee immediately rushed to my direction. "How are you? Wala ka bang masamang nararamdaman?"

"I'm fine." Nagulat ako nang makitang nakasunod pala sa likod ni Vee si sir Tyrron, Nanay Yula at...Inspector Akinu? Sa harapan ni Inspector Akinu ay ang naka-wheel chair na si Gino.

I knew it. We were at the Moon Organization. That's the only explanation why Inspector Akinu and Gino were here. Hinding hindi ko makakalimutan ang gabi no'ng makita ko silang hinahabol si Vee. Mga traydor sila! Parte  sila ng organisasyon kaya nandito sila!

"Vee, why are you with these two? Akala ko ba sila ang kumidnap sayo? Sinaktan ka ba nila?"

Kumunot ang noo nila sa sinabi ko. Isa-isa silang nagtinginan bago ako hinarap ni Vee. "What are you saying? You don't remember?"

After Past (Completed)Where stories live. Discover now