Chapter 26: Escape the Grip

92 9 14
                                    

Chapter XXVI: Escape the Grip

Bella's POV

"My, my... don't call me with that name. It completely sounds like 'Gino' and I don't like that. Naaalala ko lang kung paano nila ako trinato bilang isang anino ni kuya. I prefer if you'll call me David. "

Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. "David? " Yun ang pangalan na sinabi ng nurse kanina na nagdala sa akin rito.

"Yes, now you're getting it. You know… David from the tale of 'David and Goliath'.  I really love that. Especially the part when David proved to everyone that even though he was underestimated, just like me, he could stand up in his own. He was my role model, you know?"Napangiwi na lang ako sa sinabi nya. His twisting the real essence of the story.

"Kung ganun ikaw din ang nagdala sa akin dito? Ikaw ang nagbigay sa akin ng mapa kung nasaan si Vee? "

"Guilty as charged. " His lips bent into a wide grin . "You and my brother are a threat to the organization, so I need to break that little trust of yours. "

"Why are you doing this?! " Tumayo ako at hinarap sya. Halos nanginginig ang kamay ko sa pagpipigil na sampalin sya.

"No need to explain, I already told my brother about it," sabi nya sabay ngiti kay Gino. "I'm sorry kung nadamay ka pa dito Bella. I had direct order from Lady Andromeda to not lay a hand on you but I was left with no choice. I have to get Stephanie." Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Why would this Lady Andromeda order him to not lay a hand on me?

"Kung hindi ka lang sana tumakas Bella hindi ka sana masasaktan. Kung hinayaan mo na lang kaming turukan ka ng X-43 dapat nalimutan mo na ang lahat ng ito na para bang wala man lang nangyari at ligtas ka na ngayong nakahiga sa kama mo. Pero dahil matigas ang ulo mo kailangan ko tuloy itong gawin. "

"X-43? "Kanina ko pa naririnig ang salitang iyon ngunit wala akong kaideya-ideya kung ano iyon.

"Let me explain…X-43 is a type of serum that when injected to the spinal cord, the person would forget the last memory she had." Memory loss? Yun din ba ang ginawa nila kay Nana kaya wala syang maalala?

"Tama na ang dadak, kung ako sayo sumama ka na lang sa akin. Guards! Itali nyo 'uli 'yang dalawang lalaki. " Hindi ko napansin na may kasama rin pala syang dalawang lalaki sa labas.

Lumapit sila kina Gino at tangkang ibalik sa pagkakatali ang kanilang kamay ngunit hindi nila ito natuloy dahil bigla na lang napasigaw ang isa sa dalawang lalaki.

Nakita kong may mga dugong lumabas sa binti ng lalaki at si Inspector Akinu na may hawak-hawak ang isang basag na bahagi ng baso.

"Ahhhh!"

Kanina pa pala sya gising?

Agad tumayo si Gino at sinugod ang isa pang lalaki. Nagpalitan sila ng suntok habang ako ay naiwan namang nakatayo lang.

Nabaling ang tingin ko kay Rino nang sumugod sya sa akin upang hulihin akongunit mabilis akong umiwas at sinipa sya sa gitna ng kanyang dalawang hita. Napadaing sya sa sakit at bago pa sya makabawi ay agad akong pumulot ng kahoy na maari kung gawing panghampas sa kanya.

"F*ck,Bella! Your gonna regret what you did."

Nang nakarecover na sya ay muli na naman nya akong sinugod. Sinubukan ko syang hampasin ng kahoy na bitbit ko ngunit naiwasan nya ito. Nanlaki ang mga mata ko nang hinawakan nya ang kamay ko bago nya ito pinaikot sa aking likod.

He pushed his arms around my neck, making my hands locked at my back.

Urghh! Sh*t ! Ang Sakit!

After Past (Completed)Where stories live. Discover now