Epilogue

168 8 15
                                    

Flint arrived at the dimly lit room. He's already used to the poor lighting inside so he never complained about it. His Master preferred the light to be dim. For what reason? He also had no idea.

Sa harapan niya nakatalikod ang isang matandang lalaki. Kitang-kita ni Flint ang ilang hibla ng buhok sa ulo ng matanda na namumuti na habang tahamik itong nakatanaw  sa malawak na bintana.

"Master," pagkuha niya sa atensiyon nito.

His Master turned his gaze to his direction. When he recognized Flint, he slowly walked towards him. The sound of his cane echoed within the room as he took his step one at a time.

Hindi na nakakalakad ng maayos ang matanda dahil sa sugat na natamo nito sa paa dalawang taon na ang nakalipas. Kinakailangan niya nang gumamit ng tungkod  upang maalalayan ang sariling bigat sa tuwing naglalakad.

"Ah, Flint! So how did it go? Nakaalis na ba sila?" There was something on his Master's voice that he couldn't grasp.

"Yes, Master."

"Good. Did they know about me?"

"No, sir. Wala akong sinabi sa kanila," kaswal na sagot ng binata.

"Thank you. Shall we go?" he said as he turned his back to Flint.

Tahimik lamang na sumusunod si Flint sa likod ng kanyang Master. Lumapit ang matanda sa isang silid aklatan at may pinindot na bahagi doon.

In instance a door appeared behind the shelves. Flint followed his Master inside. It was an elevator.

Flint pushed the bottom button and the elevator door immideiately closed. After a minute of shaking, the elevator door once again opened, delivering them in a very spacious laboratory.

Human capsules were neatly arranged, vertically stretching to the end of the room. Maraminng nga tao ang nakakalat sa paligid na bising-bisi sa kanilang ginagawa.

Ang mga kapsulang nandito ay ang mga kapsulang nakuha nila mula sa laboratoryo ng Moon Organization bago nila ito pinasabog.

Diretso lamang na naglakad ang Master ni Flint habang isa-isa siyang binabati ng mga taong nakasalubong nila.

'Di kalauna'y huminto rin ang matanda sa harapan ng dalawang kapsula.

One contained a child while the other contained a teenager.

The child was his Master's deceased daughter while the teenager was the clone of the latter...Stephanie.

Noong una ay hindi makapaniwala si Luvius na ang babaeng niligtas niya pala dalawang taon na ang nakalilipas ay isa lamang replika ng totoo niyang namatay na anak.

Parang dinurog ang puso niya sa nalaman. Ang daming nawala sa kanya. Ni hindi nga siya nagkaroon ng oportunidad na makausap ang isa niya pang anak kahit nasa sariling pamamahay niya lang ito.

Hindi namalayan ni Luvius na tumutulo na pala ang mga luha niya. Pasimple niya itong pinunasan at hinarap si Flint.

"Get all the clones ready. Let's give the Moon organization a taste of their own medicine."

"Yes, Master Luvius.... " sagot ng binata.

--**---
DareMe19

THE END 🎉
.
.
.
.
For now...

After Past (Completed)Where stories live. Discover now