Chapter 3

799 31 0
                                    

*Kaagad nagising si Reyana upang ipaghanda ng makakain si Angeline at Lea. Sa sofa na nakatulog ang dalawa*

Reyana: Hoyy!! Gising naaa! *Sabay tapik kay Lea at Angeline*

Angeline: Mame! Wag kang maingay hinahalikan na ako ni Bogs!

Reyana: Ahh hinahalikan pala ha! *Sabay wisip ng tubig sa mukha ni Angeline*

Angeline: Mame naman!

Reyana: Oh yan! Nagising ka din sa katotohanan! Tigilan mo na ang pagiilusyon mo! Hindi ka hahalikan ni Uhugin!

Angeline: Urghh!

Reyana: Bumangon kana! May papasok kapa mamayang 8:30am diba!

Angeline: Mamaya naaaaaaa. Ang aga aga pa po.

Reyana: 6am na! Bumangon kana diyan. Naghanda na ako ng pagkain. At pangtanggal ng hangover mo.

Angeline: Mamaya na po.

Reyana: Jel! Gising! Andiyan si Bogs!

Angeline: Talaga asan?! *Sabay bagon*

Reyana: Ayan! Dun sa kusina! Kumain ka. Nalilipasan ka lang ng gutom tama na ang ilusyon ha!

Angeline: Mame naman e!

Reyana: Bumangon kana at gigisingin ko pa ang Tita Lea mo.

Angeline: Goodmorningg mame! *Sabay yakap kay Reyana*

Reyana: Aba! Hahahaha. Goodmorning, kumain kana dun ha.

*Kaagad namang napunta si Angeline sa kusina para kumain*

Reyana: Sunog! Sunoggg!

Lea: Asan ang sunog! Nasan ang sunoggg!

Reyana: Relax walang sunog kumain kana dun sa kusina HAHAHAHA.

Lea: Aray ko! Yung likod ko!

Reyana: Bakit anong nangyare!?

Lea: Arayyyyy! *Sabay tayo*

Reyana: Bakit ba?

Lea: Ang tigas tigas nung sofa mooo! Hayyy!

Reyana: Aba kesa naman ihiga kita sa kwarto ko or sa kwarto ni Jel. Susukuhan niyo lang dalawa.

Lea: Arayyyy ansakit ng ulo ko. Anong oras na ba?

Reyana: 6am na! Bilisan mo na bumangon kana diyan! Baka malate pa tayo patay tayo kay Madam Principle.

Lea: Okay okay ito na.

Owen's Pov
Buwisit itong si Erik hindi na ako sinundo sa Fum Fest kagabi. Buti na lang may nakita akong kakilala kagabi at tinuro sakin yung sakayan papunta dito sa dati kong bahay. Naalala ko na naman yung nahila kong babae kagabi, siya nga ba talaga yung Jel? Hmm parang mukhang 'di naman Jel ang pangalan niya. Siguro Reyna yung pangalan niya kasi mukhang siya na ang Reyna ng buhay ko HAHAHAHAHA. Sana talaga makita ko na ulit siya. Makaligo na nga baka malate pa ako. First day ko pa man din na magturo sa Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Batangas.

*Kusina*

Angeline: Urghh! Ansakit ng ulo ko.

Lea: Ako dinnnn!

Reyana: Oh yan magkape na muna kayo. Maliligo lang ako.

Lea: Oy! Bilisan mo ha!

Reyana: Teka? Paano ka? E wala ka namang damit here.

Lea: Akala mo lang wala! Advance ako mag-isip nuh. Nag-iwan na ako ng damit diyan nung isang linggo pa.

Reyana: Wow ha. Mabuti pa magpalipas kana agad ng hangover! Kailangan ko ng pumasok dahil nung Mr. Alcasid na yun. *Ka agad naman siyang pumasok sa banyo*

MY ONE LONG LAST (COMPLETED)Where stories live. Discover now