Chapter 37

1K 52 31
                                    

#MOLL

Owen: *Nagulat*

Regine: Kahit alam kong panaginip lang ito. Lulubusin ko na kung pwede nga lang hindi na ako magising sa panaginip na ito. Kung tutuusin gusto ko na lang managinip ng kasama ka kesa harapin ang reyaledad ng magkahiwalay tayong dalawa. *Sambit niya habang nakapikit*

Owen: Mukhang nanaginip ka nga. Hindi pa ito yung tamang pagkakataon para maayos lahat ng bagay bagay. *Mahina niyang sabi* Matulog kana mahal ko. *Sabay halik sa noo ni Reyana*

KINAUMAGAHAN

Reyana's Pov
Pagkamulat ng aking mga mata wala ka na naman sa piling ko. Hindi na naman ikaw ang katabi ko kundi ang mga unan na lang ang siyang kayakap ko. Hinihiling ko na lang na hindi ka mawala sa paningin ko kahit sa panaginip na lang tayo nagkakasundo mananatiling tulog sa katotohanan at gising sa mga sana na hindi ko alam kung kaya pa nating abutin. Mabuti pang bumaba na ako marami pa pala akong dapat asikasuhin sa school. Naalala ko na naman kakanta kami ni Jel sa anniv show hay naku naman. Ilang taon na din akong hindi kumakanta hmm siguro it's been 2 or 3 years ago nung kumanta ako sa isang event. DO RE MI FA SO LA TI DO. Takte parang umuurong na ang mga dila ko ah.

Angeline: *Kinatok ang pintuan ng kwarto ni Reyana* Mame? Mame? Late kana po. Gising kana.

Reyana: *Sabay naman niyang bukas sa pintuan niya* Goodmorning Jel! *Sabay yakap kay Jel*

Angeline: Mukhang good ata ang morning mo Mame.

Reyana: Araw-araw naman ata?

Angeline: Hindi kaya! AHAHAHA. Baka kasi inlove?

Reyana: Ako anak? Inlove hindi kaya nu!

Angeline: Sus! Inlove ka kay Papa Owen e! Ayown oh pinagluto kana niya. Tara na po sa baba?

Reyana: Ako pinagluto ng Papa mo? Imposible naman ata yun.

Angeline: Tara na kasi sa baba Mame nagugutom na ako.

Reyana: Osige na nga.

Kaagad din naman silang nagpunta sa kusina.

Owen: Goodmorning Jel.

Angeline: Goodmorning Papa!

Owen: Goodmorning Re... Reyana.

Reyana: Goodmorning. *Sabay niyang ngiti*

Angeline: Ayieeeee naman oh! Ano kayang nangyare kagabi? Hmmm.

Reyana: Huh??

Owen: Mabuti pa kumain na kayo. Maliligo muna ako. Jel, may pasok kapa bilisan mo na ha.

Angeline: Opo Papa.

Kaagad din namang naligo si Jel pagkatapos niyang kumain. Pagkatapos maligo ni Owen ay kaagad din siyang Bumalik sa kusina upang kumain. Naiwan na lamang si Reyana at Owen sa hapagkainan.

Owen: Masarap ba? *Tanong niya kay Reyana*

Reyana: Oo masarap. *Sabay niyang kagat labi*

Sa isip ni Owen: Teka nang-aakit ba siya?!
Owen: Ahh okay. *Umiwas ng tingin kay Reyana*

Reyana: Thank you nga pala ha.

Owen: Para saan?

Reyana: Para dito. At para sa pagiging ama ni Jel.

Owen: Tungkulin ko namang pagsilbihan ka este si Jel tungkulin Kong maging ama sa kaniya.

MY ONE LONG LAST (COMPLETED)Where stories live. Discover now