Chapter 18

1K 37 16
                                    

Owen's Pov
Nakikita ko si Jel papalayo sakin, nadudurog yung puso ko. I can't explain how pero hindi ko kaya. Alam kong pinipilit na lang niyang ngumiti to lift me up pero ang sakit sakit sakit makita na yung taong mahal ko nagsasakripisyo para sa kapanan ng ibang tao. Mahal na mahal niya talaga si Jel, kahit ako kaya niyang talikuran para sa anak ko. Mas lalo ko siyang minamahal kahit pinapatigil na niya akong mahalin ko siya.

Reyana: *Pumasok ng bahay at patuloy pa ding pinupunasan ang luha niya*

Angeline: Ma? Nagluto na po ako. Kain na po tayo?

Reyana: *Tumalikod at tumungtong sa hagdanan* Sige na anak mauna na kayo ng Tita Lea mo.

Angeline: Kumain mo na po kayo bago kayo matulog.

Reyana: *Humarap at ngumiti jay Jel* Hindi anak, busog pa ako. Mauna na kayo ha. Matutulog na ako maaga pa ako bukas.

Angeline: Okay po.

Reyana: *Ngumiti at naglakad papasok sa kwarto niya*

Lea: Jel, kausapin ko lang muna ang Mame mo ha.

Angeline: Kung ako na lang po kaya Tita ang kumausap sa kaniya?

Lea: Hindi na Jel, mauna kana kumain ako na ang kakausap sa mama mo.

Reyana's Pov
*Kumuha ang unan at umiyak ng umiyak*

Lea: *Binuksan ang Pinto* Reyana?

Reyana: *Hinaharangan ang sarili ng unan* Hmm? Bakit?

Lea: *Sinaraduhan ang pintuan* Okay ka lang ba?

Reyana: *Tinagtag ang unan na nakatakip sa kaniya at tumango na lamang ito*

Lea: *Niyakap si Reyana* Alam mong masakit kapag kinipkip.

Reyana: Ang sakit sakit Lea. Ang sakit, hindi ko alam kung anong klaseng sakit yung nararamdaman ko. Pakiramdam ko wala akong karapatang magmahal. Parang walang lalaking magtatagal sakin sigurado sa dami kong kasalan ayaw na ng mundong maging masaya ako.

Lea: Alam mo bang 1 dahilan lang yan kung bakit natin nakikilala ang ibang tao at yun ay para magbigay aral satin at magbigay saya sa panandalian na panahon. Panandalian man pero memorable naman.

Reyana: Pero ayaw kong maging panandalian lang siya.

Lea: Then fight for him.

Reyana: Pero hindi ganun kadaling ipaglaban siya lalo na't pareho naming mahal si Jel, at ayaw kong maging masaya kung may masasaktan din naman akom

Lea: Hindi naman porket sumuko ka, talo ka. Siguro yun yung tamang desisyon hindi lang para sa inyo para na din sa ibang tao, para kay Jel?

Reyana: Mahal ko siya, at sa kaniya ko lang naramdaman yung pagmamahal na kahit kailan di ko mararamdaman sa iba.

Lea: Pero paano ang kahilingan ni Jel?

Reyana: Kahit ano handa akong isakripisyo kay Jel.

Lea: Kahit ang sarili mong kaligayahan? Handa mong bitawan?

Reyana: Nawalan na siya ng Ina dahil sakin pati ba naman Ama ipagkakait ko pa sa kaniya?

Lea: *Niyakap ng mas mahigpit si Reyana* Sana maging tama ang desisyon mo Reyana. Sana maging panatag na ang kaisipan mo.

Reyana: Salamat Lea. Salamat.

Angeline's Pov
Alam kong bida kontrabida ang tingin niyo sakin pero nasasaktan din naman ako. Ayaw kong nakijita ang Mame Reyana kong umiiyak sa kagagahan ko pero ayaw ko hindi ako makakapayag na magkaroon sila ng relasyon dapat ang Mama Ella ko lang ang dapat mahalin ni Papa at wala ng iba.

Erik's Pov
Teka 8 na ah. Wala pa din si Tito sa bahay?? Hmmm, saan kaya nagpunta yun? Teka kotse niya yun ah. Mapuntahan nga.

Erik: Tito? Tito?

Owen: *Umiiyak*

Erik: Tito?!

Owen: *Napatingin sa salamin ng kotse* Erik?

Erik: Teka? Iniiyakan ba ni Tito itong gasgas sa kotse niya. Siguro sayang din naman kasi ke bago bago pa may gasgas na agad.

Owen: *Binuksan ang pintuan ng kotse niya* Bakit?

Erik: E kasi Tito kailangan ko kayong makausap e.

Owen: Sige pasok ka.

Erik: *Pumasok sa kotse* Tito tatapatin ko na po kayo, alam ko na po na kayo ang tatay ni Jel kinewento na niya sakin kanina.

Owen: Ganun ba, nagkausap na nga din kami ngayon gabi e.

Erik: Ahh kaya pala kayo umiiyak, hayaan niyo Tito tutulungan ko kayang mapalambot ang puso ni Jel.

Owen: Salamat pero bukod dun may isa pang problema.

Erik: Huh? Ano po yun??

Owen: May tatlong kondesyon si Jel, yung una at pangalawa kayang kaya Kong gawin pero yung pangatlo ang pinakadumurog sakin. Hindi siya payag na magkaroon kami ng relasyon ni Reyana. At si Reyana kaya niyang isuko ang lahat para Kay Jel.

Erik: Ang sakit naman po pala niyan.

Owen: Sobra ni hindi ko na nga alam kung anong dapat kung gawin e.

Erik: Hmm teka Tito parang may naiisip akong planoo.

Owen: Anong plano?!

Erik: Paano kung!

Owen: Ano??

Erik: Itago niyo ni Tita Reyana ang relasyon niyo!

Owen: Teka! Edi parang nagsinungaling na din kami ni Jel.

Erik: Nabigla lang naman siguro si Jel. At sa tingin niyo ba hindi din yan matatanggap ni Jel kapag nagtagal for sure maaccpet niya na kayo ni Tita Reyana ay talagang masaya sa piling ng isa't isa.

Owen: Pero hindi ko alam kung papayag si Reyana sa ganiyang sitwasyon.

Erik: E sigurado po ba kayong mahal kayo ni Tita Reyana?

Owen: Oo siguradong sigurado!

Erik: Sinabi niyang mahal ka niya?

Owen: Oo! Dati nga bebe ko yung tawagan namim pero ngayon mahal na hahahhaa. Hayst pinapangiti Pa din talaga niya ako.

Erik: Ayun naman pala e! Uso na din naman ngayon yung mga taong relasyon. Tagong halik, tagong date, tagong pagmamahalan! Kaya kung ako sa inyo susubukan ko lahat ng pwedeng subukan para walang mangyareng sukuan.

Owen: May point ka diyan pero malabo talagang pumayag si Reyana e masasaktan si Jel.

Erik: Hayy! Alam niyo bang kayo na lang lalaking nanligaw kay Tita Reyana dahil lahat sila tumitiklop na! At hindi naman siguro sasabihin ni Tita Reyana na mahal ka niya kung hindi yun totoo! Atsaka akong bahala kay Jel tutulungan kita Tito.

Owen: Talaga ha?! Tutulungan mo ko?

Erik: Oo naman po!

Owen: Wait lang ha, tawagan ko muna si Reyana.

*Crimg Crimg*

Reyana: Bakit? *Umiiyak*

Owen: *Napapaluha* Reyana? Reyana?

Reyana: *Umiiyak pa din* Bakit?

Owen: Iloveyou Reyana, Iloveyouu.

Reyana: Iloveyoutoo Owen, Iloveyoutoo *Sabay tulo ng mga luha niya*

MY ONE LONG LAST (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora