Chapter 43

898 49 17
                                    

#MOLL

Reyana's Pov
Ano ba naman itong hormones ko HAHAHA hindi ko na maintindihan minsan gusto kong awayin si Ogie ng walang dahilan, ang weird diba? Pero siguro ganun naman talaga kapag nagbubuntis kaso ang hindi ko talaga maiwasan ang insecurities kapag nakikita ko yang Monique na yan pakiramdam ko ang ang chaka ko kapag nakikita ko si Monique argh! Gusto ko siyang ipakain sa Leon.

Lea: Hoy!

Reyana: Oh bakit?

Lea: Bakit parang buwisit na buwisit ka na naman diyan?

Reyana: Wala.

Lea: Sus!

Reyana: Hay, tingnan mo nga ako Lea, tingnan mo yung buong katawan ko.

Lea: Oh e anong meron?

Reyana: Anong nakikita mo sa katawan ko?

Lea: Hmm hindi pantay yung suso mo,  may korte naman yung katawan mo kaso halata na din yang bilbil mo, medyo lumalaki na din ang mga braso mo, hindi ganun ka umbok yung pwet mo.

Reyana: Seriously?!

Lea: Pero bawing bawi ka naman sa maputi mong kutis at ganda! Oh diba! Gusto mo yun!

Reyana: Tsk, kahit naman anong ganda ko at anong puti ng kutis ko alam kong mas sexy pa din yung babaeng yun.

Lea: Si Monique na naman!

Reyana: Argh! Nakakagigil siya mamshie. Tapos ngayon tamo oh! Magkasama pa sila ayan oh! Harutang harutan.

Lea: They just having fun.

Reyana: Ayun na nga e! Bakit niya kailangang maging masaya sa babaeng yun.

Lea: Duh! Ano ba Reyana hindi ka naman ganyan ha! Masyado ka ng nagooverthink.

Reyana: Hindi ito pagooverthink reality kasi yung nakikita ko!

Lea: Fine! fine! Hinay hinay lang Reyana ha, baka mamaya magsawa na si Owen sa kakaselos mo.

Reyana: Hmmm? Hindi naman siguro.

Lea: Hindi mo din masasabi.

Owen's Pov
Itong si Monique kakaiba din HAHAHAHAHA. Grabe sobrang talino at artistic din pala ng babaeng ito, halos lahat ng color combination alam na niya. Yap madali naman yun pero nakakamangha lang siya. Nakakatuwa din naman pala abg batang ito. Siguro kung sino mang magiging jowa nito, sobrang swerte maganda, sexy, matalino, mabait din naman kasi kahit sobrang perfect na siya si Reyana parin talaga ang masarap titigan. Ang sarap niyang pagmasdan parang anghel na bumaba sa langit. Parang kumikinang na butuin ang kaniyang nga mata. Mga labing kayo sarap pagmasdan at halikan.

Monique: Owen?

Owen: Yes?

Monique: Inlove na inlove ka talaga kay Miss Velasquez.

Owen: Aba hindi lang inlove na in love, nababaliw na nga ako sa kaniya e.

Monique: Ang swerte naman po pala talaga ni Miss Velasquez.

Owen: Sa totoo lang mas swerte ako sa kaniya kaya nga I can wait to marry her.

Monique: Kasal agad? Parang ang bata niyo pa. Why don't you just enjoy first your single life.

Owen: Baka kasi mawala pa.

Monique: Kung kayo po talaga ang nakadestined para sa isa't isa siguro naman.

Owen: Siguro naman ano? Hahahaha.

Monique: What if mas makahanap ka ng mas better kayo Miss Velasquez? Mahal na po ang divorce ngayon HAHAHAHA.

MY ONE LONG LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon