Chapter 17

940 41 30
                                    

Reyana: Jel? Lea?

Lea: Ohhh? Bakit nagsisigaw ka diyan?

Reyana: Ahh wala, si Jel nakita mo?

Lea: Hmmm, nagpunta sa labas e.

Reyana: Huh?! Anong ginagawa niya sa labas?!

Lea: May pupuntahan daw siyang aso sa labas.

Reyana: Aso?!

Lea: Ewan ko ba diyan sa anak mo kung ano-ano na ata ginagamot niyan pati aso inaaway.

Reyana: Nasa labas nga pala si Owen!

Lea: What the?!

*Biglang may malakas na sumigaw*

Angeline: Hoy! Lumabas ka diyan sa kotse na yan! *Sabay hampas sa kotse*

Owen: Jel?

Angeline: Sabi ko na nga ba e!

Owen: Anak.

Angeline: Huwag mo Kong matawag tawag na anak! *Sabay sampal kay Owen*

Owen: *Nagulat*

Reyana: Angeline?!

Owen: Reyana?

Reyana: *Pumagitna sa dalawa* Ano bang pinagagawa niyo ha!? At dito Pa talaga kayo gagawa ng eksena??

Angeline: Hindi naman magkakagulo kung papalayuin niyo na ang lalaking yan!

Owen: Anak, hindi na ako lalayo sayo at ang tagal ko na ding hinintay ang pagkakataon na ito.

Angeline: Para saan?! Para pagkatapos kitang patawarin aalis kana ulit?!

Owen: Hindi anak, hindi na ako aalis sa tabi mo, sa tabi niyo ng Tita Reyana mo.

Angeline: No! *Sabay hila kay Reyana* Hindi ka kahit kailan mamahalin ng Mame Reyana ko!

Reyana: Anak, hindi ba mas maganda kung papatawarin mo na lang ang Papa Owen mo anak?

Owen: Oo nga anak, patawarin mo na ako. Kung hindi man ngayon papatunayan ko sayo na dapat mo kong patawarin, anak mahal na mahal kita.

Angeline: Mahal mo ko?! Bakit mo kami iniwan?! Bakit mo kami pinabayaan?! Paano mo na tiis na maghirap kami.  Hinintay ka ni mama, umasa siyang babalik ka pero nasan ka?! Paano mo nasabing mahal mo kami kung inwan mo kami?!

Owen: *Lumuhod sa harap ni Jel* 5 years old ka palang noon, napag-isip kong mag-ibang bansa dahil nakikita kong walang pag-unlad na meron dito sating bansa. Wala pa akong isang taon noon pinauwi na agad nila ako yun pala ay fake visa lamang ang binigay nila sakin hinarang ako sa airport ng Dubai. Nakulong ako ng 10 years. Gustong gusto Kong tumawag sa inyo gusto kong huminge ng tulong pero kanino?! *Sabay luha* Bumalik ako hinanap ko kayo pero sabi nila namatay na ang mama mo kasama ka. 4 na taon at araw-araw kong sinisi ang sarili ko dahil pinabayaan ko kayo. Patawarin mo ko Jel, patawarin mo ang papa mo. *Sabay buhos ng kaniyang mga luha*

Angeline: *Unti unting bumuhos ang kaniyang luha*

Reyana: *Umiiyak* Tumayo kana diyan Owen. Jel patawarin mo na ang Papa mo. Bigyan mo siyang ng pagkakataon para makabawi sayo. Tatay mo pa din siya. At ang dugong dumadaloy sa kaniya ay dumadaloy din sayo! Matutong kang magpatawad anak.

Owen: Patawarin mo ko Jel, patawad.

Angeline: *Tinayo si Owen* Kung talagang pursigido kayong makapatawad ko kayo. Pagbigyan niyo ang tatlong kondesisyon na hihingin ko.

Owen: Oo anak kahit ano, ibibigay ko. Kahit anong gusto mo gagawin ko.

Angeline: Una, gusto kong mabawi natin lahat ng panahon at oras na naaksaya. *Patuloy sa pag-iyak*

MY ONE LONG LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon