Chapter 32 (Hold Your Tears)

1K 44 27
                                    

Owen: Reyana? *Bigla niyang binuksan ang pintuan* Reyana?!

Reyana: Owen? *Tanging jacket lamang ang nakatapal sa kaniya*

Owen: *Bumuhos ang kaniyang mga luha* Akala ko mahal mo ko Reyana?

Reyana: Let me explain please.

Owen: Akala ko ba mahal mo ko? Akala ko mahal mo ko! *Sabay suntok sa pintuan*

Reyana: Owen, magpapaliwanag ako.

Owen: Hindi na kailangan. *Sabay labas ng bahay*

Reyana: Owen! Owen! Owen! *Dali daling nagbihis ng pangbaba at pangitaas*

Jolo: Teka! Reyana! Saan ka pupunta?

Reyana: Susundan ko siya! Susundan ko ang taong mahal ko.

Jolo: No! *Sabay hawak ng mahigpit kay Reyana*

Reyana: Ayaw kong mawala siya Jolo please ayaw ko. *Sabay tagtag niya sa kamay ni Jolo at tumakbo para habulin si Owen* Owen! Owen!

Owen: Reyana??

Reyana: Hayaan mo kong magpaliwanag.

Owen: Magpaliwanag? Para saan? Para sa nakita ko, yun bang parehas kayong nakahubad ha?? Anong klaseng paliwanag Reyana?! Kaya kaba ata't na ata't na umuwi ha! Dahil sa lalaking yun.

Reyana: Magiexplain ako Owen please.

Owen: Hindi! Hindi e! Nakita ko na lahat, ramdam ko naman Reyana e ramdam ko! Huwag mo kong gawing tanga! Ano masarap ba ha! Masarap ba?! Tutal mukha namang madali ka lang makuha! E tayo nga nag-inuman lang binigay mo na agad yung sarili mo sakin e siya pa kaya na matagal mo ng mahal hindi mo ibibigay yung gusto niya!

Reyana: *Sinampal si Owen* Hindi kita ginagawang tanga! Mahal kita! Mahal kita Owen, pero ako mahal mo ba ako? Paano mo nasasabi yan? Ni hindi mo ko hinahayaang magpaliwanag.

Owen: Kung mahal mo ko? Paano mo nagawa yun?? Kung mahal mo ko hindi mo gagawin yun.

Reyana: Owen hindi. *Sabay yakap ng mahigpit kay Owen*

Owen: Tama na Reyana, tama na.

Reyana: Tama na?! Ganun na lang yun?? Tapos na ayawan na ganun na lang ba lahat ng yun ha!

Owen: Reyana, pinapalaya kita hindi dahil ang sakit ng ginawa mo sakin, linapalaya kita kasi alam kong sa kaniya ka sasaya.

Reyana: Nagkakamali ka Owen, nagkakamali ka.

Owen: Tama naman ako hindi ba? Kung kaya't hindi mo ko magawang sugalan kasi mas matimbang pa din ang pagmamahal mo sa kaniya kesa sakin diba?

Reyana: *Umiling habang umiiyak*

Owen: Reyana tama na, alam kong pagod kana. Magpahinga kana.

Reyana: Kaya iiwan mo ko? Dahil pagod na ako?! Naiintindihan mo ba lahat ng sinasabi mo? Pagod na ako? Kahit kailan hindi ako napagod na mahalin ka.

Owen: Ako, Reyana, pagod na ako.

Reyana: Pagod kana? Pagod kanang mahalin ako?

Owen: Pagod na ako, pagod na akong magmahal. Tama na, bumalik kana sa bahay mo. Tama na. *Sabay punas ng mga luha niya*

Reyana: Susuko ka lang din pala. Pinatagal mo pa. Pinakaayaw ko sa lalaki ay ang pagiging torpe. Mahinang loob. Yan na ba yun! Yan ba ang sinasabi mong pagmamahal sakin. May nangyare lang isang mali iiwan mo na agad ako?! Ganyan ba kababaw sayo ang lahat Owen.

Owen: Para sayo mababaw. Pero para sakin ang sakit, parang pagtataksil. Pinagtaksilan mo ko Reyana.

Reyana: *Umiiling habang umiiyak*

Owen: Pero wala naman making karapatan masaktan hindi ba? Ni wala ngang tayo e.

Reyana: Owen.

Owen: Siguro nga kahit kailan hindi ako magkakapuwang sa puso mo. *Dali dali siyang tumakbo papalayo kay Reyana*

Naiwan si Reyana sa kalye at dahil na din sa iniinda niyang sakit ay unti unti siyang napaupo, habang patuloy sa pagluha ay siyang sinabayan pa ng ulan.

Reyana's Pov
Habang patuloy sa paglalakd si Owen ay naiwan ako dito sa kalaye. Pinagmamasdan ko lang siyang naglalakad habang kasabay ang pagbuhos ng ulan, hindi niya man lang ako nilingunan. Unti unti siyang nawawala sa paningin ko, "Ang layo mo na mahal ko. Kung kailan kita kailangan tsaka kapa lumisan" sambit ko habang pinagmamasdan ang kaniyang paglisan. "Owen, owen"

Jolo: Reyana! *Niyakap si Reyana at pinayungan*

Reyana: Bakit kaba nandidito ha! Umalis kana. Umalis kana.

Jolo: Ano kaba! Basang basa kana. Tara na. Uuwi na tayo.

Reyana: Ayaw Kong umuwi, ayaw ko na. Gusto ko ng mamatay.

Jolo: Hindi ako papayag diyan sa sinasabi mo. Iuuwi na kita sa ayaw at sa gusto mo.

Reyana: Pabayaan mo na ako dito Jolo, hayaan mo na ako dito. Buti Pa ang ulan hindi ako nagagawang saktan! Pero ikaw, at si Owen. Wala na kayong ibang ginawa kundi saktan ako. Pagod na ako, ayaw ko na. Pabayaan niyo na lang. *Sabay niyang tayo at tumakbo*

Jolo: Reyana! Teka ano ba, basang basa kana tumigil kana sa pagtakbo.

Reyana: Huwag mo na ako sundan Jolo, umuwi kana. Hahanapin ko pa si Owen.

Jolo: Magising ka nga sa katotohanan Reyana! Iniwan ka na niya.

Reyana: Hindi, hindi niya magagawa sakin yun. *Napatigil at napaharap kay Jolo*

Jolo: Sumuko na siya sayo.

Reyana: Hindi wag mong sabihin yan.

Jolo: Wala na siya Reyana, iniwan kana niya! Binitawan ka lang din niya.

Reyana: *Muli siyang napaupo sa kalye* Tama na, tama na.

Jolo: Umuwi na tayo.

Reyana: Ayaw ko.

Jolo: Tumingin ka sakin Reyana.

Reyana: *Tumingala at tiningnan si Jolo*

Jolo: Ako na lang Reyana, ako na lang.

Reyana: *Unti until namang nawalan ng nalay si Reyana at napahiga sa kalye*

Jolo: Reyana?! *Binuhat si Reyana*

MY ONE LONG LAST (COMPLETED)Where stories live. Discover now