Chapter 1

1K 24 0
                                    

Chapter 1

Childhood friends sina Michael at Xylene. Bata pa lang si Michael nung una silang magkakilala. Elementary nung malaman ng parents nina Michael at Xylene na bakla o pusong babae si Michael. Natanggap naman siya ng kanyang mga magulang at mga kaibigan. Nagulat at nanibago sila nung una ngunit nang tumagal ay natanggap na nila ito.

Nung highschool na sina Michael at Xylene, nakilala nila si Lyn. Naging malapit na magkaibigan sina Xylene at Lyn. Dahil dun naging kaibigan na rin ni Michael si Lyn. Lagi silang magkakasama. Laging sinasabi ng ibang tao na hindi daw totoo na bakla si Michael at ginagamit lamang niya itong dahilan para mapalapit kina Xylene at Lyn. At lagi naman nilang pinagtatanggol si Michael sa mga paratang na iyon.

Kahit bakla si Michael ay marami pa ring mga kababaihan ang nahuhumaling sa kanya. May fans club pa nga siya. Kaya lalong naiinis sa kanya ang mga kalalakihan dahil kahit bakla ito ay sikat at kahit wala siyang gawin nakakahatak siya ng mga babae. Sina Xylene at Lyn ay sikat din sa school. Silang tatlo ang pinakasikat sa school nila. Marami ding nagkakagusto kina Lyn at Xylene. Pero kapag may nanliligaw kay Xylene ay dapat dumaan muna kay Michael. Mataas pa naman ang standards na binigay ni Xylene at Michael kaya walang pumapasa.

Hanggang sa naging fourth year highschool na sila. May isang lalaking sumubok na manligaw kay Xylene. Transfer student ito ang pangalan niya ay Dylan. Si Dylan ay gwapo, mabait, gentleman, sweet, may sense of humor, friendly, mayaman at higit sa lahat matalino. Kaklase siya ni Xylene. Samantalang sa kasamaang palad napahiwalay sina Michael at Lyn sa ibang section. Dahil dun naging mas close sina Xylene at Dylan. Kaya mas mabilis na nahulog ang loob ni Dylan kay Xylene. Sina Michael at Lyn naman ay naging mas close dahil mas close talaga si Lyn at Xylene pero ngayon lagi silang magkasama dahil magkaklase sila.

Fourth year ang pinakamatrabahong taon sa highschool. Maraming ginagawa at pinapagawa kay bihira na lang nilang makita si Xylene. Nung mga unang buwan nakakasama pa nila ito ng recess, lunch at uwian pero nung tumagal bihira na lang nila itong nakakasama hanggang sa isa o di kaya dalawa na lang araw sa isang linggo nila ito nakakasama. Hindi nila alam kung sinasadya ba ni Xylene na di sila makausap dahil sa nangyari nung Summer.

Author's Note:

Matagal ko na po itong naisulat sa notebook ko ngayon ko na lang ulit ito nakita yung notebook na yun at nabasa, naisip ko na tapusin na itong kwento. Sana magustuhan niyo.

Anu nga kaya ang nangyari nung summer?

Love Me Again (Completed)Where stories live. Discover now