Chapter 7

370 10 0
                                    

Chapter 7

6 years later

Papasok na si Michael sa kanyang trabaho. Isa na siyang ganap na lalaki dahil sa tulong ni Lyn. Isang taon din ang binilang para maging ganap na lalaki na talaga siya. Nagsimula sila nun sa pananamit hindi naman talaga nagsusuot ng pangbabae si Michael pero mahilig siya magsuot ng scarf at pati na rin mga lady like colors na damit katulad ng pink. Sumunod naman ay ang paglalakad. Nagpatulong sila sa boyfriend ni Lyn, na ngayon ay ex na niya. Nung una nahirapan siya dahil kapag naglalakad siya ay laging may kembot at laging with poise. Nagbiro pa ng ang noong boyfriend ni Lyn na mas babae ito kesya sa girlfriend niya si Lyn. Nasapok naman siya ni Lyn. At last nilang ginawa para macomplete ang transformation ay ang pananalita. Dahil pag nagsasalita kasi si Michael ay may tono na parang mahinhin, parang pang babae, gay lingo, may hand gestures, tili at palo pang nalalaman. Napagtagumpayan naman ni Michael ang mga ito sa tulong ni Lyn at ng noong boyfriend nito. Nangyari yun matapos umalis ni Xylene. Ginawa ni Michael ito para kay Xylene. Para kapag bumalik na ito ay maging handa na siya. Gusto niyang ipakita sa dalaga na nagbago na siya na di na siya yung baklang bestfriend niya na, kaya na niyang ipaglaban ang nararamdaman niya this time.

Nung college nga sila naging kilala si Michael dahil sa sabi nila ay isa daw itong complete package, gwapo, matalino, gentleman at mayaman. Pero sabi nun ni Lyn sa isip niya ay
Kung alam nyo lang na bakla yang pinagpapantasyahan nyo dati tsk.
Kahit sikat si Michael noon di pa rin siya nagbago at kahit maraming nakapalibot sa kanyang babae ay wala lang ito sa kanya dahil si Xylene pa rin ang hinihintay niya at umaasa siyang babalik ito.

Sa nakalipas na 6 taon wala silang anumang komunikasyon kay Xylene. Wala silang balita pero di pa rin sila nawawalan ng pag-asa. Di sila nagalit pero aminadong nagtampo sila kay Xylene dahil hindi ito nagpaalam.



Love Me Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon