Chapter 3

536 15 0
                                    

Chapter 3

Ilang araw pagkatapos nilang makauwi sa Maynila. Napagusapan nilang magkitang tatlo sa paborito nilang parke na malapit sa subdivision nila. Nasa iisang subdivision lang kasi silang tatlo nakatira. Napag-usapan nila na hindi na banggitin ang nangyaring aksidente at kanila na itong kakalimutan na parang bang walang nangyari. Isa sa mga dahilan kung bakit gusto makipagkita ni Xylene sa mga kaibigan niya ay dahil miss na niya ang mga ito dahil ito ang una nilang pagkikita matapos ang aksidente. At dahil na rin sa sabihin niya na ang kanyang sekreto sa kanila.

Naunang dumating si Xylene, siya talaga ang pinakamaaga kapag may ganitong usapan. Si Lyn ang sumunod na dumating. At laging late naman na si Michael ang nahuli, siya ang laging last na dumating dahil sa rasong matagal siyang magpaganda.

Bumila sila ng ice cream. Habang kumakain sinabi na ni Xylene ang sekreto niya. Inamin na niyang  mahal niya si Michael. Sa sobrang gulat nabitawan ni Michael ang ice cream na kinakain niya. Muntik namang mabulanan si Lyn sa sinabi ng kanyang bestfriend. Hindi nila akalain na yun ang sekretong sasabihin ng kaibigan. Sandaling nanahimik ang tatlo.

"Wag kang mag-alala, hindi ko naman hinihiling na mahalin mo rin ako. Gusto ko lang na malaman mo. At least nasabi ko na sayo. Naisip ko kasi pano kung may mangyari aksidente at baka matuluyan na ako tapos di ko man lang nasabi sayo nakakapanghiyanang naman kung ganun. Wag kang mag-alala, walang magbabago, bestfriends pa rin tayo. Pwede mo rin namang kalimutan  yung sinabi ko hahaha. Hello marami namang kayang nagconfess sayo na girls dapat sanay ka na. Malay mo maalis ko to. Para makabalik na ang lahat sa dati." sabi ni Xylene.

End of Flashback

Love Me Again (Completed)Where stories live. Discover now