Chapter 14

303 6 0
                                    

Chapter 14

Nakipagkita si Lyn kay Michael.

"Oh ba't ganyan ang mukha mo? May nangyari ba?" pag-aalalang tanong ni Michael.

"Meron. Michael, buntis ako"pag-amin ni Lyn.

"Congratu- ano?! Sino ang ama?Wala ka namang boyfriend diba."pagtatakang tanong ni Michael.

"Si Dylan."sagot namn ni Lyn.

"Ano?!Paano?"tanong ulit ni Michael.

Nagkwento na nga si Lyn kay Michael about dun sa nangyari sa kanila ni Dylan.

"So pano na yan? eh ikakasal na sila ni Xylene diba?"tanong ni Michael.

"Sabi naman niya ay pananagutan niya si baby."sagot ni Lyn.

"Ang gulo naman ng sitwasyon niyo. Ipagdasal na lang natin na mahalin na ako ulit ni Xylene para di tuloy ang kasal at para kumpleto na ang pamilya nyo."mahabang turan ni Michael.

"Hay oo nga, sana di matuloy ang kasal. Sige magseset up ako ng date nyong dalawa ni Xylene." sambit ni Lyn.

Nagset-up nga ng date si Lyn. Ang akala ni Xylene ay silang tatlo ang kakain sa labas. Pero ang totoo ay silang dalawa lang ni Michael.

Date Night

Naunang dumating si Micahel. Sa isang fine dining restaraunt sila magkikita ni Xylene. After ilang minutes ay dumating na rin si Xylene. Nagtaka ito dahil wala pa si Lyn.

"Oh wala pa si Lyn?"tanong ni Xylene.

"Ah tumawag siya sakin, di daw siya makakapunta ngayon kasi may biglaang lakad daw sila ng family niya. Pasenysa na daw."sagot naman ni Michael.

"Ah ganon ba. Okay lang naman kasi may biglang lakad naman pala siya." sambit ni Xylene.

Nag-order na sila ng food. Nagkaroon ng katahimikan. Unang binasag ni Michael ang katahimikan. Huminga muna siya ng malalim bago siya nagsalita. 

Heto na kaya ko to.

"Xylene, I love you. Please Love Me Again." biglaang sabi ni Michael.

Nagulat naman si Xylene sa sinabi ng binata. Matagal bago makasagot si Xylene.

"Wait, anu bang sinasabi mo? Mike, ikakasal na ako. Seryoso ka ba?Pano na si Lyn?"

"Seryoso ako, Xy. Hinintay kita, nagbago ako para sayo. Mahal na kita dati pa pero ang tanga ko lang kasi natagalan bago ko marealize yun. Di totoo na kami ni Lyn. Plinano niya lang yun para mapagselos ka. Di ko nga alam kung effective eh. Parang all along di ka naman nagselos." paliwanag ni Michael.

Naiyak naman si Xylene. Naguguluhan at di magsink in kay Xylene ang lahat ng sinabi ni Michael. Nagwalk out ito. Si Michael naman ay nanlumo.

 Wala man lang siyang sinabi about sa confession ko. Baka nga huli nako.

Dumating naman ang mga pagkain. Pinabalot na lang niya at pagkatapos ay nalulungkot na lumabas siya ng restaurant.









Love Me Again (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora