Chapter 6

390 10 0
                                    

Chapter 6

Ilang araw pagkatapos ng Prom. Nagpantanto ni Xylene na nagiging unfair na siya kay Dylan kaya nung araw na ding yun ay nakipagkita siya kay Dylan at pinaliwanag niya ang lahat.

"Dylan, ayokong maging unfair sayo. I like you pero mahal ko talaga siya kahit anung gawin ko, iwasan ko man siya o pilit na kalimutan siya ganun pa din ang nararamdam ko para sa kanya. Pero thank you, thank you sa lahat ng efforts mo. Sana makahanap ka ng para sayo, yung mamahalin ka rin pabalik. Sorry." sabi ni Xylene kay Dylan.

Habang nasa kwarto si Xylene narealize niya na mahal niya pa talaga si Michael pero natatakot siya na baka masira ulit ang friendship nila eh kakabati pa lang nila. Kaya nakapagdesisyon na siya. Aalis siya ng bansa at sasama sa parents niya na magmimigrate sa Canada.

Lumipas ang ilang araw na lagi nilang nakakasama si Xylene. Bali-balita din ang paghihiwalay nila Xylene at Dylan pero tikom ang kanilang bibig sa issue.

Dumating ang March, malapit na ang Graduation Day. Isang linggo na lang pero di na pumapasok si Xylene. Nagtataka na sina Michael at Lyn. Pinupuntahan nila sa bahay si Xylene pero lagi nila itong di naabutan. Dahil busy na si Xylene sa pagaasikaso ng mga papeles niya para sa pag-alis ng bansa.

Graduation Day

Bali-balita ang pag-alis ng bansa ni Xylene. Iba't ibang reaksyon ang pinakita ng lahat pagtataka, pagkabigla, at pagkalungkot. Lalong lalo na sina Michael at Lyn. Muntik na nga silang umalis sa Graduation Ceremony pero agad silang pinigilan ng kanilang mga magulang. Huli naman na din sila kung tutuusin dahil kasabay ng start ng Graduation Ceremony ang oras ng flight nina Xylene. Pinili ni Xylene na di magpaalam sa mga ito para di na magbago ang kanyang desisyon.

Love Me Again (Completed)Where stories live. Discover now