Chapter 8

360 9 0
                                    

Chapter 8

Flashback 

6 years ago

Nalaman ni Dylan na aalis si Xylene sa araw ng graduation nila. Sinabi niya sa parents niya kung pwede sa Canada na rin siya magcollege para masundan niya si Xylene. Mahal talaga ni Dylan si Xylene kaya gagawin niya ang lahat para magkabalikan sila. At ito ang nakikita niyang pagkakataon para magawa yun.

Nakasunod nga si Dylan sinadya niyang pumasok sa school kung saan mag-aaral si Xylene. Nung una nagulat si Xylene dahil bigla na lang niyang nakasalubong si Dylan. At nalaman niya kay Dylan na sinundan pala siya nito nung malaman nito sa parents niya na magmimigrate sila sa Canada. Hanggang sa niligawan ulit ni Dylan si Xylene at kalauna'y sinagot naman siya nito.

End Flashback

Pagkalapag nila Xylene at Dylan ay agad silang sinalubong ng kanilang mga magulang. Engaged na sila. Boto naman ang mga magulang nila sa kanilang relasyon.

Kinabukasan

Napagpasyahan nilang magshopping. Nakasalubong nila si Lyn. 

"Lyn ikaw na ba yan?"

Nagulat si Lyn sa pagkakakita niya sa matagal na nawalang kaibigan

"Oh hi Xylene, long time no see. Kumusta ka na?"  

"Eto kakabalik lang namin kahapon ni Dylan. At eto pa pala" sabi ni Xylene sabay ngiti at taas ng kamay para makita ni Lyn ang engagement ring niya.

Luminga sa paligid si Lyn. Kasama niya kasi ngayon si Michael at sigurado siyang matutuwa ito. Mukhang huli na ang lahat at nasayang ang pinaghirapan namin ni Mike ang sabi ni Lyn sa isip niya.

"Ahhh congrats pala sa inyo. So kelan ang kasal?"

"Hindi pa namin napaguusapan Lyn"sabi ni Dylan

"Oo nga kakaengage lang namin. Hindi naman ibig sabihin nun eh magpapakasal na kami kaagad." sabi ni Xylene

"Ahhh oo nga naman hahaha. Xylene marami kang utang na kwento sa amin ni Michael. Speaking of andyan na siya. " sabi ni Lyn

Lumingon silang tatlo. Nagulat si Xylene at Dylan dahil malaki na nga ang pinagbago ng hitsura ni Michael.

"Xylene?" gulat na turan ni Michael

"Mike, wow, you've changed. I mean lalaki ka na talaga? Wow di ako makapaniwala bes akala ko forever ka ng bakla gaya ng sinabi mo samin dati." di makapaniwalang sabi ni Xylene.

Umakbay naman si Dylan kay Xylene.

"Noon yun marami ng nagbago. Oh hi pare long time no see"sabi ni Michael

"Ganun din sayo pare"sabi ni Dylan.

"Uhm may sasabihin ako."sabi ni Lyn.

"Anu yun Lyn?"tanong ni Xylene.

"Kami na nga pala ni Mike." sabi ni Lyn

to be continue...







Love Me Again (Completed)Where stories live. Discover now