Epilogue Part 2

342 6 0
                                    

Epilogue Part 2

Reception

(AN: Play nyo yung music sa taas.)

"Oh Lyn, kelan naman kayo ni Dylan ikakasal?"tanong ni Michael.

"Ewan ko dun, wala yatang balak magpropose."himutok na sabi ni Lyn.

"Lyn baka meron din siyang balak. Malay mo naghahanap lang siguro ng tamang timing." sambit ni Xylene.

Nung inihagis na ni Xylene ang bulalak ay sakto namang nasalo ito ni Lyn. Napatawa naman sina Xylene at Dylan.

"Parang nang-aasar ka naman Xy."sambit ni Lyn.

"Hahaha Wala akong kinalaman natalikod kaya ako di ko naman akalain na sayo pala mahuhulog yung bouquet." paliwanag naman ni Xylene.

Nung si Michael naman ang nagtapon ng garter ay si Dylan naman ang nakasalo. Kinindatan naman ni Michael si Lyn.

"Oh ayan na yung groom mo."pang-aasar ng turan ni Michael.

"Tse pinagkakaisahan nyo ako ni Xylene."sambit  ni Lyn.

Dahil nga tradisyon na ilalagay ng nakasalo ng garter yung garter sa nakasalo ng bouquet. Habang nilalagay ni Dylan ang garter kay Lyn ay nakatitig lang siya sa dalaga. Si Lyn naman ay di makatingin kay Dylan.

"Higher! Higher!" kantyaw ng mga tao.

Namula naman si Lyn. Tinaas naman ni Dylan ang garter. Akala ng lahat ay tapos na, tatayo na nga sana si Lyn pero nagtaka siya kung bakit di pa tumatayo si Dylan.

"Lyn, alam ko aksidente lang ang lahat pero di ko akalain na tatamaan ako ng ganito. Siguro di talaga aksidente yun dahil gumawa lang ng pagkakataon yung tadhana para maging tayo. Mahal na kita Lyn. Will you marry me?"sambit ni Dylan habang nakaluhod sabay bukas ng maliliit na box na may singsing.

Nagsigawan naman ang mga tao sa tuwa. Natulala naman si Lyn. Di siya makapaniwala kasi kanina pinag-uusapan lang nilang magkakaibigan to tapos ngayon eto na. Napaluha siya sa tuwa.

"Yes, I'll marry you." sagot ni Lyn.

Niyakap naman ni Dylan si Lyn. Nagpalakpan naman yung mga tao.



Love Me Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon