Chapter 4

461 13 0
                                    

Chapter 4

Alam nina Lyn at Michael na baka possible ngang dahil sa confession na nangyari ang dahilan kung bakit mailap na si Xylene sa kanila.

August nun ng magsimula si Dylan na ligawan si Xylene. At katulad ng ibang manliligaw ni Xylene ay kay Michael muna dumaan si Dylan. Sa unang pagkakataon may nakapasa sa standards na binigay nina Xylene at Michael at hindi lang yun napagtagumpayan din ni Dylan ang lahat ng challenges na binigay ni Michael. Kaya naging official na manliligaw na nga ni Xylene si Dylan.

Dahil nga sa graduating na sila mas lalong dumami ang requirements na pinagagawa. Halos di na nila makita si Xylene. At nagakakamabutihan naman ng loob sina Xylene at Dylan.

Sumapit ang December. Dahil nakita ni Xylene ang mga efforts ni Dylan sa kanya ay sinagot niya na ito. Di na rin nagulat ang lahat sa pagiging official ng dalawa. Kahit sila Michael at Lyn ay inaasahan na ito dahil si Dylan ay pasok na pasok sa ideal type na pinapangarap ni Xylene.

Nagkaroon naman ng boyfriend si Michael na ikinagulat hindi lamang ng mga fans niya kundi ng mga kaibigan niyang sina Lyn at Xylene.

Nakita isang beses ni Xylene si Dexter, boyfriend ni Michael na may kahalikang babae sa labas ng mall. Di na siya nagulat dahil playboy naman talaga ito. Kaya nga lubos siyang nagtataka na si Dexter talaga ang piniling maging boyfriend ni Michael.

Kinagabihan ng araw ding iyon. Pumunta siya sa bahay nila Michael. Nagulat si Michael sa biglaang pagbisita ni Xylene. Sinabi ni Xylene ang kanyang nasaksihan. Hindi naman naniwala si Michael sa kanya. Nag-away sila at nagkasagutan. Sa sobrang inis ay naiyak si Xylene.

"Bakit ba hindi ka naniniwala sakin. Ako ang bestfriend mo at bago lang siya sa buhay mo pero mas pinaniniwalaan at pinagkakatiwalaan mo siya kesya sakin. Akala ko ba ayaw mo magkaboyfriend. Nagbago ka na, di na kita kilala!" sabi ni Xylene pagkatapos ay nagwalk out ito.

Natamaan si Michael sa sinabi ni Xylene. Totoong nabago na siya. Gulong gulo siya. Nagsimula ito pagkatapos ng confession ni Xylene nung summer. Dati, pinag-iisipan niyang mabuti ang kanyang mga desisyon. Ito nga ay tungkol sa pagboboyfriend. Alam niyang playboy si Dexter. Kaya nga nagtataka siya sa desisyon niyang pilitin itong maging boyfriend siya. Kahit magboyfriend sila ay malaya pa rin si Dexter. Di siya pinagbabawalan ni Michael na makipagkita at makipagmake out sa ibang babae. May gusto kasi siyang patunayan kaya niya ito ginagawa. Alam ni Dexter at Lyn ang plano niya. Nung una ayaw nilang pumayag pero kalaunan ay sinakyan na lang nila ang trip ni Michael.

Love Me Again (Completed)Where stories live. Discover now