Chapter 13

287 6 0
                                    

Chapter 13

Sa kasalukuyan, nagdadalawang isip si Lyn kung tatawagan niya ba si Dylan. Pero sa huli, tinawagan na niya ang binata.

"Hello Dylan, may sasabihin sana ako sayo. Pwede mo ba akong puntahan?Importante lang." sambit ni Lyn.

"Sige papunta na ako, text mo sakin yung address."sambit ni Dylan.

Tinext naman ni Lyn si Dylan na magkita sila sa ospital. Nung una nagulat si Dylan pero kahit ganun pumunta pa rin siya.

"Bakit tayo nasa ospital?Okay ka lang ba?May sakit ka ba?"pag-aalalang tanong ni Dylan.

"Hindi may gusto lang akong masigurado."sagot naman ni Lyn.

Pumasok sila sa isang silid hindi nakita ni Dylan kung anung nakasulat sa pinto. Basta sinabayan na lang niya sa paglalakad si Lyn. Pinaupo naman sila ng doctor.

"Magpapacheck up sana ako Doc."sambit ni Lyn

"Sige ilang months ka na ba?"tanong ng doctor 

"Yung nga po, di ko po alam. Gusto ko sanang malaman."sagot naman ni Lyn

"Sige halika."pag-aaya ng doctor kay Lyn.

After ng test.

"Congatulations Misis at Mister, 2 months pregnant ka po misis."maligayang sabi ng doctor.

Nagulat naman si Dylan. 2 months ago nga yung camping namin. Di siya makapaniwala sa narinig. Nasa labas na sila ng ospital. Tulala pa rin si Dylan.

 "Ano nang gagawin natin?"naiiyak na turan ni Lyn.

Natagalan bago sumagot si Dylan.

"Wag kang mag-alala, pananagutan ko yung bata."sambit ni Dylan.

Nalungkot naman si Lyn. Yung bata lang pano naman ako. Ano ka ba Lyn dapat masaya kasi may tatay pa rin yung anak mo. sabi niya sa isip niya. 

"Di na natin to matatago kina Michael at Xylene."pagkabahalang sambit ni Lyn.

"Sasabihin ko na to kay Xylene, ikaw na lang ang magsabi kay Michael."sambit ni Dylan.

Love Me Again (Completed)Where stories live. Discover now