Chapter One

14.9K 175 4
                                    

"May I have your attention please?" Huminto kaming mag pipinsan sa pag-uusap at humarap kay Tito Louie. Seryoso siyang nakatingin sa amin hanggang sa unti-unti siyang ngumiti.

"Your Tita Yolly told me that all of you got a high grades last semester. So, I want to give you a reward." Tila nag ningning ang mga mata namin ng marinig namin ang sinabing iyon ni Tito.

"Oh my! What is it Tito?" Sabik na tanong ni Therese.

"Where do you want to spend your semestral break? Do you want to go to the beach? Or Baguio?" Nag yakapan kaming apat dahil sa tuwa. Tuwing sembreak ay umuuwi kami sa Bulacan at dito kami kila Tito Louie nag s-stay. Madalang kaming mag out of town dahil busy siya sa pagpapatakbo ng farm niya kaya naman laking tuwa namin ng ianunsyo ni Tito ang tungkol sa bakasyon na 'to.

"Baguio ako." Tinignan ko ang mga pinsan ko tapos ay nag taas baba ang kilay ko. Nag tinginan muna silang tatlo bago sumang ayon sa akin.

"Kami din!" Sabay sabay na sagot nila.

"Oy sali kami dyan!" Ani Kuya Luigi. Kasama niya ang mga pinsan naming lalaki. Galing sila sa labas at mukhang kakatapos lang nilang mag laro ng basketball. "Baguio din kami, Dad."

"Alright. Ang mabuti pa ay pumunta na kayo sa kwarto niyo at mag simula na kayong mag ayos ng mga gamit. Mamayang alas dose ng madaling araw ang alis natin."

"Agad agad, Tito?" Gulat na tanong ni Ann.

"Yes! I'll call your parents. Sasabihin ko ay doon na lang tayo mag kita kita. Go, pack your things!" Tumahimik kaming lahat pero makaraan lang ang ilang segundo ay sabay sabay kaming nag sigawan at nag unahan tumakbo sa hagdan paakyat sa mga kwarto namin.


Si Tito Louie ay panganay na kapatid ng Papa ko. May tatlong anak siya at puro lalaki iyon - Si Kuya Luigi, Si Luis at Leus. Gustong gusto nilang magka-anak ng babae pero hindi na pwede na mag buntis si Tita Yolly kaya naman spoiled kaming apat sa kanila. Kaya madalas ay dito kami nag s-stay kapag walang pasok. Pinagawan nila kami ng kwarto kung saan sama sama kaming apat natutulog.

"Grabe! Ang saya talagang maging pamangkin ni Tito Louie!" Pagbubunyi ni Meryl.

"True! Buti na lang at maganda din ang kita ng negosyo nila ngayon kaya masaya ang bakasyon natin ngayon." Segunda ni Ann.

"Thanks, God! But wait..." Natigil kami sa pag aayos. Tumingin sa akin si Therese and she crossed her arm. "Hindi ba Marie ay gustong gusto mo na sa beach tayo pumunta? Then why did you chose Baguio?"

Ngumiti ako at inakbayan siya. "Oo nga.Para maiba naman kasi sa summer mag b-beach na naman tayo. And Ber months na, cous. Mahirap maligo!" Natatawang paliwanag ko.

"Correct! Saka mas masarap mag spend ng halloween sa Baguio, 'di ba?" Tanong ni Ann nang may nakakalokong ngiti.

"Tama! Tama!" Pag sang ayon ni Meryl. Nag isip pa kami ng ibang plano namin bago namin ipinagpatuloy ang pag aayos ng gamit.


"Marie! Hindi pa ba kayo tapos mag ayos dyan? Bumaba na daw kayo sabi ni Mommy! Dinner na." Sigaw ni Kuya Luigi mula sa labas ng kwarto.

"We're almost done! Susunod na kami." Sagot ko.

"Bilisan niyo! Mag babakasyon lang kayo doon. Hindi kayo mag s-stay doon ng isang taon kaya wag niyo ng dalhin lahat ng gamit niyo! Mga babae talaga." Natawa na lang kami kay Kuya. Binilisan na namin ang pag aayos tapos ay bumaba na.


Habang kumakain ay hindi namin mapigilan ang mag usap usap tungkol sa mga gagawin namin pag dating namin ng Baguio. Sabi ni Tito ay baka umabot kami ng limang araw doon dahil may kailangan siyang i-meet tungkol sa business. Medyo matagal na rin ng huli kaming mapunta doon kaya naman gusto namin na masusulit talaga namin ang pag stay doon.

Troy (COMPLETED)Where stories live. Discover now