Chapter Six

4.9K 112 3
                                    

"Troy?" Tanong ni Ann.

Tumango ako. "Oo. Nandoon siya." Tinuro ko kung nasaan naka-pwesto iyong may topak na kaluluwa.

"Saan? Wala naman eh. Ano ba Marie? Pinaglololoko mo ba ako?"

"Hindi mo ba talaga nakikita?" Umiling siya.

"Talagang ginagago ako ng imported na kaluluwa na 'to ha?" Bulong ko sa sarili ko. Tinignan ko ulit iyong pinto papasok sa loob pero wala na siya doon.

"Crush ka ata, insan." Aniya natatawa. "Akala ko ay puro katatakutan lang ang mga ghost stories pero nakakakilig din pala minsan." Iiling iling ito.

"Shut up, Ann. It's not funny." Inismidan ko siya. Mr. Imported, sa dami ng pwede mong pag tripan ay ako pa talaga ako napili mo?

"Papasok na ako. Dyan ka na!" Dali dali akong tumayo at iniwan si Ann doon.

"Hoy sandali! Huwag mo akong iwanan!"


Napakunot ang noo ko ng maabutan na seryoso silang lahat na nag uusap.

"Totoo po Tito Louie. May kakaiba nga sa kwarto na 'yon. Kapag natutulog kami nakakarinig ako na parang may tumutugtog ng gitara." Kwento ni Ate Lau. Seryoso silang nakikinig. Paminsan ay nag titinginan pa.

"Baka naman guni-guni mo lang 'yan Lau?" Tanong sa kanya ni Tito.

"Hindi po, Tito. Ako din po, eh. Pag dating na pag dating pa lang po natin dito ay may nakita po akong lalaki na nakatayo sa pintuan ng kwarto nila Ate Lau. Kahit tanungin niyo po si Ate Ann at Ate Marie. Nakita din po nila iyon." Ani Jasper tapos ay tinuro niya kami. Kumapit si Ann sa braso ko.

"Ann? Marie? Totoo ba 'yon?" Seryoso na tanong ni Tito. Nagkatinginan kami ni Ann bago siya bumitaw sa pagkakahawak sa akin tapos ay lumapit siya kila Tito at umupo sa tabi ni Therese.

"Opo, Tito. Pero hindi ko na po siya nakikita ngayon pero po si Marie..." Aniya at tumingin sa akin.

"Marie?" Nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanila pero mukhang wala naman na akong choice kung hindi sabihin dahil sinabi na ni Ann at Jasper.


Nag lakad ako palapit sa kanila at umupo sa tabi ni Tita Marina. Huminga ako ng malalim at tumingin kay Ann. Nang mag sisimula na akong mag kwento ay biglang nakita ko si Mr. Imported. Nakatingin siya sa akin at nakangiti. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag iwas ng tingin.

"Totoo po 'yon, Tito. Noong una po ay kaming tatlo nila Ann at Jasper ang nakakakita pero ngayon po ay ako na lang. Pero mukha naman po siyang harmless..." Sagot ko tapos ay tumingin ulit doon sa pwesto niya. "Ano... Actually po ay nandoon po siya. Nakatingin po siya sa atin at mukhang siraulo na nakangiti." Akala ko ay sasamaan niya ako ng tingin ng dahil sa sinabi ko pero nagulat ako dahil bigla siyang natawa.

"Shit! Nasaan, Marie?! Nasaan?!" Sigaw ni Kuya Luigi.

"Tangina naman, oh! Tabi dyan! Ako sa gitna." Tili ni Luis tapos ay nag sisikan silang lahat sa mahabang upuan.

Nabalot ng sigawan ang buong bahay. Hindi ko naman mapigilan ang matawa dahil sa mga pinsan ko na lalaki. Lahat kasi sila ay nag sisigawan at nagsisiksikan samantalang kaming apat na babae ay tahimik lang.

"Luigi! Ano ba 'yan? Magsitigil nga kayo. Kayo itong mga lalaki pero kayo pa itong malalakas kung tumili." Suway sa kanila ni Tita Marina.

"Nasaan ba siya, Marie? Nandyan pa ba?" Tanong ni Tita Yolly. Tumango ako.

"Opo. Nakatayo po siya sa may hallway papunta ng mga kwarto." Lahat sila ay tumingin sa hallway at katulad ng inaasahan ko ay wala silang nakita.

"Mabuti pa ay mag dasal na lamang tayo." Ani Tita Marina at pinamunuan ang dasal.

Troy (COMPLETED)Where stories live. Discover now