Chapter Eight

5K 95 1
                                    

"Ate Marie..." Nilingon ko ang pinsan kong si Celine. Bunsong kapatid ni Therese. "May ibang kasama po ba tayo dito?" Tanong niya.

"Tayo lang ang nandito, bunso. Bakit?"

"Eh kasi po may nakita po ako kaninang lalaki sa may playground nung naglalaro kami ni Kurt." Nanlaki ang mga mata ko. Nako naman 'tong imported na kaluluwa na 'to, oh! Akala ko pa naman nagkaintindihan na kami!

"Baka iyong caretaker nitong bahay." Nakangiting sagot ko.

"Eh 'di po ba babae iyong nag babantay dito? Saka po mukha po siyang mayaman eh. Kinausap ko nga po pero hindi naman siya nag sasalita. Ngumingiti lang po." Napahawak ako sa sentido ko.

"Baka kapit bahay na pipi? Hayaan mo na. Sa susunod pag nakita mo siya lumayo ka na lang ha?"

"Okay po." Mabuti na lang at bata pa itong si Celine. Madali pang pakiusapan.

"Very good! Sige na puntahan mo na si Kurt." Agad naman niyang sinunod ang sinabi ko at tumakbo papunta kay Kurt.


"Marie! Bakit nandyan ka pa? Nag aayos na ng gamit ang mga pinsan mo, ah?" Tanong ni Tito Louie. Lumapit siya at umupo sa tabi ko.

"Naayos ko na po iyong gamit ko kagabi." Nakangiting sagot ko.

"Ano? Kamusta na? Ano na ang balita sa ka-text mo?" Natatawang tanong niya.

"Tito! Wala po akong ka-text ano! Hindi ko naman na po iyon tini-text." Depensa ko.

"Louie, nandito iyong bisita mo!" Tawag ni Tita Marina mula sa loob.

"Sige maiwan na muna kita dito. Nandito na pala iyong kliyente na hinihintay ko." Tumango ako at sinundan siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob.


"Sabi ko huwag ng mag papakita, eh. Sana sa akin ka na lang nag pakita. Tatakutin mo pa iyong bata." Parang tanga na kausap ko sa sarili ko.

"Sinasabi ko na nga ba!" Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang sumulpot si Ann.

"Ano ba, Ann! Papatayin mo ba ako sa gulat?!" Inis na tanong ko.

"Oo! Papatayin na kita para naman matupad na 'yang pangarap mo!" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Slow nito!" Aniya tapos ay inakbayan ako. "Para matupad na iyong pangarap mo na magkaroon ng chance iyong love story niyo ni Troy." Pagkasabi niya no'n ay inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin.

"Hindi ka talaga titigil?" Imbis na sumagot siya ay mas lalo lang siyang tumawa.

Bwisit! Bakit masama ba na gustuhin ko siyang makita? Gusto ko lang naman malaman kung ano ang nangyari sa kanya, eh. Gusto ko lang din makatulog sa kanya para matahimik na ang kaluluwa niya. Anong masama doon?!

"May nag text! May nag text! Tignan mo baka si Troy 'yan dali." Kaunti na lang ay masasapak ko na itong babae na to.

"Si Mich 'to! Pinapaalala 'yung pasalubong niya." Dahilan ko pero ang totoo ay hindi ko pa alam kung sino ang nag text.

"Hala! Oo nga pala. 'Yung pinapabili pala ni Jeremy! Wait tatanong ko lang kay Tito kung pwede na ngayon na tayo mamili." Aniya tapos ay nagmamadaling tumakbo papasok sa loob.


Nang masigurado na malayo na si Ann ay binasa ko iyong text. Hindi ko alam kung matutuwa, kikiligin o maiinis ako.

From: Unknown Number

Miss mo na 'ko?

Pinigilan ko ang matawa. Kaloka itong imported na 'to Masyadong assuming! Eh kung i-double dead ko kaya siya?!

Troy (COMPLETED)Where stories live. Discover now