Chapter Three

5.5K 95 2
                                    

Labing limang minuto bago mag alas sais ng gabi ay tinawagan ko na si Tito Ed para mag pasundo. Nandito na kami sa lugar kung saan kami ibinaba ni Tito. Hinihintay namin sila Kuya Luigi dahil may binibili pa raw si Luis.

Naupo ako sa tabi ni Therese. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Meryl at Therese ang tungkol doon sa nakita namin ni Ann. Napag desisyunan kasi namin na huwag munang ipaalam sa dalawa dahil baka matakot lang sila lalo.

Saktong pag dating ni Tito Ed ay ang pag dating ng mga pinsan namin. Medyo malapit lang naman ang bahay na tinutuluyan namin at wala namang traffic kaya mabilis ang naging byahe namin pauwi.

"Nakakapagod! Idlip muna ako." Ani Meryl. 

"Sige. Mag pahinga na muna kayo at gigisingin na lang namin kayo kapag handa na ang hapunan." Ani Tita Yolly. Agad na pumasok sa kwarto ang mga pinsan ko habang Ako, si Ann at Jasper naman ay nag paiwan sa salas.

"Oh kayo, Marie? Ayaw niyo ba na umidlip muna?" Tanong ni Tito Louie.

"Hindi na po, Tito. Mamaya na lang po para tuloy tuloy na ang tulog namin. Sa garden po muna kami." 


Pag dating namin sa garden ay agad naming ibinagsak ang aming katawan sa mahabang upuan na gawa sa kahoy na may nakapatong na foam.

"Bakit kaya sa atin lang siya nag papakita?" Nakapikit na tanong ni Ann.

"Bakit kaya sa atin pa lang kamo." Pag tatama ko.

"Sana naman huwag na siyang mag pakita ulit. Hindi ako makakatulog ng maayos!" Reklamo ni Jasper.

"Mag dasal na lang tayo bago matulog." Iyon na lang ang tanging na sabi ko upang mabawasan ang takot na nararamdaman ng mga pinsan ko.

"Uy seryosong seryoso kayo dyan ah?" Nag salubong ang kilay ko ng sumiksik sa upuan si Kuya Will. Amoy alak ito.

"Walang patawad Kuya? Unang araw natin dito alak agad?" Tinulak ko siya palayo dahil bukod sa masikip na ay ang baho niya pa gawa ng alak.

"Ate! Ayan na naman siya." Bulong ni Jasper tapos ay sumiksik sa akin.

"Nasaan?" Tanong ko.

"Sa playground, Ate." Sabay kaming tumingin ni Ann sa playground. Napahigpit ang hawak ko kay Jasper ng nakita ko na nakatingin sa amin iyong lalaki. 

"Naku naman! Ang sama na naman ng tingin." Ani Ann. Halos hindi na ako makagalaw ng maayos dahil sobrang siksikan na kami sa upuan.

"Pasok na tayo!" Nag uunahan kaming pumasok sa loob. Iniwanan na namin doon si Kuya Will dahil mukhang masarap na ang pagkakatulog niya.


Maaga kaming nagising kinabukasan. Maayos naman ang naging tulog ko at wala rin naman kaming naramdaman na kakaiba kagabi. Hindi ko alam kung ilang beses akong nag dasal hanggang sa makatulog ako. Kulang na lang ay humawak ang ng rosaryo habang natutulog.

"How's your sleep?" Tanong ko kay Ann.

"Sa awa ng Dyos ay nakatulog naman ako ng mahimbing! Grabe hindi ko alam kung ilang Our Father ang dinasal ko." Aniya na natatawa. 

Dala ng sobrang takot ay nag tabi kami ni Ann matulog. Dalawang double deck kasi ang nandito sa kwarto namin. 

"Girls! Breakfast na." Rinig kong tawag ni Tita Marina mula sa labas.

"Coming, Tita!" Sagot ni Therese.


Kapit kamay kaming lumabas ni Ann ng kwarto. Nang makalabas kami ay agad kong tinignan ang pinto ng kwarto kung saan natutulog sila Ate Lau at ganoon na lang ang pag higpit ng hawak ko kay Ann ng makita ko na naman iyong lalaki na nakatingin sa amin!

"Jasper! Ann! Nandito na naman siya." Halos paiyak na ang tono ng boses ko. Ano ba naman 'yan! Akala ko okay na, eh!

"Nasaan?" Mahinang tanong ni Ann tapos ay nilibot ang paningin.

"Sa pinto nila Ate Lau." Sabay silang tumingin doon ni Jasper pag tapos at sabay din na tumingin sa akin pabalik na naka-kunot ang mga noo.

"Wala naman Ate, eh! Nananaginip ka pa ata." Sagot ni Jasper. Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin ulit sa pinto nila Ate Lau.

"Paanong wala? Ayan oh! Nakatingin na naman sa atin!" Pakiramdam ko any moment ay tutulo na ang luha ko sa sobrang takot.

"Sure ka, Ate? Wala talaga akong makita." Pumikit ako at tumingin ulit sa pwesto nung lalaki pero he's still there!

"Wag ka ngang manakot, Marie!" Suway sa akin ni Ann.

"Shet naman, oh! Seryoso ako. Hindi ko kayo tinatakot. Andyan talaga siya!" Pagpupumilit ko.

"Oh my!" Agad kong tinignan si Ann. Niyakap niya si Jasper habang walang tigil sa pag talon. "Thanks, God at tinantanan na niya ako! Tinigilan na niya tayo, Jasper!"

Seryoso ba sila? Talagang hindi nila nakikita? Oh my! So ibig sabihin no'n ay ako na lang ang nakakakita sa kanya? Anong kalokohan 'to!

"Hay! Mukhang marami tayong makakain ngayon ano, Jasper? Tara na! Sorry, Marie." Pang-aasar niya tapos ay masayang masaya silang nag tungo sa kusina.

Bago ako sumunod sa kanila ay tinapunan ko pa ng isang tingin iyong lalaki... Nandoon pa rin siya and what the hell! Nakatingin siya sa akin... Hindi masama ang tingin niya pero nakangisi siya... Ngisi na akala mo ay nang-aasar! 


Anong ibig sabihin nito?! Nako ha! Hindi ako abogado at lalong hindi ako mymebro ng SOCO kaya hindi kita matutulungan! Utang na loob lubayan mo na ako!

Troy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon