Chapter Seven

4.5K 86 1
                                    

"Mga pinsan kong magaganda, gising na! Aalis tayo." Tinakpan ko ng unan ang tainga ko dahil ang tining ng boses ni Ann.

"Lahat tayo?" Tanong ni Meryl.

"Oo! Baka daw kasi biglang magparamdam sa mga bata si Mr. Handsome Soul, eh. Kilos na!" Tamad akong bumangon. Nagsabay sabay ulit kaming apat maligo dahil pinagmamadali kami nila Tito at katulad kagabi ay nakadamit pa rin kami habang naliligo. Hitap tuloy mag sabon!


Nang makapag bihis na kami ay pinauna ko munang makalabas iyong tatlo. "Troy, ayan ha? Bibigyan ka namin ng kapayapaan. Lalabas muna kami pero babalik din kami." 

"Hala siya. Sira na ulo mo, Marie." Ani Ann na tumatawa. "Ano sasama ka pa ba o mag babaliw-baliwan ka na lang dyan?" Tumawa na lang din ako tapos ay lumabas na kami.


Napag desisyunan nila Tita na sa Burnham Park na lang kami pumunta. Pag dating namin ay naghiwa-hiwalay muna kami.

"Rose Garden tayo, please?" Suhestyon ko at pumayag naman sila. 

Habang nag lalakad kami papunta sa Rose Garden ay biglang huminto si Therese.

"Oh my! Meryl, ang hot!" Aniya tapos ay tinuro iyong grupo ng mga lalaki. Hindi na bago kay Meryl at Therese ito. Mahilig silang mag boy hunting pero iilan lang naman ang nakakatuluyan nila dahil fling lang ang trip ng dalawang ito. 

"Ano? Game?" Nakangising tanong ni Therese kay Meryl.

"Game!" Sagot niya. Hinayaan na lang namin sila. Umupo muna kami ni Ann sa isang tabi habang pinapanood na magpa-cute 'yung dalawa.


"Bakit hindi ka sumama?" Tanong ni Ann. Minsan kasi ay sinasakyan ko ang trip ng dalawa kapag bored na bored ako. Sumasama din sa amin si Ann pero nanonood lang ito dahil may boyfriend siya.

"Wala ako sa mood, eh. Saka nandito tayo para mamasyal hindi para mag boy hunting." Sagot ko.

"Bago 'yan." Mapang-asar na sagot niya.

Napahinto kami ni Ann sa pag-uusap ng makita namin na nag tutulakan iyong mga lalaki. Isa lang ang ibig sabihin nito, nakuha na ni Therese at Meryl ang atensyon nila.

Napailing na lang ako ng may lalaking lumapit sa dalawa at kinausap sila. Nag labas din ang lalaki ng cellphone at inabot iyon kay Therese.


"Mission Accomplished!" Ani Therese ng makalapit sila sa amin.

"Walang kupas, Therese. Iba talaga ang power ng GGSS." Pang-aasar ni Ann.

"Inggit ka lang. Under ka kasi sa boyfriend mo." Sagot ni Therese.

"Under agad? Loyal kasi ang tawag sa ganon, insan kung hindi mo alam." Depensa ni Ann. Pinigilan ko na silang dalawa bago pa sila magkapikunan.


Pinagpatuloy namin ang pag lalakad namin pero hindi pa kami nakakalayo ng biglang may tumawag sa mga pinsan ko.

"Therese! Meryl!" Huminto kami. Nilingon namin iyong lalaki na tumawag sa dalawa. Siya iyong lumapit kila Therese kanina.

"Oh, Marco?" Tanong ni Therese.

Itinuro niya ako at si Ann. "Itatanong ko lang kung pinsan niyo din ba sila?"

"Yes! Bakit?" Naka-ngiti na sagot ni Therese.

"Kasi 'yung dalawang kaibigan ko, si Andy and Joseph..." Nakuha ko na agad ang ibig niyang sabihin.

"Really? Pero sorry, ha? Taken na si Ann, eh." Sagot niya tapos ay inakbayan ako. "Pero itong si Marie ay single. Sino ba dyan?" Seryoso ba 'tong si Therese? Binubugaw niya ako?

"Ayon oh, si Andy." Sagot niya tapos ay may tinuro siyang lalaki.

"Ideal man mo." Natatawang bulong ni Meryl.

"Hindi ko type, sorry."Sabi ko tapos ay nag simula na ulit akong mag lakad. 

Tama si Meryl. Iyong itsura nung Andy... Iyon ang gusto ko sa isang lalaki pero ewan ko ba! Wala talaga ako sa mood para makipagkilala sa kahit na sino. 


"Sabi ko na nga ba!" Nagulat ako ng nasa tabi ko na agad si Ann. Isinukbit niya ang kamay niya sa braso ko habang tumatawa.

"Wala kang sinasabi." 

"Sasabihin pa lang pala." Aniya at humalakhak. "Umamin ka nga sa akin..." Kunot noo na tinignan ko siya.

"May gusto ka kay Mr. Handsome Soul ano?!" Napahinto ako sa paglalakad.

"Anong sinasabi mo dyan?! Sira na ulo mo, Ann." Maagap na sagot ko.

"Marie naman! Sanggang dikit tayo. Come on! Iyong itsura ni Papa Troy... Hindi ba ganoon ang mga gusto mo? Tapos akala mo hindi ko napapansin na tahimik ka palagi sa bahay. Para kang nag go-ghost hunting! At ito pa... Akala mo hindi ko alam na tine-text mo pa din siya? Nabasa ko nung naki-text ako sayo!" Dire-diretsong pahayag niya.

"Bakit ka nakikialam ng phone?!" Tanga mo din kasi, Marie! Kaya nga naimbento ang password tapos hindi mo naman gagamitin! Nahuli ka tuloy.

"Bakit? Wala ka namang pakialam kung galawin ko phone mo 'di ba? Saka makiki-text lang naman talaga ako kaso nakita ko iyong conversation niyo, ayun binasa ko." Natatawang paliwanag niya.

"Chismosa ka talaga! At saka wala namang mali doon, ah? Nakiusap lang naman ako."

Tumawa siya. "Iba ka rin humingi ng pabor. Close na kayo? May bago ka ng sanggang dikit?" Kunwaring nag tatampo na tanong niya.

"Tumigil ka na nga." Suway ko.

"Uy si insan! Nahulogloglog..." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sira na talaga ulo mo! Bahala ka dyan. Maghanap ka ng kausap mo." Iniwanan ko siya doon at binilisan ko ang lakad ko.

"Hoy sandali lang!" Natatawang sigaw niya pero hindi ko na siya pinansin.



Troy (COMPLETED)Where stories live. Discover now