EPILOGUE

7K 143 41
                                    

Isang buwan na ang lumipas nang mag simula ang second semester. Walang masyadong nag bago pero unti unti ay natatanggap ko na, na malabo na magkita pa kami ni Troy. But syempre the hope is still there. Noong una ay naisip nila Ann na baka daw dahil kay Troy Villanueva kaya ako nakakapag move on pero hindi. Malabo. Malabong malabo pa sa mata ng lola ko na magkaroon ng something sa amin ni Troy na classmate ko dahil una, nag iisa lang ang Troy sa buhay ko. At pangalawa, he's gay. Troy Villanueva is gay. Kaya sobrang malabo talaga. Hindi kami talo.


"Merry Christmas!" Sunod sunod na bati ng mga Tito at Tita namin. Noong isang linggo pa kami nandito sa bahay ni Tito Louie dahil christmas vacation na. Ang mga parents naman namin ay ngayon lang nag punta para sa noche buena.

Sila Tita ay abala sa kusina samantalang sila Tito naman ay nasa garden at hinahanda ang barbecue. Sila kuya Luigi at mga pinsan kong lalaki ay busy sa paglalaro ng Xbox. Kaming apat na babae naman ay abala sa pag aayos ng mga regalo sa ilalim ng Christmas Tree para sa exhange gift namin mamaya.


"Merry Christmas everyone!" 

"Hi Troy. Nandyan na pala. Halika pasok ka!" Ani Tita Marina. Lumapit sa amin si Troy at isa isang bumeso sa amin.

"Ito 'yung gift ko oh." Dito nag celebrate ng Christmas sa amin si Troy dahil nasa Europe ang parents niya dahil may inaasikaso. Bago mag New Year pa makakauwi ang mga ito. 

"Marie, where's your gift?" Tanong ni Therese.

"Wala ba dito? Hindi ko ata naibaba." Tinignan ko 'yung mga regalo at wala nga doon 'yung akin. "Kuhanin ko lang sa itaas. Wait lang!" Paalam ko sa kanila.


"Sigurado ako. Siya nga 'yan! Siya 'yan!" Rinig kong sigaw ni Jasper.

"Shit! Paanong?! Siya nga! Siya nga!" Maya maya ay si Ann naman. Kinuha ko ang regalo ko at nag mamadaling bumaba para malaman kung bakit nag sisigawan ang mga pinsan ko.

"Tangina, multo!" Rinig kong sigaw ng isa sa mga pinsan ko. Hindi ko sigurado kung sino dahil kanya kanya sila ng sigawan.


"Anong mer--" Naudlot ang pag tatanong ko ng makita ko ang dahilan ng pag sigaw ng mga pinsan ko.

Siya? Anong ginagawa niya dito? Paanong....


"Troy?" Nanginginig ang boses ko. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Marie." That voice! Siya nga! Siya nga!


Inilahad niya ang kanyang dalawang kamay. Binagsak ko ang paper bag na hawak ko at patakbo ng pumunta sa kanya para yakapin siya.

"Troy!" Kasabay ng pag yakap ko sa kanya ay ang pag tulo ng mga luha ko.

"I missed you." Bulong niya. Hinigpitan ko pa ang yakap ko at ganoon din ang ginawa niya.


Hindi ako makapaniwala. Paanong nangyari 'to? Nananaginip ba ako?

"Tangina ang creepy." Ani kuya Luigi.

"Kinikilabutan ako." Bulong ni Luis.

"Ate Marie... Bitawan mo siya. Baka kuhanin ka niya..." Natawa ako sa sinabing iyon ni Leus pero hindi pa din ako bumitiw kay Troy.

Marami pang komento ang mga pinsan ko pero imbis na pansinin ay mas lalo ko na lang hinigpitan ang pagkakayakap ko kay Troy. Susulitin ko na lang 'to para kung sakaling nananaginip lang ako at least ay nasulit ko.

Troy (COMPLETED)Where stories live. Discover now