Chapter Nine

4.5K 89 2
                                    

Buong byahe ay tahimik lang ako. Ilang beses akong tinanong ni Ann at puro ayos lang ang sinagot ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang napag-usapan namin ni Troy dahil baka asarin niya lang ako.

Bago kami tuluyang umalis kanina ay ilang beses kong nilibot ang paningin ko sa buing bahay. Nagbabakasakali kasi ako na makikita ko si Troy sa huling pagkakataon pero wala. Walang Troy na nag pakita sa akin. Hindi manlang ako nakapagpaalam.


"Ipasok niyo na ang mga gamit ninyo. Bukas ng umaga ay ihahatid ko na kayo sa Manila." Tahimik akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob.

Bukas ay babalik na kami ng Manila dahil malapit ng mag simula ang second semester at kailangan din namin mag enroll. 

"Hay! Tapos na ang maliligayang araw natin." Ani Therese tapos ay binigsak ang katawan sa sofa.

"Matutulog muna ako sa taas." Paalam ko sa kanila. Hindi ko na hinintay ang sagot nila.

"Sama ako!" Rinig kong sabi ni Ann. Hindi ko siya hinintay. Nag dire-diretso lang ako papasok ng kwarto.


"Pwede ka ng mag kwento." Ani Ann ng makapasok kami. Sa totoo lang ay ayoko talagang mag kwento dahil baka maiyak na naman ako kapag naalala ko ang napag-usapan namin pero sasabog na ako. Kanina ko pa gustong ilabasa 'to.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at niyakap ang unan ko. "Ann. Tinamaan ako."

"Nang ano?" Kunot noo na tanong niya.

"Tama ka. Ako'y nahulogloglog." 

"Ha? Kanino?" 

"Kay Troy! Ugh!!" Sobrang nafu-frustrate na ako.

"Hoy! Seryoso ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Umupo ako. Tinakpan ko ng dalawang palad ko ang mukha ko. "Oo! Sabi mo kausapin ko siya..."

"At sinunod mo naman ako?" Natatawang tanong niya.

"Oo! Hindi ko na alam kung anong  gagawin ko. Sobrang curious na ako." Sagot ko at padabog na humiga."

"Hala! Nasira na ang ulo." Iiling iling siya. "Oh, anong napag usapan niyo?"

"Madami. Lahat! Kung bakit siya namatay. Kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa din siya." 

"Oh bakit daw?" Umupo akong muli at sinimulan ikwento 'yung mga sinabi ni Troy kanina.

"Meron pa..."

"Bilis na! Sabihin mo na lahat... Wag kang pabitin."

"Sabi niya ay gusto daw niya ako. Love at first sight..." Ngumiti ako.

"Pambihira! Teka hindi ko kinakaya." Hinilot niya ang sentido niya.

"Ann... Sinabi ko rin na gusto ko siya..."

"Ano?! Sira na ulo mo!" Napailing siya. "Sabi ko ayoko ng mag mura pero tangina, Marie! Hindi ko maintindihan. Kung hindi ko lang siya nakita sa Baguio iisipin ko na nababaliw ka na!" Pinaypayan niya ang mukha niya gamit ang kamay niya.

"Anong gagawin ko? Minsan lang ako tamaan pero imposible pa! Sabi niya see you soon. Kailan pa 'yon? Ayoko pang mamatay, Ann! Magkakalat pa ako ng lahi." Jusko! Kaunti na lang at mababaliw na talaga ako.

"Hindi ko na alam, insan. Ang intense ng love story niyo."

"Ann! Tulong please. Anong gagawin ko?" Naguguluhan na ako.

"Seryoso? Tinatanong mo talaga kung ano ang dapat na gawin mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Insan, move on! Gumising ka. Gumising ka sa katotohanan na wala na siya! Isipin mo na lang na panaginip lang iyong bakasyon natin sa Baguio. Walang kahahantungan 'yan insan. Tigilan mo! Hindi mo maikakalat lahi natin dyan. Nakakaloka ka!"

"Alam ko... Ewan! Bahala na! Hindi na lang ako mag-aasawa!"

"Hoy! Ano? Susundan mo ang yapak ni Tita Maura? Tama ng isa lang ang hindi nag share ng lahi natin. Saka baka may pinsan pa siya o kapatid! Kausapin natin si Tito mamaya. Utang na loob, insan, Tigilan mo 'yang kahibangan mo."

"Eh ayoko..." Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

"Si Andy! Iyong kaibigan nung Marco? Medyo maypagkaparehas sila ni Troy. Iyon na lang!" Umiling lang ako. Ayoko sa kanya. Ayoko kahit kanino! Kay Troy lang.


"Alam mo ang pinakamagandang gawin? Kumain na lang tayo. Baka mahimasmasan ka."

"Ayoko. Busog ako. Matutulog na lang ako." Sagot ko at nagtalukbong ng kumot.

"Hindi! Mamaya ka na matulog sabay tayo! Baka mamaya pag balik ko dito ay si Sisa na ang sanggang dikit mo! Hala sige, tayo dyan!" Natatawa akong bumangon. Hinayaan ko na lang na hilahin niya ako palabas ng kwarto.



Troy (COMPLETED)Where stories live. Discover now