Chapter Five

4.5K 96 2
                                    

From: Unknown Number

Pakiligpit 'yung mga laruan. Ayoko ng makalat.


What the?! Unknown sender. Iyon ang lumabs.Pilit kong tinignan ang numero pero walang lumalabas. Sinubukan ko rin na i-restart ang phone ko pero ganoon pa din.

Unti unting umusbong ang kaba at takot sa aking katawan. Posible kaya na kay Mr. Imported galing ang text message na iyon? Pero paano? Saan niya naman makukuha ang numero ko? At paano siya magkakaroon ng cellphone?! Sobrang moderno na ba talaga ng ekonomiya at hanggang sa kabilang buhay ay techy na rin sila? Ha! Baliw ka na, Marie.

"Tita! Punta tayo Mama ko." Hindi na ako nag dalawang isip na buhatin si Kurt at diretsong lumabas ng kwarto.

Nang madala ko na si Kurt sa Mama niya ay nakisali na lang ako sa mga pinsan ko. Hindi na sila naglalaro ng baraha. Nag ku-kwentuhan sila tungkol sa mga kababalaghan. Nasa kalagitaan ako ng pakikinig kay Leus ng biglang mag vibrate ang cellphone ko.


From: Unknown Number

'Yung mga laruan sa kama ko? Anong balak mong gawin dito?


Shet naman! Tinignan ko iyong kapatid ni Kurt baka siya iyong nag ti-text pero wala siyang hawak na cellphone.

Habang seryosong nakikinig ang lahat kay Leus ay kinalabit ko si Ann. Wala naman kasi akong malalapitan para mapagsabihan ng tungkol dito kung hindi si Jasper at Ann lang. Pero mas gusto ko na kay Ann na lang sabihin dahil sigurado ako na matatakot lang si Jasper.

"Ann."

"Oh?" Tumingin muna siya sa mga pinsan ko bago ibalik sa akin ang tingin niya. "Kanina pa kita tinitignan. Hinihintay ko lang na lumapit ka sa akin. Okay ka lang? Nakita mo ba siya ulit?" Umiling ako. Sana nga ay nakita ko lang, eh. Pero hindi eh! Mas malala pa!

"Garden." Pa-simple kaming tumayo at tumungo sa garden.


"Anong nagyari sayo? Bakit ganyan itsura mo? May dugo ka pa ba?" Natatawang tanong niya. 

"Kasi si Mr. Imported..."

"Anong ginawa sayo? Akala ko ba hindi mo nakita?"

"Hindi nga!" Sagot ko sabay bigay sa kanya ng telepono ko. "Basahin mo!"

"Put---!" Agad kong tinakpan ang bibig niya. Nang kumalma na siya ay dahan dahan kong inalis ang kamay ko. "Kanino galing 'to?"

"Huwag kang maingay!" Banta ko.

"Sorry... Pero kanino nga galing 'to? Bakit ayaw lumabas ng number? Saka anong ibig sabihin ng message na 'yan?" Naguguluhan na tanong niya.

"Sa tingin ko ay siya ang nag padala ng text na iyan." Kumunot ang noo niya. "Siguro ay sa kanya ang bahay na 'to at obviously ay kwarto niya iyong kwarto na tinutulugan nila Ate Lau."

"Ibang klase... Wow." Natatawa man ay ramdam ko pa rin ang takot sa boses ni Ann.

"Teka... Reply-an mo kaya, insan?" 

"Baliw ka ba?! Wala akong balak na makipag-textmate sa patay ano!" Mabilis na sagot ko na siyang tinawanan niya.

"Ito naman! Bilis na. Itatanong mo lang ang pangalan!" Nag-isip ako. Shet! Hindi ba ako mag mumukhang may tama sa utak nito?

"Go!" Pamimilit ni Ann. Wala na akong nagawa. Walang masama kung susubukan ko. All net text naman itong load ko pero ewan ko lang kung pwedeng ipang-text to sa kabilang buhay. Ugh! Mababaliw na ako!


To: Unknown Number

Sino 'to?


Nako! Mag reply ka. Huwag mo akong paasahin dahil sawang sawa na akong umasa!

"Shet, Marie nag reply!" Nagkatinginan kami ni Ann bago ko buksan iyong dumating na text message. Nangangatog na binuksan iyon...


From: Unknown Number

Troy.


Napalunok ako. Tinignan ko si Ann na nag hihintay na sabihin ko kung ano ang sinabi sa message. 

"T-troy daw." Saktong pagkasabi ko ng pangalan niya ay saktong napatingin ako sa pinto papasok sa loob at laking gulat ko ng makita ko si Mr. Imported na nakatayo doon at nakangiti ng nakakaloko. May hawak siyang cellphone. Inangat niya iyon at winagayway sa akin.

Ayokong mag mura pero tangina! Ginagago ba ako ng imported na kaluluwang 'to?!

Troy (COMPLETED)Where stories live. Discover now