Chapter Two

6.5K 101 0
                                    

Nag pahinga muna kami sa salas bago kami mamasyal. May kanya kanyang usapan ang mga pinsan ko at ganoon din kami ni Jasper.

"Seryoso ka nga, Ate? Nakita mo rin talaga? Eh 'di ba wala naman kayong nakita nila Ate Ann kanina nung tinignan niyo?" Nagugulahan na tanong ni Jasper. Pigil na pigil ang boses naming dalawa dahil sigurado na pagtatawanan kami ng mga pinsan namin kapag narinig nila ang usapan namin.

"Isang tanong pa! Sabing nakita ko nga." Natatawang sagot ko dahil paulit ulit iyong tanong niya. "Alam mo naman na patola din ako minsan'di ba? Saka na-curious ako kaya sinubukan kong tignan. Kinabahan ako nung may nakita nga akong lalaki at tama ka medyo masama nga siyang tumingin." Napahawak ako sa braso ko. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pag taas ng balahibo ko. 

"Sino ang kumuha ng kwarto na 'yon?" Tukoy ko kung saan namin nakita iyong lalaki kanina.

"Ang alam ko ay sila Ate Lau. Iyon kasi 'yung sumunod na maliit na kwarto. Sakto lang silang apat nila Kuya Will." Sagot ni Jasper. Si Ate Lau ay asawa ng kapatid kong si Kuya Will.

"Hala! Ate! Ate!" Sunod sunod ang pag tapik ni Jasper sa akin. Tinignan ko siya at hindi ko mapigilan ang matawa dahil dilat na dilat ang mata niya.

"Huy! Problema mo?" Natatawang tanong ko. Hindi siya sumagot pero panay ang pag sambit niya ng salitang 'Ate'. 

"Ate! Nandon na naman siya." Sinundan ko ng tingin kung saan siya nakatingin at laking gulat ko ng makita ko na naman 'yung lalaki kanina! Hinapit ko si Jasper at iniwas ang tingin doon sa hallway kung nasaan iyong lalaki. 

"Wag mo na lang tignan." Bulong ko. Mabuti na lang talaga at abala ang mga pinsan ko sa pag-uusap kaya hindi nila napansin na malapit ng maihi si Jasper dahil sa sobrang takot.

"Ano? Okay na kayo? Alis na tayo!" Aya ni Kuya Luigi.

"Wait! 'Yung jacket natin!" Tumayo si Ann at pumunta sa kwarto para kuhanin ang jacket namin. Nauna na kaming lumabas. Hinila ko agad si Jasper dahil baka tuluyan na siyang maihi sa shorts niya kapag nag tagal pa kami sa loob.


"May tao ba sa kwarto nila Ate Lau?" Tanong ni Ann nang nasa sasakyan na kami.

"Wala! Ang alam ko nasa garden sila. Nag lalaro si Kurt sa playground." Sagot ni Meryl.

"Talaga ba?" Takang tanong ni Ann. Tumango tango lang siya tapos ay tumahimik na.

"Okay ka lang, Ate Ann?" Tanong ni Jasper pero tumango lang ulit ito.


"Tawagan mo ako Marie kapag susunduin na kayo. Huwag na kayo masyadong mag pa-gabi. May bukas pa naman." Bilin ni Tito Ed.

"Opo, Tito." Sagot ko saka kami bumaba ng sasakyan.

"Dito kami sa kabila, Marie. Dito na lang tayo magkitakita mamaya ha? Text text na lang." Ani Kuya Luigi tapos ay umalis na sila.


"Ann are you with us?" Natatawang tanong ni Therese. Sabay kaming napatingin ni Meryl kay Ann na mukhang malalim ang iniisip.

"Ha? Oo naman. Let's go! Saan tayo?" Masiglang sagot niya.

"Kahit saan!" Sagot ni Therese. Kumapit siya kay Meryl at sabay silang nag lakad. Medyo nauna sila sa amin ni Ann. 

"Anong nakita mo?" Mahinang tanong ko.

"Ha?" Naguguluhang sagot niya.

"Sa kwarto nila Ate Lau." Tila nawalan ng kulay ang mukha niya sa tanong kong iyon.

"Wala!" Nauutal na sagot niya.

"Sa akin ka pa ba mag sisinungaling? Baka nakakalimutan mo na sanggang dikit tayo! Come on, Ann. Nakita mo ba siya? Wag kang mag alala. It's a triple tie!" Natatawang pahayag ko pero sa loob loob ko ay medyo kinakabahan pa rin ako.

Huminga siya ng malalim bago siya huminto sa pag lalakad at tumingin sa akin. "Kasi may nakita ako na lalaking lumabas sa kwarto nila Ate Lau. Sigurado ako na hindi si Kuya Will iyon dahil hindi naman blonde ang kulay ng buhok ng kuya mo."

"So nakita mo nga siya." Diretsang sabi ko.

"What do you mean?"

"It's a tripe tie, cous. Nakita ko rin. Iyon din iyong nakita ni Jasper kanina." Sagot ko. Pinaliwanag niya sa akin kung ano ang itsura nung nakita niya at sa huli ay nalaman namin na parehas nga kami ng nakita.

"Well, hindi ko masyadong nakita iyong mukha niya kasi medyo nakatagilid siya kanina pero sigurado ako na iisa nga lang talaga iyong nakita natin." Tumango ako lang ako. Tinignan ko sila Therese at ng makita ko na medyo malayo na sila sa amin ay inaya ko na si Ann na sumunod sa kanila.

"Wag muna natin isipin 'yon. Mag enjoy muna tayo." Tumango siya tapos ay tumakbo kami papunta kila Therese.


Okay? Tatlo na kaming nakakakita kay Mr. Whoever you are. So... Sino na kaya ang susunod?

Troy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon