Chapter 1

148K 2.9K 355
                                    

Chapter 1

"My brothers and sisters, to prepared ourselves to celebrate the sacred mysteries, let us call to mind our sins."

Halos bumagsak ang ulo ko pababa dahil sa antok na nararamdaman habang nakikinig sa sermon ng pari sa harapan na akala mo tumutula. But I was forced to unlock my eyes when I felt a painful pinch on my waist. Nakita ko si Mommy na nanglilisik ang mga mata habang nakatitig sa akin.

"Aray naman, Mommy!" reklamo ko.

"Listen to the homily, Tate!" she hissed lowly, her eyes almost mirrored the eyes of a female wolf.

I simply scratched my hair and pouted my lips. "Hindi ko na mapigilan, My. Antok na antok na po ako."

"That's what you get for par-"

"Mommy, tawag ka ni Father. Ang ingay mo raw." pagpigil ko na siyang ikinatahimik niya bago tumingin sa harapan. I had to do it and make her stop from talking. Nasa tabi ko si Cade at Kuya Tobias. Hindi ako puwede mabuking sa ginawa kong pag-pa-party kagabi dahil ang alam ni Cade ay nasa prayer meeting ako.

Nang makitang patuloy pa rin ang pari sa pagsasalita ay sinamaan ako ng tingin ni Mommy. I made a peace sign that earned a rolling eyes from her.

It's a hot Sunday morning. Tuwing sasapit ang araw na ito ay required ang pagsisimba naming lahat, even Cade. He's already part of the family according to Dad. Botong-boto sila rito kaya ganoon. Family day na rin kaya heto at kahit antok na antok ako ay wala akong choice kung hindi ang sumama sa kanila. Baka mawalan ako ng upuan sa langit kapag hindi ako sumimba ngayon. That man I had make out with last night isn't worthy of my absence today.

I heard a deep chuckle beside me. Nilingon ko ito at nakitang nangingiti si Cade habang nasa unahan ang paningin. He then looked at me when he felt me staring at him.

"Why is Tita so grumpy?" he whispered softly in my ear.

Umasta akong bubulong sa kanya dahilan para ilapit niya ang tainga niya sa akin.

"Malapit na siguro mag-menopause."

Cade chuckled even more that stole my brother's attention. Nasa akin agad ang paningin niya. He raised his thick brow up. Kapag ginagawa niya 'yon ay para kong nakikita ang batang version ni Daddy sa kanya.

May toyo na naman ata itong kapatid ko. Manang-mana sa mga magulang niya.

"You really are a bad ass, Tate." Cade mumbled.

Ngumisi ako. "I know. The very reason why you're so in love with me, right?"

His eyes twinkled as he looked at me. Matamis niya akong nginitian, mga ngiting naging kahinaan ko sa nakalipas na mga taon.

"Hmm, couldn't agree more. Mas minamahal pa nga."

The smile on my lips faded. Agad ko rin naman iyong ibinalik dahil baka makahalata siya sa biglaang pagiiba ng ekpresyon ng mukha ko. When he anchored his eyes on the altar, that's the moment I let the ice of smile melt into the fire of sadness.

Masuyo ko siyang tinitigan. His symmetrical face, aristocratic nose, cupid bow lips and almond brown eyes... It's the same feautures I have loved three years ago. Wala namang nagbago sa kanya. Siya pa rin naman iyong Cade na minahal ko noon... pero bakit sa akin, maraming nagbago?

Cade, how did you manage to stay in love with me throughout the long three years we've been here in this relationship? Puwede mo ba akong turuan? Gusto ulit kitang mahalin pero bakit parang hindi ko na mahanap dito sa puso ko? Bakit parang hindi ko na kaya? Saan ko naiwala? Posible bang mahanap ko pa ulit 'yon?

Monasterio Series #3: One More Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon