Chapter 30

75.9K 2.1K 371
                                    

Chapter 30

I watched how a professional gay friend blower my hair through our mirror reflection. Bahagyang tumaas ang kilay ko, may kalakip na pagkamangha matapos makita ang magandang kinalabasan ng aking buhok.

From being plain straight hair, the tip ends is now semi digitally permed. Brown pa rin ang kulay nito ngunit nahahaluan na ng ash blonde highlights. For me, it defined my pearly complexion even more.

"You look bitchier now, Tate. Para kang sasabak sa giyera." saad ni Kelsey, iyong kaibigan kong bakla. Sa tuwing magpapaayos ako ng buhok ay dito sa salon nila ako lagi dumidiretso. I've been a regular customer of them. Naging kaibigan ko na rin ang karamihan sa staff nila.

Ngumisi ako. "Panglaban na panglaban na ba?"

"Yes naman, dear! Tinalo mo pa si Jessica Alba sa ganda at sex appeal mo!"

She's now settling my hair into its final style. Mula sa repleksyon ay sinulyapan ko si Kuya Tobias na nakapalumbaba habang nakatitig sa gawi ko. He looks bored and sleepy and that made me smirk. Nang makitang nakatingin ako sa gawi niya ay itinuro niya ang wrist watch niya. Nag angat lang ako ng kilay bilang pagsang-ayon.

We will be attending a birthday party tonight. Kaming lahat ay dadalo roon kaya naman naisipan kong magpaayos na lang kesa ako ang magayos sa sarili ko.

"Sobrang gwapo talaga ng kuya mo, ano? Masungit nga lang. Kung hindi ko nakita iyan nung isang araw na may kasamang babae, iisipin kong ka-pederasyon namin siya."

Those words from Kelsey stole my attention. Tiningnan ko siya sa salamin habang abala siya sa paghagod ng aking buhok gamit ang kanyang daliri.

"You saw him with a woman? Ano itsura?" tanong ko, si Alexi agad ang nasa isip.

"Oo, naglalakad sila sa third floor. Hawak niya pa nga sa bewang iyong babae. Hindi ko masiyado natitigan pero maganda at matangkad rin, hindi kayo nagkakalayo pero mukhang anghel ang dating ng isang iyon. Demonyita ka kasi!" Humalakhak siya.

Natawa ako, sang ayon naman sa sinabi niya. Besides, most of the people I know describe me as a beautiful evil woman. Wala naman akong ibang pagmamanahan kung hindi sa mga magulang ko na parang laging mga bampira na nagtatago sa dilim. Even my brother. If you would just imagine him wearing a black cloak with long sharp fangs, you'd think that he's a handsome vampire.

"Kelsey saw you with someone the other day, Kuya. Is that Alexi?" tanong ko nang nasa kotse niya na kami pauwi.

Mommy is already bombarding me with texts and calls, asking us where we are right now. Dalawang oras na lang kasi ay aalis na kami pero heto at nasa labas pa kami ni Kuya. Hindi ko alam bakit sinamahan niya ako ngayon. Knowing him, he easily gets bored. Basta ang sabi niya ay wala naman siyang gagawin. He even offered himself to be my driver today.

"No. Alexi is already in Paris two weeks ago." he said, face void of any emotion.

"Uy, alam na alam!" Humalakhak ako. "Kayo na ba ulit? Pero kung kayo, bakit may kasama kang iba nung isang araw?"

He glanced at me, quick and dark. "That's what you get for always being with Monasterio. You're starting to get nosy."

I rolled my eyes at him and stared at the view outside. "Haven't communicating with him for quite awhile, kuya."

"What happened?"

"Uh, set up done, I guess?" I chuckled.

"What set up, Tate?"

"Friends with benefits."

"I am not liking the words that are coming out of your lips, Tatiana." he said with a hint of warning through his raspy voice.

Monasterio Series #3: One More Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon