Chapter 31

74K 2.2K 393
                                    

Chapter 31


Binagalan ko ang pagmamaneho ng aking sasakyan sa kabila ng kaalamang wala namang traffic at maluwag ang kalsada. Daig ko pa ang nagmamaneho ng karo ng patay dahil sa sobrang bagal ko. I was looking at the view ahead of me, listening to some metallic music while mind floating like a fat balloon.

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung mamagitan sa amin ni Zadriel ang nakakawindang na usapan na 'yon, kung saan sinabi niyang mahal niya ako. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang utusan ang isip ko na huwag nang balik-balikan iyon. It's such a damn distraction!

Nung unang beses niyang sabihin na gusto niya ako, nagawa ko iyong baliwalain dahil marami naman ang ibig sabihin ng salitang iyon. He could like me for the pleasure I was giving him or simply because he likes me. But telling right in front of my face that he's in love with me was indeed different. Hindi ko magawang tanggapin... kahit gusto ko.

Aaminin ko, gusto kong maniwala. Gusto kong sumugal, gusto kong sabihin na maaari ko siyang hintayin na makagawa ng paraan hanggang sa makawala siya kay Diarrhea pero sa tuwing maiisip ko kung gaano ka-sensitibo ang sitwasyon nila, mas nananaig sa akin ang umatras.

Gaano ko man ipamukha sa kanya na wala siyang mapapala sa akin... na hindi ako magkakaroon ng nararamdaman sa kanya... alam ko sa sarili kong ako mismo, ay nagsisinungaling na.

Maybe I'm looking for his presence most of the time. Maybe I'm starting to miss his sense of humor, his vulgarity and playfulness. Worst is, maybe I'm starting to feel something for him, too.

The thing is... we don't feel the same way. Gusto ko siya, maaaring mas higit pa roon. Pero hindi iyon sapat para manira ako ng relasyon lalo na sa kabila ng kaalaman na may isang taong handang kitilin ang buhay niya huwag lang siyang iwan.

It's better to step back and stay away no matter how tempted you are rather than let your conscience eat you by knowing that someone out their has tried to kill herself because of your selfishness.

Isang malakas na busina ang pumutol sa paglalayag ng isip ko. Nang tumingin ako sa aking gilid ay nakita ko ang isang pulang sasakyan na halos sabayan na ako sa tempo ng galaw ko. The drivers seems to be irritated. Panay ang busina nito, marahil ay nababagalan sa akin.

Puwede naman kasing mag-over take na lang. Bakit hinihintay pa ako? Shunga rin, e.

I ran the window down, rolled my shades upto my head and showed him my middle finger. With that, I stepped the gas pedal and drove as fast as the car could.

Nakarating ako sa bahay ni Maica hindi kalaunan. It's her fiance's birthday today and she invited me for a house party. Nagpaalam ako kela Mommy at sinabi ang totoong rason, na maaaring dito na ako makatulog kung tatamaan masiyado ng alak. Pumayag naman, ang importante sa kanya ay nasa bahay ako ng kaibigan at hindi kung saan-saan lang.

"Am I late, bitches?" I asked as I entered the pool area where the visitors are.

Halos puno na ang buong kabahayan, mayroon sa mismong bahay at mayroon rin sa garden. Karamihan ay hindi ko kilala, malamang ay kaibigan ng mapapangasawa niya.

I don't know much about Maica's fiance. All I know is that he's a businessman, a restaurant owner that owns several branches here in Luzon and a typical rich boy, too. Isang beses pa lang kami nagkaroon ng tsansa makasama iyon dahil medyo busy sa sariling negosyo.

This occasion is a good chance to know him better. Sakto rin dahil sa susunod na linggo ay aalis na si Amaris para magbakasyon muna sa isang isla sa Visayas. Bonding na namin. My social life will be a bit boring now since we'll be incomplete in no time.

Monasterio Series #3: One More Night Where stories live. Discover now