Chapter 26

68.7K 2K 479
                                    

Chapter 26

"Why are you here? Paano mo nalamang narito ako?"

Sa kabila ng mabilis na tahip ng aking dibdib ay sinikap kong magmukhang matapang sa harap ni Cade. He's eyeing me sharply, his eyes hold strong anger and total darkness for me.

Hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng kaba sa presensiya ni Cade kahit pa alam ko naman na hindi dapat ako makaramdam noon dahil tapos na kami. Nga lang, ang pagkakabilang ng presensiya ni Zadriel kasama ko ay pagtitibayin lang ang dahilan na mayroon siya sa kung bakit ako nakipaghiwalay sa kanya.

He will just think that I really broke up with him because I have someone else.

Cade didn't say anything. He remains sitting on the couch as he threw dagger looks at me. Sa sobrang tahimik ay tanging ang tunog lang ng orasan ang maririnig. Pakiramdam ko tuloy ay nasa isa akong paghuhukom at ako ang nasasakdal.

"Paano ka nakapasok rito sa kwarto ko?" tanong ko matapos ang ilang sandali at naupo sa couch sa harapan niya.

My eyes silently went to Zadriel. He's leaning against the wall near the main door, staring intently at me like a great medieval warrior patiently waiting for my order.

"So, I'm right all along, huh?" Cade started, his voice was lace with sarcasm and wrath. "Kailan mo pa ako niloloko?"

Natawa ako, puno rin ng sarkasmo. "Niloloko? May I just remind you that we're already done, Cade. Kung sino man ang kasama ko ngayon, wala ka na roon-"

"Yeah? And you dared to feed me that shit? Sa tingin mo maniniwala ako, Tatiana? You've been fooling me even before we're still together! At dito pa talaga sa gagong ito?"

Nilingon ni Cade si Zadriel, nanglilisik ang mga mata. I anchored my gaze on him too and saw the calmness behind the storm through his eyes. Nakikipagtitigan siya kay Cade, tila ba baliwala lang sa kanya ang presensiya ng dati kong karelasyon.

"Monasterio, huh? You chose to break up with me because of this asshole? Sa lalaking may ka-relasyon pa talaga, Tate?" He chuckled mockingly. "What are you now? A fucking paramour?"

Hindi ako nakasagot sa ibinatong iyon ni Cade. I feel like somehow, he's right. He can call me paramour or even worse than that and I won't complain. He's partly true anyway. Para na rin akong kabit ni Zadriel. Nga lang, wala naman kaming relasyon. Wala akong nararamdaman para sa kanya.

Tumayo si Cade, huli na nang mapagtanto kong nakalapit na siya kay Zadriel at nasa mismong harapan pa nito. Mabilis akong napatayo nang makita kung gaano kasama ang titig nito kay Zadriel.

"Ano ba ang nakita mo sa gagong ito para maisipan mo akong hiwalayan, Tate? What does this asshole have that you chose to leave me-

"This asshole is ten times richer than you, moron. Just in case you don't know." Zadriel let out a self-satisfied smirk.

I secretly rolled my eyes. Hambog rin talaga ang isang ito.

Naningkit ang mga mata ni Cade. "My Tatiana isn't after the money-"

"Yours?" Zad chuckled. "It's game over, man. She's not yours anymore. You're not gonna win her back," he grinned devilishly. "Won't let that happen."

Kasing bilis ng kidlat na nagpakawala ng suntok si Cade na agad namang naiwasan ni Zadriel dahilan para tumama ang kamao nito sa pader.

"Cade!" sigaw ko at mabilis naglakad sa gawi niya. I glanced at Zadriel and he just shrugged his shoulders like he didn't do anything.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit kay Cade ay nakapihit na ito kay Zadriel. Zadriel who's still looking at me didn't expect the punch that's about to come in his way. Nanglaki ang mga mata ko nang marahas na tumama iyon sa pisngi niya!

Monasterio Series #3: One More Night Where stories live. Discover now