Chapter 38

85.8K 2.5K 600
                                    

Chapter 38

"Kailan ka naman babalik, aber?" tanong ni Vanya habang inaabangan namin ang pagdating ng susunod na train.

I am bound to Zurich again. Tinatawagan na ako ni Lola Valerie at pinapauwi dahil masiyado na raw akong nagtatagal dito sa Lauterbrunnen. Ayaw ko man ay ayokong suwayin si Lola. She can be really strict sometimes, lalo pa ngayong may edad na talaga siya.

Ngumiwi ako sa kaibigan. "Hindi pa nga ako nakakaalis, pagbalik na kaagad ang tinatanong mo. At saka, puno naman na refrigerator at cabinet mo, ah?"

Bahagya niya akong hinampas sa braso. "Gaga! Siyempre mamimiss na naman kita. Mamaya niyan matagal na ulit bago ka makabalik dito."

"Wala pa akong balak umuwi ng Pinas, Vanya. Baka nga next week lang ay narito na ulit ako. You know how I easily I get bored when I'm in Zurich."

"Well, just in case lang naman..." she shrugged her shoulders.

I raised my eyebrow a bit and glanced at her. "Just in case what?"

Umiling siya sabay ngiti sa akin. "Ayan na pala ang tren!"

I stared at her for a long while before I heard the horns calling all the passenger's attention. Nilingon ko iyon at nakitang papalapit na rin ito sa gawi namin. I grabbed my pink duffle bag and stepped forward. Nilingon kong muli si Vanya.

"I'll go ahead. FaceTime na lang."

She smiled. "Take care, Tate. Love you!"

Malawak akong ngumiti sa kanya. "Love you."

Huminto ang tren, bitbit ang bag ay sumakay na ako. Hindi gaano karami ang bakante kaya naman ang pwesto sa pang-tatluhang upuan ang napili ko. There's a white girl sitting in the middle. Ang upuan ss tabi ng bintana ang napili ko dahil mukhang wala naman siyang balak umusod. She's busy fiddling with her phone while earphones on.

As soon as I settled myself on the seat, I let my eyes wander at the views outside as the wind blew softly against me, making my hair dance.

Tinungo ko ang aking bag at binuksan iyon. I grabbed the case of my airpods and placed it on my ear. Opening my Spotify account, I played my playlist and anchored my eyes outside again.

Ilang metro pa at huminto muli ang tren sa isang istasyon. There are passengers already waiting outside. Dahil kumpulan ay inalis ko na ang tingin ko roon.

I closed my eyes and tried to focus on the music lingering in my ears. Ilang sandali pa at naramdaman ko ang pagpapatuloy ng tren sa pag abante.

Closing my eyes for nearly thirty minutes, I was forced to unlock it when I felt the woman beside me moving a lot. Parang hindi mapakali, parang pusang hindi mapaanak. With brows furrowed together, I glanced at her. Ngunit imbes na sa kanya mapatingin ay sa katabi niya nagawi ang mga mata ko.

My eyeballs almost popped out of their sockets when I saw Zadriel sitting beside the woman! Napatuwid ako mula sa pagkakaupo, kunot na kunot ang noo habang pilit kinukumbinsi ang isip na baka namamalikmata lang ako!

Pero hindi! Those thick brows and long eyelashes are the proofs that it's really him! Pinupunasan niya ang sleeve ng trench coat niya habang ang babae ay tinutulungan siya. Base on the bottled water the woman is holding, it looks like she accidentally spilled the water on Zadriel.

Tinanggal ko ang airpods ko dahil halata ang paguusap nila.

"I'm sorry. I'm really sorry! Oh my gosh." the woman hysterically uttered through her german accent.

"It's alright. This will eventually dry." sagot ni Zadriel, may ngiti pa sa labi na para bang baliwala lang talaga ang pagkakatapon ng tubig sa coat niya.

Monasterio Series #3: One More Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon