Chapter 36

76.2K 2.2K 365
                                    



Chapter 36

It has been a difficult and terrible months for me. Pakiramdam ko, para akong dumaan sa mga batong puno ng tusok at wala ni isang proteksyon sa paa na puwede man lang magamit. Despite of that, I still managed to walk through that hardship life had given me while holding my head up high.

Hindi ako pinabayaan ng pamilya ko. The moment Dad asked me to leave the country, I was first hesitant to follow him. Pakiramdam ko hindi ko kaya, pakiramdam ko hindi ako handa. Pero seeing the fear in their eyes that time that I might go through something worst, that I might not have the courage to face it made me go with their decision.

Pero tama lang pala na sumunod ako sa kanila. Tama lang pala na nilisan ko ang bansang iyon nang hindi na nagaaksaya pa ng oras. My name spread all over the social medias, tabloids and news like a wild fire. Hindi kaagad naawat, naawat man pero huli na.

I was the talk of the town for almost a month. Marami ang naawa, pero mas marami ang hinusgahan ako. I had a scandal with someone who's in a relationship and that's something people would never understand. Naiintindihan ko 'yon. I was wrong on that part, never I will be right.

Nga lang, hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin ako tanggapin na ang lalaking natutunan ko nang mahalin ay siya rin dahilan para malagay ako sa lubid ng kahihiyan.

"Grabe rin pala ang dinanas mo, ano? Kaya pala pamilyar ka sa akin nung una kitang makita at makilala sa Zurich. Nahihiya lang ako magtanong sa'yo. Nung nalaman ko 'yong pangalan mo, saka lang ako nakasiguro na ikaw nga 'yon." pag amin ni Vanya, isang kaibigan na nakilala ko simula nang manirahan ako sa Switzerland.

Tahimik akong napangiti. I remembered our first meeting. I was sitting on a bench, watching some people walking past me when Vanya suddenly sat beside me. Unang kita ko pa lang sa kanya ay alam ko nang Pinay siya. She's crying that time while fiddling with her phone, gigil na gigil at halata ang galit sa ekpresyon ng mukha niya.

Little did I know that she's having a quarrel with her boyfriend that time. Nagpunta siya ng Zurich para bisitahin iyong nobyo niya pero hindi naman siya sinipot.

"You need a handkerchief, Miss?" I asked while watching her tears continuesly flowing down from her eyes.

Nilingon niya ako, panay ang hikbi. "Mayroon ka ba? Pahiram muna."

Mula sa trench coat ko ay kinuha ko ang kulay kahel na panyo at iniabot sa kanya. She grabbed it, lips suddenly puckered in a frown. 

"Hermès pa talaga? Wala ka bang good morning towel diyan? Nakakahiya naman kung sisingahan ko lang."

Natawa ako.

"Huwag kang mag-alala, sa tiangge ko lang naman nabili iyan. Imitation." pagbibiro ko sabay kindat sa kanya.

Muli siyang ngumuso, ang mapulang labi ay kasing kulay na ng kanyang ilong. Suminghot siya at ipinahid ang panyo sa mga mata niya sabay singa. Lihim akong napangiwi.

"Salamat. Lalabhan ko na lang," Nagpatuloy siya sa pagpipindot sa cellphone niya. "Buraot talaga 'tong boyfriend ko. Nag effort pa akong bumiyahe mula Lauterbrunnen hanggang dito tapos sasabihin niyang busy siya! Nadimunyu siya!"

I laughed at her last word. "Is that far from here?"

"Hindi naman. Two hour train ride lang pero malayo pa rin," nilingon niya ako. "Turista ka ba dito?"

Nagkabit balikat ako at itinuon ang atensyon sa harapan. "You can say that. Not really familiar here but I'm still trying."

She didn't answer right away. It's seconds later when I looked at her and found her staring at me. Agad rin naman siyang nag bawi ng tingin sa akin.

Monasterio Series #3: One More Night Where stories live. Discover now