2

516 17 0
                                    

Sana's P.O.V

"Lady,please wake up, andito na tayo" narinig kong utos ni Sir Namjoon, pero hindi ko parin minulat mata ko dahil inaantok pako "5 more minutes!" Irita kong sambit.

"5 more minutes and aalis na tong bus sasama kaba sakanila Ms.Minatozaki?" tumayo naman ako at inayos ko na mga gamit ko, hindi naman napigilan ni Sir Namjoon ang tawa niya "S-sorry sir" sabay bow ko, tumayo naman siya at bumaba na ng bus.

Ako nalang pala mag isa sa bus, nakakahiya.

Pagbaba ko ay nakita ko si Nayeon at Mina na buhat ang gamit nila sabay kaway sakin, kaya linapitan ko sila.

"Yahh!Bat hindi niyo ako ginising?"

"Kanina kapa namin ginagising unnie~" pang aasar ni Mina.

"Ganun na ba ako ka matika matulog?" Tanong ko sa dalawa tumango naman sila ng sabay kaya inirapan ko sila.

"Ok guys, pumunta kayo sa room 67 wag kayo masyadong maingay dahil sa room 68 may mga taga JYP university doon. Dahil nasa lugar tayo nila, sana maging marespeto kayo" tumango naman kaming lahat sabay sabing "Yes sir!"

Nag lakad na kaming tatlo at hinanap yong room 67, medyo malapit na yata kami kasi room 55 na to, ilang minuto lang ang lumipas ay nakita na namin yong room 67, bago ako lumapit sa pinto ay may nakita akong matanggkad na babae sa room 66, maganda siya at maputi, nalove at first sight na ata ako!

"Hoy!" Natauhan ako ng tapikin ako ni Nayeon unnie, "ok ka lang? Maganda bako masyado? At natulala ka nanaman?" Tinignan ko lang siya ng parang nandidira sabay tawa "Tara na nga!"

Nayeon's P.O.V

Pag pasok namin ay nakita kong nakangiti si Mina, hindi ko alam pero iba yong ngiti niya ngayon, parang yong ngiti niya last meet, siguro excited lang siya, kaya hinayaan ko nalang.

Nakita ko namang lumabas si Sana kaya sinundan ko siya.

"Sana!" Sabay lingon niya.

"Yep?"

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sakaniya, sinenyasan niya naman ako na lumapit sakaniya kaya lumapit ako sakniya.

"Oh bakit?" Nginitian niya naman ako sabat turo sa room 66.

"Kita mo yon? Yong matangkad? Ang ganda niya diba?" Tinignan ko naman kong sinong tinuturo niya, isang matanggkad na babae ang nasa pinto ng room 66 ngayon.

"Kita mo yon? Yong matangkad? Ang ganda niya diba?" Tinignan ko naman kong sinong tinuturo niya, isang matanggkad na babae ang nasa pinto ng room 66 ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Aishh! Nakahanap ka nanamn Sana" tumawa naman siya sabay tingin ulit sa babae, napansin kong parang nag papractice siyang parang may hawak na pana.

"Archer siya, thank me later" sabay balik sa room namin, liningon ko si sana na ngayon ay may malaking '?' sa mukha niya, kahit kailan talaga ang slow niya!

Bago ako makapasok sa room ay napadaan ang mata ko sa room 68 na sinabi kanina ni sir na may taga JYP University doon, may nakita akong babae, tumatawa siya ngayon habang kausap ang isang babaeng nasa harap niya na mas maliit sakaniya, ayon sa nakikita ko inaasar niyo yong babae dahil sa height, naka upo yong babaeng inaasar niya habang siya nasa likod ng babae

The Athletic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon