33

221 10 2
                                    

(SIX DAYS LATUR)







Tzuyu's P.O.V

Halos mag iisang linggo na din simula ng mangayare lahat ng yon.. ano yon? Yong nalaman naming ikakasal yong kaibigan namin sa taong hindi nila mahal at nalaman namin na si Chaeyoung yong pinaampon ng mama ni Jeongyeon noon.

At mag iisang linggo na din kaming hindi nakakapag usap ni Sana. I miss her so bad, pero bawal eh, mag hihintay pa ako ng ilang months :( Halos hindi na din ako lumalabas ng bahay or ng kwarto ko, saka lang ako lalabas pag papasok na ako sa school, ang daming nag checheee saamin sa school kasi nanalo ako, nanalo kami ni Dahyun, pero parang kulang padin talaga ako kasi wala si Sana.

"Anak?" Bumukas naman ang pinto at pumasok si Eomma, medyo wala akong ganang makipag usap sakaniya pero anong magagawa ko? Nanay ko siya.

"Napapansin ko simula ng umalis ka galing meet hindi kana lumalabas ng bahay, sabi din ng adviser mo saakin palagi kang tulala sa klase niya at bakit muntik kana daw bumagsak sa test niyo sa math? Anong nangyare baby?" Hindi naman ako nag salita, ni hindi nga ako gumalaw sa pwesto ko eh. Ayaw ko ng kausap ngayon, not now.

"Nothing, Eomma. Pwede bang iwan mo muna ako? Gusto ko lang mapag isa." Umupo naman siya sa kama ko, pero hindi parin ako gumagalaw sa pwesto ko. "Anak, pumapayat kana, gusto mo bang bumalik sa taiw-"

"Ayan yong problema eh! Basta ganito ako puro ka Taiwan! Ano bang sinabi ko?! Ayaw ko doon! Mas nasasaktan ako pag nakikita ko yong mga ala-alang iniwan ni Appa!" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko, nasigawan ko na si Eomma. Nakita ko namang umiiyak na siya, "Mianhae... Eomma."

"Tzuyu, Alam kong masakit padin pero kailangan mong mag move on, kailangan nating mag move on ok? So please eat your lunch, bukas Friday na. Bakit ka ba kasi hindi pumasok ngayon?" Wala na talaga akong ganang mag aral, pero ngayon ko lang naisipang mag absent.

"Don't talk to me muna Eomma please."

"No, gagawin ko lahat please kumain ka lang. Bumalik kana sa dati namimiss ko na yong dating Tzuyu na nang iingay dito sa bahay, Just please anak.."

"You want me to be happy?"

"Yes anak."

"Then why? Bakit mo inilayo sakin yong Happy Pill ko?"

Hindi naman siya nag salita, alam ko namang hindi niya padin tanggap si Sana dahil Minatozaki siya, ako tanggap ko ng papa niya yong pumatay sa tatay ko. Kasi wala naman siyang kasalanan.

"Ok then.. kong si Sana lang ang makakapag pabalik sa dati, im willing to forgive her."

Umupo naman ako at tumingin sakaniya, "Eomma?"

"Yes anak, you can talk to her, you can love her, pwede mo siya ulit dalhin dito sa bahay, as long as masaya ka anak, masaya na din ako." Niyakap ko naman siya, sana matagal na niyang narealize toh.

"Thank you Eomma..."

Tumango naman siya at niyakap ako pabalik, "Sige na papasok na ako, i eexcuse nalang kita ok? Pero promise me na papasok ka sa Monday ok?"

"Eh? Friday bukas?"

"Diba sabi mo kasal ng Friend mo? Kaya inexcuse na kita para tommorow."

Oo nga pala ikakasal na si Mina at Jeongyeon bukas....

"Thank you Eomma!"

Isinara na niya ang pinto at naiwan nanaman ako doon, pero ngayon hindi ko na nafefeel na mag isa ako, biglang bumukas ang pinto. "Oh almost forgot, your phone. Call her now, alam kong miss mo na siya."

The Athletic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon