6

364 10 0
                                    

Jeongyeon's P.O.V

"Nag fir-" hindi ko na natuloy yong sasabihin ko ng tumalikod na si Jihyo at tumakbo palayo. Kahit kailan talaga hindi siya marunong kag hintay, palagi nalang siyang aalis na hindi pinapatapos ang sasabihin ng mga kausap niya, medyo sanay naman na ako kasi matagal ko na siyang kasama, matagal ko na siyang kilala, at matagal na niyang alam yon pero masaya ako dahil mag kaibigan padin kami ngayon imbis na layuan niya ako. Ayukong umasang ganun din ang nararamdaman niya kaya Hindi ko na inisip muna yon sa ngayon.

Habang pinag mamasdan ang papalayong jihyo, nakita ko si Nayeon na naka tingin kay jimin sa di kalayuan.

"Hoy dahan dahan sa pag tingin kay Jimin baka tumanggkad siya" pang aasar ko sakaniya, tumawa lang siya at pinalo ang balikat ko ng medyo masakit naman hindi ko na itatanggi.

"J-jimin ba kamo? Hindi ko siya kilala."

"Siyempre ngayon lang naman siya naka sali sa meet, hindi naman sa pag mamayabang, pero hindi pa siya kasing galing ko, dahil kasisimula nya lang" tumango naman siya pero naka tingin padin sa direksyon ng pandak.

"Gusto mo bang ilakad kita sakaniya?" Nakita ko namang namula ang pisnge niya, awe ang cute pero hindi ko alam kong bakit kumikirot sa bandang dibdib ko, pagod lang siguro ako.

Habang patuloy padin ang titig ni Nayeon kay Jimin, naalala ko yong itatanong ko dapat ka Jihyo bago siya umalis, nakalimutan ko na dahil sa pag iisip at pang aasar kay Nayeon.

"Ah Nayeon-Unnie, dito ka muna titignan ko lang yong billboard sa tabi ng mga mcee, kailangan kong tignan kong anong place ni jihyo, dito ka muna wag kang aalis", hinintay ko lang siyang tumango at umalis na.

Tumakbo ako papuntang billboard, nag salubong naman ang kilay ko ng makitang kong andami ng naka paskil doon, madami na din ang natapos na laro, kaya medyo mahihirapan akong hanapin kasi medyo hindi pa sunod sunod yong mga sports na andito, habang hinahanap ko yong 200 m dash nakita ko ang pangalan ni Tzuyu at Dahyun sa archery, parehas silang first pero mag kaibang categories sila yong kaibigan ni Chaeyoung simula bata, naalala ko kong paano ko sila nakilala, susurpresahin sana sila ni Chaeyoung nung araw na yon kasama siyempre ako, nag papractice sila noong nang yari to, dahil siguro nagulat ko sila, sakto namamg hawak ni tzuyu yong pana niya at naka load na handa ng bitawan kahit ano mang oras, pero nong nagulat ko sila ay naitutuk sakin ni Tzuyu yong pana't palaso maswerte ako dahil jacket ko ang tinamaan, nong araw din na yon iyak ng iyak si Tzuyu sorry siya ng sorry.

Ang saya ng araw na yon, nakilala ko sila, ang bago kong kaibigan... Bago kausap, at kwentohan pero hindi palagi dahil sa SM university sila mag aaral.

Ilang segundo pa ang lumipas at nahanap ko din kong nasan yong 200 m dash, inuna kong tinignan ang first place dahil alam ko namang pangalan niya ang ma ipiprint sa pangalan na yon, pero nagulat ako ng hindi ko nakita ang pangalan niya, natakot ako sa kong anong mangyayari sakaniya.

Hindi na ako nag isip pa ng iba at tumakbo papunta sa room namin, alam ko ang mangyayari pag hindi siya na punta sa first place, kilala ko siya, kilala ko kong sinong tatay niya, alam kong papatigilin siyang tumakbo.

Hindi ko hahayaang mangyari yon, hindi ko hahayaang ilayo siya kong saan siya sumasaya, naging buhay na niya ang pag takbo, naging buhay na namin....

Malapit na akong makarating sa room ng nakita ko si Sir Bambam, tumakbo ako papunta sakaniya kailangan ko siyang kausapin. Tumakbo ako papunta sakaniya at lumuhod wala akong pake kong mukha akong tanga pero...

JY:"Sir Jebal , don't, nag mamakaawa ako, mahal ni jihyo ang larong ito, hindi niya kayang iwan nalang basta basta tong larong ito, S-sir..."

Hindi ko na napigilan ang luha ko, umiiyak ako ngayon habang naka luhod, ayaw kong makita si Jihyo na hindi ginagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin, ayaw kong makita siyang malungkot dahil hindi niya magawa ang mga bagay na hilig niya, Hindi ko kaya...

BM:"J-jeong..."

Hinawakan ko ang jacket niya, alam ko kong sinong nag design non, alam ko kong kaninong kaalaman yon, alam kong si Jihyo ang nag design ng Jersery niya... Pero bakit hindi niya maipakita sa anak niya ang totoo?!

BM:"Bitawan mo ako Jeong!"

JY:"Sir, alam kong mahal mo siya, alam kong ayaw mo siyang nakikitang malungkot kaya sir, parang aw-"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng tuluyan niyang natanggal ang kamay ko sa jacket niya, nag lakad lang siya papalayo sakin, tinitignan ko siya at wala akong magawa kundi umiyak, sana mag bago ang isip niya...

~

Pagkatapos kong tumahan ng kaunti ay nag simila na ulit akong mag lakad papunta sa room, gusto kong yakapin si Jihyo, alam kong pinagalitan nanaman siya...

Pero nagulat ako sa nakita ko...

Yakap niya si Daniel habang umiiyak, nasasaktan ako tuwing nakikita siyang umiiyak, pero mas nasasaktan ako pag mag kasama sila... Nasasaktan ako.

Pinanood ko lang kong paano umagos ang luha ni Jihyo sa balikay ni Daniel, Hindi ko na kinaya ang sumunod na nangyari..

Nag salubong ang mga labi nila, hindi ako makapaniwala.. sinira niya ang tiwala ko, hindi niya tinupad yong mga pangako niya...

Tumalikod na ako at nag simulang mag lakad papalayo, tumaas ang balahibo ko ng marinig ko ang pangalan ko "Jeong..." Mahinhin na tawag ni Jihyo, ang lamig sa tenga hindi ko kayang lumingon, hindi ko kayang tumingin... Ayaw ko siyang makita.

"Jeongyeon!!" Sigaw niya at narinig kong tumakbo siya, alam kong hahabulin niya ako pero hindi ko siya nilingon, ilang segundo ay naramdaman kong may yumakap sakin mula sa likod.

JH:"Jeongyeon, S-sorry n-nadala l-lang a-ko n-ng e-emosyon k-o, sorry"

JY:"Nangako ka, at ang tanga ko, dahil naniwala ako sayo, alam mong mahal kita, alam mong gagawin ko ang lahat para sayo, akala ko ba hintayin kita? Hanggang sa handa kana?"

Pinilit kong kumawala sa yakap niya, ayaw ko siyang makita...

~~~~

Mweeeeee, ang bilis talaga yata ng pang yayari hahaha ewan basta enjoy kong may typo aayusin ko nalang kong may gana ako.. sorry sa mga typo.

-A

The Athletic LoveWhere stories live. Discover now