3

455 13 3
                                    

Nayeon's P.O.V

"Unnie~ tara nood tayo" sabay hila sakin ni Minari, kita mo talaga yong ibang ngiti sa mata niya, imposible namang may kaibigan na siya eh hindi ko pa nga siya nakitang lumabas ng room.

Naka rating na kami kong saan gaganapin yong takbuhan at iba pa sa Track and Field, habang naka upo ako na bored ako kasi hindi pa nag sisimula.

"Sandali babalik muna ako sa room" tumayo naman ako at hindi na hinintay ang sasabihin nung dalawa.

Pag dating ko dun ay umupo muna ako sa bench dahil mainit sa loob, ayaw ko pang mamatay, ayaw kong mabawasan ang magaganda sa mundo.

Pinikit ko mata ko at nilasap ang sariwang hangin may naramdaman akong papalapit sakin kaya pinulat ko mata ko.

Siya yong kanina sa room 68...

Umupo siya sa tabi ko "annyeonghaseyo!" Nagulat naman ako ng makita ko siya, parang kanina tinitignan ko lang siya sa malayo tapos ngayon katabi ko na.

"Bakit ka mag isa dito?" Tanong niya naman sakin, halata bang namumula ako? Sana hindi sabi ko sa isip ko.

"Uh wala lang, pumunta na kasi mga kaibigan ko sa mag uumpisa ng race, dahil medyo mamaya pa naman bumalik ako dito" tumango lang siya at tumingin na ulit sa iba, ene be ako nalamg tignan mo, dejowk ano ba nayeon kahit ano ano iniisip mo!

"Eh ikaw? Diba tatakbo kana? Bakit ka pa andito?" Tanong ko naman para hindi tahimik "Nehh~ 100 cm dash palang, 400 cm dash ako". Sabi niya sabay tingin sakin pero sandali lang, sana matagal. Sana ol matagal!

Tumahimik nalang ako dahil wala na akong ibang masabi sakaniya, yumuko nalang ako at nag iisip kong anong pwedeng itanong sakaniya pero nag salita na siya...

"Ah Yoo Jeong Yeon nga pala" inabot niya naman kamay niya sakin,kinuha ko naman iyon at nag shake hands kami, "Im Na Yeon". Sabay ngiti ko.

"Saan ka nga pala nag aaral?" Tanong niya ulit, nginitian ko naman siya at sinagot ang tanong niya "YG University"

"Yong mga kasama mo ba kanina kapatid mo?"

"Ah hindi, si Sana At Mina yon, kaibigan ko lang sila at sa iisang dorm lang kami naka tira, ang swerte nga eh, mag kakaibigan kami tapos parepareho kami ng hilig" sabi ko naman at tinignan siya sa mata pero iniwas ko agad dahil baka malunod ako swimmer ako pero basta ganun ahhaha! "Ikaw sino yong inaasar mo kanina?" Nag taka naman siya sa tanong ko, saka ko lang naisip na nag mukha akong stalker sa sinabi ko, sh*t!

"Inistalk mo ba ako?" Pang aasar niya, tinignan niya ako at isiningkit yong mata niya, "AHH H-hindi no, A-ano kasi, k-kanina papasok na ako ng r-room nakita kita na inaasar yong k-kaibigan mo" ninenerbyos kong sambit, dahil napagkamalan pa akong stalker, ka stalk stalk kaba? Siyempre! Maganda ka eh!

"Ah oo nakita kita kanina na nakatingin sakin" nahiya ako bigla kaya tinakpan ko lang ang mukha ko, narinig ko naman siyang tumawa pero mahina lang "ok lang basta sa susunod wag masyado baka malunod ka".

"Ok Ms.Yoo , first of all oo tinitignan kita kanina hindi dahil inistalk kita pero dahil nadaanan ka lang ng mata ko, pangalawa swimmer ako hinding hindi ako malulunod sa mga mata mo, at pangatlo, wala na yon lang" argh! Para akong tangang nag eexplain sakaniya.

"Ok Ms.Im, ok lang kong nadaanan lang ako ng mata mo, ang likot naman niyan, ako sa dami ng student sa loob ako lang ang nakita, at pangalawa alam kong swimmer ka sige hindi ka malulunod, pero pwede kang mahulog, hindi ka naman siguro FLYER diba?" Inilapit niya yong mukha niya sa mukha ko ng nakanganga pero hindi masyado alam kong inaasar niya lang ako pero nag bublush ako.. kailangan kong takpan mukha ko para hindi halata jusko nakakahiya!.

The Athletic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon