CHAPTER 1

15.1K 104 37
                                    

"Alright class, I'll have my indefinite leave starting tomorrow. Miss Manoban will be your Professor starting tomorrow."

"Hi everyone, I'm Louise."

"Nice to meet you Ma'am." bati ng mga estudyante. Nakangiti silang lahat except sa isang estudyante na nakatutok ang pansin sa cellphone niya. Are they allowed to use phone during class?

Nakita ko pa kung paano ito kinalabit ng katabi niya, saka lang siya tumingin sa akin pero hindi pa rin ngumiti. Straight face. Hindi ko na pinansin at nagsimula na din ang klase. Sa ngayon ay mag oobserve muna ako at bukas ako na mismo ang magtuturo.


Isa akong Math Professor, kakagraduate ko lang at inioffer nitong University sa akin yung position for the mean time since kailangan nila dahil magleleave si Professor Kim. He's my mentor and a good friend of my Dad too.

Ang kapalit nitong pagtuturo ko dito bukod sa salary ay kailangan kong mag-masters at dito din inoffer yon. Win win situation lang din, I got a job and I'd have my masters degree at the same time. I have class kapag umaga at graduate school class naman sa gabi at kapag sabado, tatlong class ang tuturuan ko at ito yata ang pinaka senior class.

Nakaupo lang ako habang nag oobserve, medyo mahirap ang Calculus kahit ako man din ay nahirapan before. Natatawa nalang ako kapag nakikita ko ang mga mukha ng estudyante kapag nagtatanong sina prof. Mga nakakunot ang noo at nagtataka siguro kung paano naging ganon ang sagot.

"Gets ba?" tanong ni Prof. Kaunti lang ang sumagot at halatang lahat sila naguguluhan. Nagstart mag example ulit si Prof at pinasagutan niya ito sa mga estudyante.

"Miss Kim, kanina pa kita nakikitang naghihikab. Could you please stand up and solve the problem sa board." masungit na sabi ni Prof.

Tamad na tamad itong tumayo at pumunta sa harapan at kinuha ang marker. Tumabi sa akin sa Prof at bumulong. "Watch." sabi nito.

Nagsimula itong magsulat. I doubt kung makukuha niya ang sagot, medyo mahirap ang binigay na problem ni Prof unless kung mabilis siyang pumick-up.


"You'd probably see her yawning in class but she's smart. Kaya minsan hinahayaan ko nalang siya gawin ang gusto niya kasi kahit mag random recitation pa ko nakakasagot yan." pagkwento ni Prof.

Natapos itong magsagot at ibinaba ang marker, bumalik ito sa upuan niya at tumingin kay Prof. Nakataas pa ang kilay.

"Miss Manoban, tama ba ang sagot ni Miss Kim?" tanong nito na ikinagulat ko. Tinitigan ko ang board sandali at nagsolve sa isip ko.

"I'm sorry pero mali." sabi ko.
"How can you say so?" mataray na sabi ni Miss Kim. Nalingon ako sa kanya na halatang gusto na akong patayin. Napalunok ako.

"Defend your answer Miss Manoban." sabi naman ni Prof. Ipinaliwanag ko kung saang part siya nagkamali.

"Paanong mali ang sagot ko Prof?" tanong ulit ni Kim. Mukhang galit na siya this time. I am pretty much sure na tama ang sagot ko.

"Actually dalawa ang sagot. At parehas kayong tama. I'm just testing you both." natatawang sabi nito. Napatingin ako kay Miss Kim na iirap irap. Jusko the attitude.

Nakahinga ako ng maluwag nang matapos na ang klase. Kulang nalang kasi patayin ako nitong Miss Kim dahil sa nangyari kanina. Lumabas ako kasabag si Prof at nagtungo ma sa susunod na class.

ALI POV

"Grabe Ali, paano mo nasagot yung problem na binigay ni Prof? Ang layo kaya nung sagot ko." sabi ni Rosé.

"Ako din bakit ganon." sabi naman ni Irene.

"Ano ba hindi ba kayo nakikinig kanina?" inis na tanong ko.

"Nakikinig naman.. pero ang cute nung bagong Prof no? mukhang sisipagin ako pumasok, paborito ko na ata ang Calculus." maarteng sabi ni Hyun.

"Hyun umayos ka nga aral muna bago landi." natatawang sabi ni Rosé.

"Cute na yon sayo?" sarcastic na tanong ko.

"Asus, inis ka lang eh. Tama naman yung sagot mo. Pinagtripan lang kayo ni Prof. Huwag na inis ulo."

Siguradong sigurado ako sa sagot ko kanina tapos itong bagong Prof sasabihin na mali ako. Sinong hindi maiinis don? I saw her looking at me kanina habang nag oobserve, she probably noticed I wasn't paying attention.

"Hayaan mo na yon Ali. Tara na libre mo na kami nagugutom na ako." pag-aya ni Rosé.

MISS KIM Where stories live. Discover now