CHAPTER 4

2K 56 0
                                    

LOUISE POV

After the Guidance Office incident at doon sa paghatid ko sayo akala ko magiging okay na lahat. Akala ko hindi ka na magiging bitch during my class, but it turned out differently. Weeks passed by as if nothing happened. Well, wala naman talagang nangyari pero why am I thinking na that incident will make us friends or at least you'd be nice to me.

"Good morning class!" masayang bati ko. Lahat ng kaklase mo ay nakangiting bumati pwera lang sayo. Poker face ka lang palagi tho hindi mo na ako sinasagot ng pabalang unlike before. Maybe you're just like this- cold af.

"Since katatapos lang ng exam at alam kong sukang suka na kayo sa math at numbers, maybe we can play a game- well pero numbers pa rin. Group your selves into 5 then I'll give a problem. Ang unang makasolve may prize sa akin." sabi ko.

"Luh ayaw daw sa numbers pero problem solving din." natatawang sabi ni Rose. Napangiti ako sa sinabi niya. "Well, at least machachallenge kayo dahil may prize." sabi ko nalang.

"Anong prize?" biglang tanong mo.

Nagtinginan sayong lahat ang mga kaklase mo. "Wag ka na sumali Ali, disqualified ka na agad." sabi ni Joohyun. "Oonga Ali, give chance to others." sabi naman ni Rose.

"Bakit kayo naman ang ka group ko ah?" sabi nito sa dalawa.

Nag-ingay ang buong klase kasi iniinsist nilang huwag ka na sumali dahil malamang ay mananalo ang grupo kung nasaan ka nakasama.

"Alright. Ganito nalang, Miss Kim will compete mag-isa tapos kayong lahat group your selves in to 5 na. Go."

"Wait Prof, ano muna yung prize?" tanong ng marami.

Actually wala akong nakaprepare na prize, biglaan din kasi ito kasi alam kong kultang kulta na isip nitong mga estudyante ko. "Umm, kahit ano. Sabihin niyo lang kung anong gusto niyo." sabi ko nalang. Too late, what if they ask for too much? Pero siguro hindi naman.

"Ice cream nalang Prof!"

"Samgyup!"

"Libreng lunch!"

"UNO YUNG GRADE!"

"Okay okay sige, I'll treat ng Ice cream yung group na mananalo." sabi ko nalang.

"So ililibre mo ako?" tanong mo ulit.

"WOOOOOAH, Prof wag na kasi isali si Ali."

"Oonga Ali, sa amin nalang yung ice cream."

Tinignan mo ng masama ang mga kaklase mo, hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. It will be unfair to you kapag hindi kita sinali, kaso lang alam kasi ng mga kaklase mo kung gaano ka katalino kaya threat ka sa kanila.


ALI POV

"Alright, hindi nalang ako sasali." sabi ko nalang kays mag-away away pa sila. Inilabas ko ang cellphone ko at nag browse nalang habang sila busy sa pag sosolve.

"I'm giving you 5 minutes to think and solve the problem and another 5 minutes to write it down sa board." paliwanag mo.

5 minutes just started at naririnig ko nag papanic na ang mga kaklase ko. Nakasulat sa board ang tanong at sinubukan ko din naman sagutin.

"Last 5 minutes, write down your answers sa board." sabi mo.

Isa isang nagtayuan ang mga magsusulat ng sagot sa board. Napatingin ka sa akin at nag-iwas naman ako ng tingin. Natapos ang lahat magsulat at umupo ang mga ito, pinagmasdan mo ang board to check kung alin ang may tamang sagot. Actually no one got the right answer, yung sagot nina Hyun may mali sa solution sa mid part kaya namali na hanggang dulo. Mahirap ang tanong na binigay mo kumpara sa mga examples kapag nagtuturo ka.

"Miss Kim, I saw you writing kanina. Would you mind if I ask you to write your answer sa board?"

Tumayo ako at pumunta sa harap. Nagsimula akong magsulat at narinig ko kung paanong nagbulungan ang mga kaklase ko.

"Tangina bakit ganon yung solution natin?"

"Gago bakit ganon yung sagot ni Ali?"

"Ay shet tama naman yung ginawa natin ha?"

Natapos akong magsagot at ibinaba ang marker, lumakad ako pabalik sa desk ko at tahimik na naupo. Chineck mo ulit ang mga sagot including mine.

"Class, let me explain to you kung paano kunin ang tamang sagot." sabi mo sabay explain part by part kung paano kunin ang tamang sagot. Ikaw mismo ang nagsolve. Walang duda, parehas tayo ng sagot.

"Diba? Sabi ko sa inyo wag na kasali si Ali eh." sabi ni Hyun. Walang nakakuha ng tamang sagot kundi ako, malapit na sagot meron.

Nagtawanan ang buong klase dahil sa maling sagot na isinulat nila sa board. Ang ilan ay nagsisisihan at ang iba naman ay nag-aasaran.

"Okay class, walang nanalo so walang prize." natatawang sabi mo.

"Ang hirap naman kasi nung tanong Prof. Parang imposible naman masagot yon." sabi ng iba.

"Mahirap? eh nasagot nga ni Miss Kim." sabi mo sabay tingin sa akin. Tinaasan lang kita ng kilay.

LOUISE POV

"Miss Kim." pagtawag ko sayo after class.
"Yes?" cold na sabi mo.

Kinabahan ako bigla, I was about to ask you kung gusto mo sana mag ice cream since hindi ka nakasali kanina, I admire you for giving chance to others.

"Ice cream tayo?" nahihiyang tanong ko.
"What for?"
"Ah, para doon sa kanina- hindi ka kasi sumali. I'd like to give you consideration." sabi ko.

"Okay lang yon, thanks nalang." sabi mo sabay lakad palabas ng classroom.

LOUISE POV

Hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga alam bakit sobrang cold hearted nitong si Miss Kim. Kung minsan naweweirduhan na ako sa kanya. Isipin mo babatiin ko ng good morning iirapan lang ako? Putek ano bang kasalanan ko sa babae na to? Nacucurious tuloy ako kung ganon lang ba talaga siya?

"Hoy, lalim ng iniisip mo dyan." bati ni Seulgi. Napagpasyahan namin na mag bar tonight dahil weekend naman bukas. Ilang weeks na din kaming seryoso sa kanya kanyang trabaho.

"Siguro may chix ka na sa mga estudyante mo no?" tanong ni Jisoo.

"Gagu, pero ha ang daming chix don- puro magaganda mga estudyante nakakaloka. Kahit saan ka tumingin, masyadong mahal ni Lorde yung University na yon."

"Talaga? Sama mo naman ako dyan sa susunod. Apply kaya ako?"

"Tigilan mo Seulgi. Nakarinig lang ng maganda lilipat na ng School. Teka pala Louise, wala ka naman nakikitang pumoporma don kay Rose ko?"

"Wala naman, palaging kasama non yung kabigan niyang dalawa." sabi ko sanay inom ng alak.

"Ah, si Irene saka si Nathalie." sabi ni Jisoo at tumango ako.

"Sino yun? Patingin naman ng picture!" makulit na sabi ni Seul.

"heh tigilan mo! Hindi magkakagusto sayo yon. Louise, si Ali ba maganda?" tanong ni Jisoo.

"Maganda naman.. masungit lang, kala mo palagi akong papatayin. Why?" tanong ko.

"Wala lang." sabi nito sabay ngiti ng nakakaloko.

"Share niyo naman yung picture nung friends ni Rose grabe naman kayo sakin." pagmamakaawa ni Seul. "Kay Jisoo mo hingin, di ko naman friends yon." sabi ko naman.

MISS KIM Donde viven las historias. Descúbrelo ahora