CHAPTER 10

1.8K 44 1
                                    

ALI POV

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Kinapa ko ito sa table sa gilid ng kama ko habang nakapikit pa. I'm still sleepy, iniunlock ko ang phone ko at napansin kong nagtext ka.

Nanlaki ang mata ko, hindi mo pa naman alam ang number ko ha? Well, technically hindi pa kasi hindi ko naman binigay. Balak kong magpalit ng number dahil sa kahihiyan na ginawa ni Chae. Baka kasi isipin mong pinagtripan kita, pero eto na nga nagmessage ka na. Kanino mo kaya nakuha number ko?

Inilapag ko ang phone ko at pumikit ulit, wala pang isang minuto pero nag ring na ito. Pagtingin ko tumatawag ka na. Tamad na tamad ko itong sinagot at itinapat sa tenga ko saka pumikit.

L: Good morning baby.
A: Morning.
L: Kakagising mo lang?
A: Yeah, nagising ako sa message mo.
L: Chain message pa more. hahaha
A: Hindi ako nagsend non I swear.
L: Asus palusot ka pa, crush mo ko no?
A: Manoban ang aga aga.
L: Sige na hindi na, napipikon ka na naman. Get up na malelate ka sa class. Hindi porke manliligaw mo yung Prof e exempted ka na.
A: Baliw.
L: Oh sya mag-ayos ka na. See you later baby.
A: See you.

Ibinaba ko ang call at bumangon na para mag-ayos. Napatulala ako saglit habang nakaupo sa kama. Anong mangyayari today? Bahala na.

***

Pagpasok ko sa classroom as usual na commotion ng mga kaklase ko dahil sa mga pictures nung Foundation week. Nagkukumpulan sila sa isang pwesto at nagtatawanan.

"Good morning Miss Kim." Nakangiting bati mo sakin.

"Morning." sabi ko nalang at tuloy tuloy na umupo sa pwesto ko. I can't stand seeing you smiling kasi sigurado mapapangiti ako kaya pinili ko nalang umupo agad. Tumunog ang phone ako at napatingin ako sayo, hawak hawak mo ang phone mo.

L: Baby ang sungit mo naman, di man lang ako nginitian.

A: Ang daming tao, kapag nginitian kita magtataka sila.

L: And so?

A: Jeez, you are my professor.

L: Ay oo nga pala. Ang ganda mo today :((

A: Bolera.

L: No really, ang ganda mo everyday. Gustong gusto ko sabihin sayo yan even before kapag pumapasok ka sa umaga kahit sobrang sungit mo.

I can't help but to smile. Pwedeng pwede sabihin ng ibang tao how beautiful a person is pero kapag ikaw ang nagsasabi parang sobrang daming butterflies sa tummy ko.

"Hoy Ali bakit ka nakangiti sa harap ng cellphone mo?" Sabi ni Hyun.

"Huh? Sinong nakangiti?" Agad akong nagtype ng message ulit para mag paalam na since magsisimula na din naman ang klase.

A: Bbye na. Aga aga mo mambola. Ps: Ang gandang pogi mo Prof. Crush na ata kita. :p

L: Look who's bolera now. Okay then baby :*

A: Hey can I get a hug later? Please.

L: I didn't know na sobrang clingy mo hahaha ang cute. Later baby.

Itinago ko ang phone sa bag ko at napatingin sayo.

"Good morning class! Kumusta ang bakasyon?" natatawang sabi mo.

***

Kanina ko pa pinipigil ang tawa ko dahil sa mga pick-up line na nababasa ko. Binigyan mo kami ng problem at mabilis kong nasagot kaya inilabas ko ang phone ko. Nagkataon na nakaupo ka at nagccheck din ng phone mo.

You look at me with a poker face. Napailing ako, so this is how it looks like dating your Prof? I mean seeing that beautiful face during class. Sinong hindi gaganahan? Napangiti ako at ibinalik ang phone ko sa bag.

"Miss Kim, I saw you using your phone during my class." sabi mo.

"What?" nagtatakang tanong ko.

"I saw you. Dalhin mo sakin dito yung phone mo at sagutan mo itong problem sa board." masungit na sabi mo. Napalingon ako kay Hyun at Rose na tatawa tawa lang.

Iniabot ko ang phone ko sayo sabay irap. "Are you testing me?" sabi ko.

"Come on baby, don't be a brat." mahinang sabi mo.

Kinuha ko ang marker at nagsagot sa board.

***

"You're annoying, give me my phone." sabi ko sayo after class. Hinintay ko pa lumabas lahat ng classmate ko para makuha ko ang phone ko. Maski sina Chae at Hyun ay nauna na.

"Why are you using this during my class?" seryosong sabi mo sabay abot nito sakin.

"As if you're not using yours eh?"

"I am your Professor Miss Kim." mariin na sabi mo.

"Again?"

"I mean baby. Just stop using it okay? Focus lang sa class. I am here, you don't need to use your phone. Unless may iba kang kausap."

"Wala akong kausap." sabi ko sabay iling.

"Okay good. Tara na maglunch." pag-aya mo.

Naglakad tayo palabas ng pinto pero bigla mo akong hinatak. Nabigla ako sa ginawa mo, "What?" nagtatakang tanong ko.

Ngumiti ka at niyakap ako sa likod ng pinto. Damn, I remember I asked for a hug kaninang umaga. I didn't expect you'd give it too soon. Niyakap kita ng mas mahigpit.

"Huwag mo akong sanayin sa ganito." sabi ko.

"Why? I'll hug you for the rest of our lives. If it's okay with you." nakangiting sabi mo.

"Of course- it's okay. Tara na." sabi ko dahil baka may pumasok pa sa classroom.

I'm going crazy over this emotions, this feelings that I have for you. Kagabi napaisip ako how we turned like this, I mean- ayokong pakawalan yung feelings na nararamdaman ko ngayon, ayokong mawala. Ayoko na mawala, in a short period of time kahit pa hindi pa tayo you make me feel loved already.

***
Natapos ang class at sinundo mo ako, like you said this morning magdidinner tayo after school.

"Ali teka muna, ano muna meron sa inyo?" pangungulit ni Hyun at Rosé. Actually wala pa akong kinekwento sa kanila kasi I want to keep things between us muna. I want us to enjoy each other's company and know each other na tayo lang pero mukhang wala akong lusot dito sa dalawang bestfriend ko.

"Wala nga."
"Weh? Bakit may pagsundo?"

Napatingin ako sayo. Nagkibit balikat ka habang nagpipigil ng ngiti. Obviously you want me to decide if I'd let them know what we have.

"Nanliligaw siya." sabi mo.
Bigla naman kinilig ang dalawa at niyakap ka.
"OMG SABI KO NA NGA BA!!!" sigaw ni Hyun.
"Girl alam namin na crush mo to." sabi naman ni Rosé.

"Hoy galingan mo manligaw." pagbibiro nila sayo.
"Pwede ba wag niyo yakapin, she's mine. Ako lang pwede yumakap." masungit na sabi ko.

"Ay? possessive? Kayo na? kayo?" sarcastic na sabi ni Hyun.

Lumapit ako sayo at hinawakan ang kamay mo.
"Hindi pa, pero soon. Let's go baby." sabi ko sabay hila sa kamay mo.

MISS KIM Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt