CHAPTER 9

1.8K 62 3
                                    

LOUISE POV

"Hoy para kang tanga dyan na nakangiti ka mag-isa." sabi ni Bambam. Hindi ako nagsalita at tinaasan lang siya ng kilay.

I'd like to thank him for dropping by this morning dahil napaamin ko si Ali. Pero huwag nalang bahala siya.

Napangiti ako kasi naiisip kita. From day 1 of the class natin palagi mo akong iniirapan at binabara, maybe that's your defense mechanism para sa feelings mo for me. Pigil na pigil ang ngiti ko para naman hindi isipin nitong mga kaklase ko na para akong baliw kahit na nakita na din naman ni Bambam.



2:30
Ang tagal ng oras. Parang ito na yata ang pinakamatagal na class sa buong buhay ko.
"Manoban para kang tanga." sabi ko sa sarili ko. But shit I can't help it. Ali is way too cute.

Natapos ang klase at nagmamadali akong pumunta sa classroom niyo para sunduin ka. Damn it, para akong girlfriend na nag-iintay sa jowa niya.

Nakatayo lang ako sa labas nang magsimulang magsilabasan ang mga kaklase mo.

"Hi Prof." bati ng mga ito sa akin. Gustuhin ko man na huwag nila akong makita ay wala akong magagawa. Ngumiti nalang ako. Maya maya pa ay lumabas na si Chae at Hyun.


"Oh bakit andito ka?" tanong ni Chae.
"Uhmmm. Si Ali?" nahihiyang tanong ko. Bago pa sila sumagot ay lumabas ka na mula sa classroom.

"Hi." masayang bati ko sayo.
"Teka lang anong meron?" gulat na tanong ni Hyun. Napatingin sila sayo na nag-iintay ng sagot.

"Wala?" sabi mo at naglakad na.
"Hoy Ali ano yan??" Sabi ni Rosé.

"Wala, uwi na ako." sabi mo at tuloy tuloy na naglakad. Napatingin ako sa kanilang dalawa at ngumiti nalang, I am not in the position to tell them what's happening. Siguro saka nalang.

LOUISE POV

"Babe wait lang, may dala kang car?"
"Anong babe??" masungit na tanong mo sakin.
"Ah.. eh Ali." sabi ko sabay kamot ng ulo.

"I am not in good terms with my Dad tho he and my Mom are okay now." sabi mo pagsakay natin sa sasakyan.

"Ahm, is that okay with you? I mean If I talk to him." alanganing tanong ko.

"Do you really want to?" tanong mo.
"I really want you-"


Napangiti ka sa sinabi ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kasi for the first time ngumiti ka dahil sa akin. "Have I told you that you're way more beautiful when you smile?"

"No not yet. But thank you." sabi mo.
"You're welcome babe."

"Again?"
"Uhhh, what do you want me to call you ba?" confused na tanong ko.

"Why are we talking about endearments already eh hindi ka pa nga nanliligaw?"


"Okay then Miss Kim."
"Stop. You're annoying." inis na sabi mo.

"Can I annoy you forever?"

Sandali kang nag-isip.
"Annoy me forever then."

Napangiti ako, shet parang tanga.
"Hatid na kita then I'll talk to your Dad." sabi ko at nagdrive na.

ALI POV

"Hi Ma'am, Sir.. Good evening." bati mo kina Mom and Dad. Hindi naman ako natatakot to introduce someone sa kanila since nasa legal age naman na ako and open naman sila sa ganon.

"This is Louise.. my friend." pagpapakilala ko sayo at tumango naman sila.

"Kumain na ba kayo? Tamang tama nagluto ang Mommy mo for dinner. Dito mo na pakainin si Louise." sabi ni Dad.


Habang kumakain at nagkekwentuhan ay bigla mo sinabi kung bakit ka andito.

"Ah Sir, pumunta po talaga to ask your permission if I can court your daughter." sabi mo.

Napalingon si Mom kay Dad at nag-iintay ng sagot nito. "Tell me anong nagustuhan mo sa anak ko?" sabi ni Dad.

Napatingin ka sa akin. I actually don't know kung anong sasabihin mo. Teka ano nga ba? Bakit mo ako gusto? Baka gusto mo lang ako kasi gusto kita? Parang ang bilis naman yata?


You cleared your throat at nagsalita.
"Sir, have you ever met someone na unang beses mo palang nakita maiisip ko agad "Ah, this girl is something." that's what I felt when I first saw your daughter during my observation sa class. Funnt how she rolled her eyes all the time tuwing mapapatingin ako sa kaniya, often times I like to confront her about it kasi bakit mo susungitan ang isang tao kung wala ka naman ginawa sa kanya. But that pagsusungit thing became a habit."

"Every single day kahit hindi sa class kapag tinitignan ko siya I see her looking at me sabay iirap. Tapos naisip ko how can she be so cute and irritating at the same time? From that day on palagi na siyang hanap ng mata ko. She got me curious, she's impatient, she's strong, she's smart- even smarter than me. Palagi sa class I am too afraid na magkamali kasi alam kong magrereact siya."


Ramdam kong namumula ang pisngi ko the way you describe me. Napainom nalang ako ng tubig. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako or magiging proud sa sinasabi mo.

"This is more like I developed a huge crush on her.. I like your daughter Sir. Kahit irapan pa ako nito araw araw okay lang. I wanna make her happy all the time. I know this is way too fast kasi kaka amin lang namin sa isa't-isa but I swear Sir, my intentions are good. Hindi ko maipapangako yung perfect na relationship sa anak niyo pero I promise to make her happy all the time- as long as I live." sabi mo sabay tingin sa akin.

ALI POV

Parang sasabog yung puso ko sa mga narinig ko na sinabi mo. Una, I didn't know you feel that way. Pangalawa, hindi ko naman na alam na you'd fall for that- I mean sa pagsusungit ko. at pangatlo, di ko inakala na sasabihin mo lahat yan sa Parents ko.

"Dad? Mom?"

"As long as you are happy Anak." sabi ni Dad.
"Huwag mo lang lolokohin itong anak ko makikita mo hinahanap mo." masungit na sabi ni Dad sabay tawa.


"I won't Sir." sabi mo sabay ngiti.
"Grabe Nathalie, patay na patay itong si Louise sayo ah." biro pa ni Mommy.

"Ma'am, excuse me but who wouldn't?" mayabang na sabi mo.

"Tama na, nagbigay na nga ng blessing nambobola ka pa." sabi ko sayo sabay kurot sa braso mo.

"Ouch, facts only." sabi mo at nagtawanan ang lahat.

***
Natapos ang dinner at inihatid kita sa labas.
"So Miss Kim, pwede ba kita ligawan?" sabi mo

"Magtataka parents ko kapag bigla kang nawala eh nagpaalam ka sa kanila." nang-iinis na sabi ko.

"I'm asking you." sabi mo.
"As if I have a choice e nagsabi ka na nga."

"Just answer my question." inis na sabi mo.
"Pikon ka na? Ha?"

"Pwede ba kita ligawan?" tanong mo ulit.
I can see how frustrated you are right now at sobrang cute mo.
"Answer me or I'll kiss you."

Hindi ako sumagot habang nagpipigil ng ngiti. Sobrang impatient mo din pala. Lumapit ka sa akin at niyakap ako. This happens to be our first hug, well yung nangyari sa CR e unexpected pero etong yakap mo ngayon has something. Assurance. Yeah.

"Let me court you please." bulong mo habang nakayakap. I hug you back ng mas mahigpit.

"Okay." sabi ko.

MISS KIM Where stories live. Discover now