CHAPTER 2

3.4K 79 16
                                    

LOUISE POV

Maaga akong pumasok sa class para makapag prepare. Start na ng leave ni Prof at basically first day ko din mag-isa mag turo. Hindi naman ako kinakabahan, gusto ko lang din ireview yung lesson na ituturo ko. Pagpasok ko sa classroom nagulat ako dahil may estudyante na. Nakadukdok ito sa desk at nakakabit ang earphones. Tinignan ko kung anong oras na, 7:15 am palang at 8:00 am pa ang klase pero andito na siya.

Dahan dahan kong inilapag ang gamit sa table at umupo. Inilabas ko ang notes ko mula sa bag at sa kasamaang palad ay sumamang nahatak ang calcu at bumagsak ito sa sahig.

"Shit." mahinang bulong ko. Napatingin ako agad sa estudyanteng nakadukdok. Nagulat ako dahil nakatingin siya sa akin at siya din ay halatang nagtaka bakit ako andito.

"Sorry.. Good morning." bati ko nalang.
"Good morning Ma'am." bati nito.

I remember her nung nag observe ako kahapon, well what can I say? Parang lahat ng estudyante dito ay chix. Siguro matutuwa yung dalawang kumag kung dito sila magtuturo.

Isinuot nito ulit ang earphones sabay dumukdok ulit. Siguro ay puyat siya, wais din no? Para hindi ma late maaga papasok saka sa classroom matutulog. Binuklat ko na ang notes ko at nagreview na ng lesson.

LOUISE POV

7:55 AM

Nagsimulang magdatingan ang mga estudyante. Hindi naman sila karamihan, mga around 25 din siguro. As usual mas madami ang babae sa lalake, Architecture ang kurso nitong mga ito minsan tinatanong ko din kung bakit ganon? Bakit puro math? Pero siguro kaya ng mga bagay bagay may sariling reason at sigurado naman magagamit nila to sa future. Minsan maiisip natin kung bakit natin pinag aaralan pa ang isang bagay eh parang ang layo naman sa kurso? Ganon talaga, sooner or later marerealize mo kung bakit.

"Good morning Ma'am." bati ng isang estudyante. Napangiti ako, I know her. She's Rosé at dinedate siya ni Jisoo, minsan nakakasama din namin siya sa mga gimik namin. Natatawa ako after ko mag observe sa kanila kahapon nagchat agad siya, sinabi niya na hindi niya daw sasabihin sa friends niya na magkakilaa kami dati pa.

Kasunod niyang pumasok si Miss Kim, yup natatandaan ko siya. Who wouldn't e halos patayin na niya ako ng tingin kahapon.

"Alright class, Good morning. Start na today ng leave ni Prof. Again I am Louise Manoban, you can call me Louise- chill lang kayo, we almost have the same age. I'm a graduate of BS Math Major in Actuarial Science- I'm currently taking my Master's degree here. Ayun, I know this isn't your first day of school but since today is my first day- May I ask if you can introduce yourself one by one. Kahit dyan nalang sa seats niyo, stand up and tell me your name, or interest or kung anong gusto niyong ishare. Ayoko naman puro numbers ang pag-usapan natin. So let's start?" tanong ko.

Nakita ko kung paano nagturuan ang mga estudyante kung sino ang mauuna magpakilala. Nagsimula silang mag-ingay.

"Hoy ikaw na mauna."
"Ikaw kaya."
"Ikaw na pabibo ka diba."
"Bakit kasi may ganyan pa."
"Nahihiya ako gagu."
"Wag mo ko ituro."
"Ikaw na mauna crush mo yan diba?"

Napangiti ako sa mga naririnig ko. The usual commotion kapag nagtatawag ang Prof for recitation. Kaso lang hindi naman ako nagpaparecite.

"Sige mauna yung mga nasa harap tapos sunod sunod according to your seats na." sabi ko. Nagsimulang magpakilala isa isa. Nagkakanchawan pa sila kapag may nasabing nakakatawa ang kaklase nila.

"Hi Ma'am, my name is Ryujin- I took this course kasi eto course ng girlfriend ko." ngiting ngiting sabi nito sabay lingon sa katabi. Nagsigawan ang mga kaklase nito at kinilig. Hiyang hiya naman yung babae na katabi niya.

"She's cute, ang galing mo. I'd probably go with my girl as well kung ganyan kaganda." pabirong sabi ko. Naghiyawan ulit ang buong klase dahil tumayo ulit si Ryujin at itinaas ang kamay para magyabang.

"So you are into girls?" biglang natahimik ang klase nang biglang magsalita si Miss Kim.

LOUISE POV

Napalunok ako, should I answer or not? Nakatingin lahat sa akin, naghihintay ng sagot.

"I don't think I should answer that, it's too personal. Oh sino na ang susunod? sabi ko.

"Wooooaaaahhh" sabi ng buong klase. I saw her rolled her eyes.

"I'm Joohyun- you can call me Irene. I took this course because I love art and stuff." Sabi nito sabay ngiti. She's beautiful and interesting.

"Do you mind if I call you Joohyun instead? I like it more." sabi ko.

"Call me yours, I like it more." Nagsigawan ang lahat dahil sa sinabi nito. Napangiti ako dahil ang lakas ng loob niya magsalita ng ganon. I like her confidence.

"Maybe we can talk about that outside class Miss Joohyun." sabi ko at itinaas nito ang kamay at nag approve sign. Nagsigawan ulit ang buong klase. Tuwang tuwa sa kalokohan eh?

Sumunod na tumayo si Miss Kim na kanina pa halatang iritado, ni hindi siya nakikitawa sa mga kaklase niya. Nakikita ko siyang seryoso lang, either naka tingin sa phone or nakatingin sa akin at panay ang irap.

"I'm Nathalie Kim. I took this course kasi gusto ko lang." cold na sabi nito sabay upo. Tahimik ang buong klase, wala akong narinig na kahit anong asaran.

"So Miss Kim, any hobbies?" tanong ko.
"I don't think I should answer that. It's too personal." mataray na sabi nito.

This time nagsigawan na ang buong klase.
"Okay then." sabi ko nalang.

MISS KIM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon