CHAPTER 8

1.8K 57 4
                                    

LOUISE POV

Maaga akong pumasok para magreview for my graduate class, may recitation kami mamayang hapon kaya kailangan kong magbasa. Since wala na akong time mas pinili ko nalang pumasok ng maaga before my teaching class starts. Minsan iniisip ko tinotorture ko ba sarili ko sa ginagawa ko na to?

I closed my notes nang magsimulang magsipasok ang mga estudyante ko.

"Good morning Prof." masayang bati ni Rosé, minsan gusto kong isipin na iniinis niya ko kapag binabati. Natatawa nalang din ako.
Napansin kong wala ka pa, 2 minutes bago magstart ang klase ay hindi ka pa rin dumadating. Nagstart na ang klase at dumating ka 20 minutes late-


"Good morning Prof." sabi mo habang ngiting ngiti showing your gummy smiles. Napatingin ako sa mga kaklase mo na nakatuon din ang tingin sayo- at sa akin.

"Miss Kim, care to explain why are you late?" seryosong sabi ko. Ayokong magpadala sa ngiti mo pero sa totoo lang parang ngayon ko lang nakita kang ngumiti ng ganyan, well siguro sa iba pero sa akin ngayon lang.

"Traffic kasi Prof." nahihiyang sabi mo sabay lakad paupo sa upuan mo.

Nagpatuloy ako sa pag eexplain ng lesson for today at tuwing mapapatingin ako sayo kahit hindi ka nakangiti feeling ko lalo kang gumaganda? "Focus Manoban." sabi ko sa sarili ko.

"15 minutes break tayo." sabi ko. Kinuha ko ang phone ko sa bag at lumabas sa tapat ng classroom.


Nagkunwari akong nagbbrowse, naglabasan din ang ibang estudyante para mag CR.

"Break?" tanong ni Bambam. Hindi ko na napansin na lumapit pala siya sa akin.

"Yes. Nagreview kana?" casual na tanong ko.
"Hindi pa, bahala na si Batman." sabi naman nito.

"Sana nga bahala nalang si Batman." natatawang sabi ko at natawa din ito.

"Sige na punta na ko sa class ko, pakopyahin mo nalang ako mamaya." sabi nito.

"Baliw." sabi ko sabay hampas sa braso nito bago pa maglakad paalis.


Natapos ang 15 minutes, ibinulsa ko ang phone ko at bumalik sa klase.

"Okay, nasaan na nga tayo." sabi ko at nagsimula na magturo ulit.

I saw how you rolled your eyes again, iniirapan mo na naman ako. Iniisip ko ano na naman ang ginawa ko this time? Grabe naman mood swings netong babae na ito, kanina pangiti ngiti tapos ngayon kulang nalang patayin ako.

LOUISE POV

Natapos ang class at lumabas agad kayo nina Chae. Agad kong niligpit ang gamit ko para sundan kayo. I just want to ask why the sudden change na naman, hindi naman ako dapat ma bother pero feeling ko kailangan kong malaman kung bakit ka na naman ganyan.

"Manoban ano ba bakit ka ganyan." sabi ko sa sarili ko. Dali dali akong lumabas ng classroom at hinabol kayo.

"Ali wait." sabi ko sayo. Napalingon ka lang at nagpatuloy sa paglalakad. Nasa likod natin sina Chae na natatawa, hindi ko din alam kung bakit.


"Galit ka ba? Mag problema ba?" tanong ko.
"Wala." cold na sabi mo.

What the fuck? I thought we're okay na, akala ko friends na pero bakit parang bumalik na naman sa dati?

MISS KIM Where stories live. Discover now