CHAPTER 6

1.9K 57 3
                                    

ALI POV

Foundation Week, Sports Fest, Math Quiz.
Ito yung week matagal na iniintay ng mga student, kase bukod sa walang klase eh madami makikita sa Uni at mapapanood. Yun nga lang required kang pumunta sa school para sa attendance, required ka din manood ng event kapag may laban ang ka block mo, support kumbaga. Ang kapalit non isang buong quiz. Win win situation.

Opening Day. We are required to wear our department shirts para ma distinguish agad sa crowd at syempre pride din.

"Dito nalang tayo." sabi ni Hyun, naupo kami sa bleachers. Napakadaming tao, isa isa na nagdadatingan ang mga estudyante pati na rin ang mga faculty.

Isa isang winemcome ng emcee ang mga faculty. Maya maya pa ay Math Department na ang tinawag. Nakita kitang naglalakad kasabay ang isa pang Prof, nasa may bandang huli kayo at nagtatawanan.

You are wearing a tight jeans, black shirt na naka tucked in at high heels. Napailing ako, why are you fucking gorgeous as fuck?

"Hindi daw crush, baka matunaw yan Ali." sabi ni Hyun. "Tigilan moko Hyun." sabi ko nalang.


MATH QUIZ DAY

ALI POV

"Go beshy! Kayang kaya mo yan!"

"Itayo mo ang bandera ng Archi!"

Kanina pa ako nabibingi sa pang ccheer nitong dalawang babae na ito at natatawa nalang ako kasi gumawa pa sila ng banner na may nakalagay na pangalan ko. I appreciate the effort kahit ang korni. I don't show affection sa kahit kanino lalo na in public at alam nilang dalawa yon- Hindi din ako sanay sa ganitong eksena na may magccheer at may banner pa silang dala dala.

"Thank you, sana wag kayong maingay kasi baka palabasin kayo during the Quiz." sabi ko nalang.


Nagreview ako kagabi ng mga possible na tanong, actually wala akong idea kung anong mga questions but before nito na orient naman kami about possibilities, they make sure naman na it will be fair for the both of us kahit pa may mga kasaling lower year.

Nagstart ang quiz na paper and pencil lang, the question will be flash sa screen then you'll write down your answer in a piece of paper. Isusubmit mo as soon as you finished answering then they will check and validate your answer.

From 10 students down to 5, I'm still included. Napatingin ako kay Rose at Hyun na mahinang nagcheer at itinaas ang banner. Ang cute kahit nakakainis.


5 down to 3, and this is the final question. Paunahan na dito- kung sinong nauna siya ang panalo well of course kung tama ang sagot niya. I am very much confident na makukuha ko to. Just before the Professor drop the question, I saw you entered the auditorium.

Nakatingin ka sa akin at ngumiti- Bigla akong na distract at nag-iwas ng tingin. Ibinigay na ang last and final question and I started writing down my answers- I was in the middle of solving the problem when out of nowhere you slipped my mind. Automatic hinanap ka ng paningin ko, Damn nakatitig ka lang sakin at halatang nagulat dahil napatingin ako sayo. Itinaas mo ang kamay mo at nag thumbs up. Napalunok ako, pagtingin ko ulit sa papel ko hindi ko na alam ang gagawin- Fuck. I just lost my focus.


Inanalize ko ulit ang tanong at nagsimula sa umpisa- when I heard a buzzer, nagpasa na yung isang kalaban ko. Mas lalo akong napressure, binilisan ko ang pagsulat at isinubmit ito agad. Napahawak ako sa ulo ko after. "Shit Ali, what did you do." tanong ko sa sarili ko.

Lumapit ako kina Chae at Hyun after, inabutan nila ako ng tubig.

"Okay ka lang? Bigla kang natense kanina." nag-aalalang sabi ni Hyun.

MISS KIM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon