CHAPTER 3

2.2K 67 1
                                    

"Minsan gusto kong isipin na type mo si Prof Louise. Grabe Ali bakit ka ba galit na galit sa kanya?" tanong ni Hyun habang kumakain kami.

"Pwede ba? Hindi naman ako galit sa kanya, kailangan ba close kami para masabi niyong hindi ako galit?" paliwanag ko.

"Cute naman si Louise ah." sabi naman ni Rosé
"Awao close kayo? First name basis?" pang-aasar ni Hyun.

"Ewan ko sa inyo." sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain.

I know her- I know her since Elementary days.


*FLASHBACK*

"Nathalie, you'll be representing the Grade 4 students in Quiz Bee. You will compete sa higher grade most likely sa Grade 5 or 6. Galingan mo ah mas matatanda yon." sabi ni Teacher.

I am too confident sa pagsali sa mga ganito, parang hindi na mabilang kung ilan ang medal na naiuuwi ko every recognition day. Tuwang tuwa ang Mom ko kapag ganon. First time ko lang makikipag compete sa higher grade.

Competition Day

"Goodluck my baby. Ikaw na agad ang panalo for me, kapag hindi kaya wag mo na pilitin ha. Basta manalo or matalo proud si Mommy sayo." sabi ni Mommy sa akin sabay yakap.

Nagsimula ang Quiz Bee at nakaabot ako hanggang sa Final 2. Tinignan ko ang batang kalaban ko. She's taller than me and I guess Grade 6 siya? Ngumiti ito sa akin bago ibigay ang question. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Na distract ako at unfortunately natalo niya ako sa score na 0.50.

*END OF FLASHBACK

That is why nagulat ako na siya ang papalit kay Prof- Like ang daming pwedeng pumalit bakit siya? First time kong matalo sa competition dahil sa kanya, minsan nga naisip ko yung pagngiti niya sa akin non eh may gayuma kasi bigla akong nawala sa focus. Tapos eto naman si Prof ako pa yung tinawag para magsagot.

I don't know kung natatandaan niya ba ako but I doubt, malamang hindi. I was a fat kid way back then, I have my braces too. Nagkataon lang talaga na sumama ang loob ko sa kanya kaya inalam ko kung anong pangalan niya.

3rd Week

ALI POV

Ipinatong ko ang test paper sa table at halatang ikinagulat mo yon. Napatingin ka sa papel saka tumingin sa akin.

"Miss Kim, are you done already? We still have 20 minutes left baka gusto mong idouble check ang sagot mo?" nagtatakang tanong nito na siya namang ikinainis ko.

"Do you think I'll have the guts to submit this kung hindi ako sigurado sa sagot ko?" inis na tanong ko.

"That's not the proper way to speak to your Professor Miss Kim." mariin na sabi nito.

Napatingin ako sa mga kaklase ko na ngayon ay nakatingin lahat sa amin. Napakibit balikat ako. "Okay, I'm sorry." sabi ko sabay talikod.

"I'll see you at the guidance office after class." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.

"What?! Why?? what did I do?"
"Go to your seat, nag eexam pa mga kaklase mo." masungit na sabi ulit nito.

ALI POV

Dumirecho kami sa Guidance Office after class, hindi niya ako kinibo habang naglalakad. Nauna siyang pumasok at kinausap ang Guidance officer, kasunod nito ako naman ang kinausap at pinagpaliwanag. Of course, wala akong laban kaya bandang huli nagsorry nalang ako.

"Cutie naman itong Prof mo Miss Kim, bakit sinusungitan mo?" pabirong sabi nito. I faked a smile para matapos na itong usap na to.

Paglabas sa office- Umuulan. Great. Ito lang ang class ko today at nagkataon na wala akong dalang sasakyan at wala din akong payong.

"Napakagaling mo talaga Ali." bulong ko sa sarili ko habang nakatanaw sa ulanan.

"Wala kang payong?" Hindi ko na napansin na nasa likod pala kita. Kanina lang sinusungitan mo ko now you're asking me kung wala akong payong as if close tayo. Umiling lang ako.

"Mukhang walang balak tumila ang ulan, may dala ka bang sasakyan?" tanong mo ulit, nagtataka na ako bakit ayaw mo pa rin umalis. Umiling ulit ako, tinatamad akong magsalita tapos ikaw pa yung nagtatanong. Mas lalo akong nairita.

"Tara na." pag-aya mo sa akin. Binuksan mo ang payong na dala dala mo at inintay ako.

"Tara na, gagabihin ka dyan bahala ka." sabi pa nito. Wala na akong nagawa kundi sumabay.

"Teka lang, akin na bag mo. Baka mabasa." sabi mo at inabot ito. Naglakad tayo sa ulanan habang pinapayungan mo ako, pag talagang minamalas nga naman no? Lalo pang lumakas ang ulan habang patawid tayo sa parking lot. Inakbayan mo ako and you pulled me closer to para hindi ako mabasa.

"Bakit kaya naulan wala naman sa weather forecast to." natatawang sabi mo. Pinagbuksan mo ako ng pinto ng kotse mo at dali dali akong pumasok. Umikot ka at pumasok na rin sa loob.

"Hay shet jusko tong ulan na to." sabi mo. Nagulat ako sa way ng pananalita mo, ibang iba din kasi kapag nasa klase sobrang Professional. Pinagmamasdan kita habang pinupunasan mo ang long sleeves mong basa na.

"As if matutuyo yan sa pagpunas mo." sabi ko nalang.
"Ah right." sabi mo. "Ikaw okay ka lang ba?"
"Yeah, thanks." matipid na sagot ko.

"Saan kita hatid? I'm sorry but do you mind?" tanong mo habang hawak hawak ang butones ng long sleeves mo. "Basang basa na kasi baka magkasakit ako." sabi mo. Hindi pa ko nakakasagot nang isa isa mong alisin ang pagkakabutones nito. Hinubad mo ito at ihinagis sa backseat. Nakasando ka nalang na itim.

"Kahit hanggang sa gate lang, mag grab nalang ako." sabi ko nag-iwas ng tingin.

"Are you sure? Hatid na kita."
"No, it's okay."
"Ang lakas ng ulan hahatid na kita." sabi mo.

Wala na akong nagawa dahil mukhang wala din naman yata balak tumila ang ulan.

MISS KIM Where stories live. Discover now