CHAPTER 13

1.5K 39 0
                                    

How would you react kapag nakita mo yung kapatid mo na hinahalikan ang Girlfriend mo? Yes, I saw her kissing Louise- Nakita ko kung paano nag refuse si Louise at kung paano niya itinulak ito. I feel betrayed by my sister, not by my Girlfriend.

It happened a week ago already, hindi ko sinasagot ang texts at tawag ni Louise. Hindi rin ako lumalabas ng kwarto kapag andyan siya buti nalang nagstart na ako sa OJT ko sa isang construction firm at medyo distract yung isip ko.

Hindi ko alam eh, anong sasabihin ko sayo? Pati yung kapatid ko hindi ko rin kinikibo. Walang alam sina Mom and Dad sa nangyari, ayoko naman madamay sila sa gulo namin nung kapatid ko. She tried to reach out for me pero sabi ko huwag muna ngayon. Kasi isipin mo, alam niya na girlfriend ko si Louise pero pinilit niyang halikan. Maiintindihan ko kung mayroon silang past pero tapos na kasi yon sabi ni Louise. Tapos na nga ba?

"Huy Kimmy!" bati ni Kaiser. Isang Junior Engineer dito kung saan ako nag OJT. He's been nice since day 1. Gentleman at generous, nakikita ko siyang palaging madaming baon na food kapag lunch at binibigay niya sa amin.

"Hindi ko alam sayo bakit Kimmy ang tawag mo sakin."

"Nathalie Kim- Kimmy. Ay, akala ko pa naman matalino ka." natatawang sabi nito.

"Akala ko din." malungkot na sabi ko.

"Come on, Smile na. Hindi bagay sayo nakasimangot." sabi nito sabay pisil sa pisngi ko.

"Ouch."

"Oa naman nito. Tara na umuwi, hatid kita." sabi nito sabay kindat.

"Huwag na may kotse ako." sabi ko naman.

***

Nagpunta ako sa isang coffee shop kung saan kami palaging nagpupunta ni Louise. Ilang beses na akong nagtype ng message para sa kanya buong maghapon. Sobrang namimiss ko na siya, feeling ko ang unfair ko na kasi hindi ko man lang siya hinayaan magpaliwanag. Balak kong bumili ng paborito niyang cake at coffee saka ako pupunta sa condo niya pero hindi pa ako nakakababa ng sasakyan ay natanaw ko na sa parking lot ang sasakyan niya.

Napakunot ang noo ko, hindi muna ako bumaba at hinanap siya sa loob since glass naman at kitang kita ang mga customer mula sa labas. I saw her with someone, yup. Kasama niya si Steph. Nag-init na naman ang mata ko, bakit sila magkasama? Nagkabalikan na ba sila? Napagpasyahan kong itext siya para tanungin kung nasaan siya ngayon.

***
"Inagaw mo na yung Dad ko pati ba naman yung Girlfriend ko?" tanong ko kay Steph.

"Is she even yours at the first place? Hindi kami nagbreak." mariin na sabi nito.

Finally nagkaroon ako ng lakas para iconfront si Steph about what happened 2 weeks ago.
You know what happened to my Dad and Mom. He had an affair at nagkaroon ng anak sa labas, I don't want to think na inagaw nila and Dad ko, I don't want to think na I am incomplete because I grew up without having a father figure. Ayoko na magtampo doon sa mga birthdays at milestone ng buhay ko na wala si Daddy sa tabi ko.

You can forgive but you can't forget. Hindi naman tayo Diyos para hindi magpatawad diba? But the thing is, we cannot undo what happened in the past. It made you who you are no matter how good or bad, as for me I am living with the fact that my Dad cheated before then he went back sa Mom ko pero that doesn't stop there.

Never ko narinig nanghingi ng sorry ang Dad ko sa akin for what he did, for not being there when I need him. Ang selfish ko ba to put walls so he can't hurt me again if ever? That's why nasabi ko kay Louise na I am not in good terms with my Dad. Kasi never ko ata maiintindihan kung bakit niya nagawa lokohin ang Mom ko, parang kahit ulit ulitin ko pa sabihin sa sarili ko na tapos na yon Ali, andito na siya- wala eh.

MISS KIM Où les histoires vivent. Découvrez maintenant